STRING OF LOVE (SOL) 1
𐙚 - how did they meet?Rheeyna Vhan PoV.
On the way na kami sa village na pupuntahan namin kung saan gaganapin ang party, medyo malayo rin kasi papasok ang village namin at sa dulo pa ang bahay, tapos ang pupuntahan namin ay sa kabila pa. Syempre kailangan pang lumabas para makapunta sa kabila.
"Hey Rayne, you owe me ha." I said to my little brother, and he just stared at me. "Hello? I'm talking to you,"
"Psh, oo na. Lagi naman." He said kaya napairap nalang ako. Napaka sungit talaga ng lalaking 'to. Kanino ba nag mana ng kasungitan 'to? Hindi naman ako ganto kasungit diba?
Nasa sasakyan pa kami at kausap na ni Manong Jan ang guard doon sa village na pupuntahan namin. Ayaw kasi kami papasukin. Mukha ba kaming outsider?
Ilang minuto na kami narito at inip na inip na ako, kaya napag desisyunan ko na lumabas ng kotse. "Stay here." I said to Rayne and he just nodded.
"Manong Jan, ano na raw po?" Tanong ko nung makita kong wala ang guard sa harapan niya.
"Tinatawagan pa ang may-ari ng bahay na pupuntahan natin." Sabi niya, at dahil sa inip na inip na ako ay pumunta na ako sa guard house.
"Manong guard, can you just let us in? We are invited of a children's party here." Sabi ko.
"Wait lang po ma'am, hindi pa po kasi sumasagot 'yung may-ari ng bahay." Tugon niya na nag pa level up ng inip ko, nilabas ko ang wallet ko at kinuha ang invitation card. Pagka-kuha ko ng invitation card ay hinarap ko sakaniya bago ako magsalita.
"Look manong guard, isn't it obvious that you don't need to contact them para sabihin na may naghahanap? Look we received an invitation card, so automatic na aasahan nila ang pagdating namin." I might look rude pero nawawalan na talaga ako ng pasensya sa sobrang tagal, ayoko pa naman na nag hihintay ng matagal. Sa huli napa buntong hininga na lang ang guard at pumayag na papasukin kami.
I smiled before turning my back at him. "Let's go manong." I said to our driver before getting inside the car.
Nag patuloy na kami sa paghahanap ng address at hindi ko akalain na mahaba rin 'tong village na ito at maraming pasikot. Pero hindi naman nag tagal ay nahanap din namin ang exact address.
Nag park muna si manong and kitang kita ko ang maraming batang naroon at nakita ko rin ang theme ng birthday. It was...Sofia the first, my favorite.
"Rayne bumaba ka-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung narinig ko ang pagsara ng pinto at kitang kita ko ang pagtakbo niya roon sa party.
Such a rude kid.
Bumaba narin ako at pumunta roon sa may birthday, sakto naman ang paglabas ng nanay ng celebrant and she smiled at me.
"Oh, you guys came." She said with a sweet smile. Ngitian ko rin siya.
"Yes po. Hello po, I'm Rheeyna Vhan Morris." Sabi ko at nakipag-beso. Feeling close lang bakit ba?
"You're Rayne's sister, right?" She asked and I nodded. "You're so pretty in person, magkapatid talaga kayo. Magkamukha." sabi niya at tumawa nalang ako kahit hindi naman totoo 'yon. Pangit pangit non e.
"Mommy!" sigaw ng batang babaeng nakasuot na pang Sofia the First na costume. Si Birthday girl. Nagtaka ako kung bakit hila hila niya ang kapatid ko.
"This is Rayne, he's cute, right?" The celebrant said while introducing my little brother to his mother.
"Yeah right, baby Allis." Her mother answered and patted her daughter's head.
Nag paalam na siya sa 'kin bago siya lumapit sa ibang bisita, tumango naman ako at binigyan ko siya ng sweet smile.
***
After ng ilang minutong pag aayos ay pumwesto na at umupo si Rayne doon together with his classmates. And of course, katabi niya ang birthday girl.
Bata pa sila. Grade 4 palang nga e kaya
bawal pa at isa pa, hindi ako papayag na daigin ako ny bata pagdating sa love.At siyempre kami namang mga guardian na sumama sa mga bata ay nakaupo sa likuran, nasa unahan ako kasi nauna akong maupo rito.
Hindi naman nag tagal at nag umpisa na ang birthday, nag pa-music ng happy birthday at sinabi rin na parating na ang clown. Habang busy ako sa pakikinig sa sinasabi ng babae sa harapan ay lumapit si Rayne.
"Ate, may clown mamaya." Sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay and I gave him so-what look. "Hindi ba ikaw ang clown ate?" That made my eyes big.
How dare he say that to me?!
Mapait akong tumawa habang tinitignan siya ng masama, bahagya rin akong lumapit at bumulong. "Sa ganda kong 'to? magiging clown? Baka ikaw." Sabi ko, and he just laughed.
"Ikaw Rayne, pinagbigyan na kita kaya 'wag mo ko bwisitin kundi uuwi tayo, tignan mo." Muling sabi ko sakaniya at ngumiti lang siya at umalis sa harap ko. Napairap naman ako.
Sasandal na sana ako sa upuan nang may mag salita sa gilid ko.
"What's his name?" The girl beside me said, parang ka-age ko lang siya.
"Why do you care?" I raised my one eyebrow.
She laughed. "I just want to know. He looks like you. No wonder he's your little brother." The girl said.
"Oh no. Mukhang nagkakamali ka, hindi ko kamukha 'yan. Pangit pangit niyan." Sabi ko at ngumiti siya.
"I'm Safira, nice to meet you." Pagpapakilala niya kaya tinignan ko siya at doon ko napag alaman na ang panget niya rin. Char. Ang ganda niya, pero mas maganda ako, may tatalo pa ba sa akin?
"Rheeyna Vhan." Tipid kong sabi at ngitian siya, at ngumiti rin siya at mas lalo akong napatitig dahil sa ngiti niya, ang ganda niya. Bagay na bagay sa ngiti niya. "You're pretty." Sabi ko at namula siya sabay iwas ng tingin.
Magsasalita pa sana siya pero bigla na lamang nag salita uli ang nasa harapan, at ng tingnan ko ito ay may clown na. Masayang nakikipaglaro ang clown sa mga bata.
Wala namang bago, nag laro lang sila ng stop dance at iba pang games for kids na ginagawa tuwing may birthday.
"Let's proceed to the next game, kids!" Sigaw ng clown. "Our next game is bring me! Who's ready?" The clown said at nag ingay ang mga bata na enjoy na enjoy.
Maraming pinapadala, gaya na lamang ng pouch kaya dali-dali pumunta si Rayne dito sa akin para kunin. Pati narin ang card, wallet, lipstick. At ang malala pa ay ang sandals, kaya kinailangan ko pang hubarin ang sandals ko para ibigay sa kapatid ko.
"And for the last .. Bring me the most beautiful or handsome sister or brother!" Sigaw ng clown, at nagulat ako ng nasa harapan ko na ang kapatid ko at hinatak hatak ako papunta sa unahan. Sinubukan ko pa ngang alisin ang pag kakahawak niya kasi naiilang ako. Nasa unahan ba naman kami, pero hindi naman ako tatanggi kasi alam ko naman maganda ako pero nakakahiya pa rin.
Siyempre, ma-expose ba naman ang beauty mo sa harap ng people?
YOU ARE READING
String of Love
Teen FictionWhat if the person you met while crossing the road is your forever? Or the person you bumped into becomes your lover someday? Life is unpredictable. You don't know what will happen next. And‚ what if Khaize and Rheeyna are like the "What if's" that...