Chapter 10

16 12 0
                                    

STRING OF LOVE (SOL) 10
𐙚 - may hangover pa si yna

Rheeyna pov.

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko, sinubukan ko idilat ang mata ko pero parang naka-magnet ito at ayaw maidilat. Ramdam ko rin ang sakit ng katawan ko.

"YNAA!" Nagising ang diwa ko dahil sa sigaw ng isang matanda, lolo 'ko to be exact. Narinig ko rin ang tungkod niyang papalapit sa kama ko, kaya bago niya pa ako paluin ng tungkod niya ay sinikap kong tumayo kahit ang sakit ng katawan ko.

"Ano bang pinag-gagawa mong bata ka!?" Galit na tanong nito.

"Po?"

"Umuwi ka ng gabing gabi rito sa bahay! At hindi lang 'yon, lasing ka pa" Sabi nito kaya napatungo ako. "Ito ang unang una ginawa mo ito, Yna! At hindi kami natutuwa ng lola mo. Sasabihin ko ito sa mommy mo!" I can see his madness in his eyes.

Bakit ba kasi ako nag lasing?

"Fred, tama na. Kakagising lang ng bata. Yna, maligo ka na. May pasok ka pa." Biglang pasok ni lola.

Tumango ako at pumunta agad sa banyo, sinundan pa ako ng tingin ni lolo kaya umiwas ako baka kasi paluin ako ng tungkod.

Habang nag sha-shower ako ay napaisip ako. "Anong nangyari kagabi?" Tanong ko sa sarili.

flashback...

"Emmanuel, hayaan mo muna si Rheeyna!" Dinig kong pilit ni Tiara sakaniya. Pilit kasing kinukuha ni Emmanuel ang hawak kong baso na may alak.

"Tama!" Sabi ko at hinablot ang baso sabay inom. "Argh!"

Pagkarinig ko ng intro ng kantang Fallen ay agad akong napatayo. "Akina ang mic!" Sabi ko at hinablot kay Shan ang mic.

"What if I told you that I've fallen?" Pagkanta ko na may halong sigaw. Naghiyawan naman ang mga kasama ko.

"Woahh!!" Sha

"Go, sis!" Tiara

"Oh~~~" Franco.

"And I like the way you say my name~~" Sabi ko at sakto namang nagtagpo ang tingin namin Emmanuel. Naalis lang ang tingin ko dahil may umagaw ng mic sa 'kin.

"My heart skips a beat when I hear you calling~~" Kanta ng umagaw ng mic sa 'kin, at iyon lang naman ay si Shan. "And I like that it won't go away" Pagpapatuloy niya, hinabol ko siya ng tingin.

"Hey! Bakit mo kinuha sakin 'yung mic!?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya ng masama. Balak ko sana siyang habulin pero may pumigil sakin.

"Stop. Lasing ka na" Emmanuel said.

"Bitawan mo nga ako! Hindi pa ako lasing!" Sabi ko habng inaalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nang matanggal ko iyon ay dumiretso ako sa sofa kung saan ako nakapwesto kanina, umupo ako kasi medyo nahihilo-hilo na ako.

"Ano, Rheeyna? Lasing ka na?" Tanong ni Tiara na halata namang lasing na lasing na. Tumawa ako at umiling, kinuha ko ang baso at tinangkang iinumin pa, pero isang kamay ang pumigil don.

"That's enough. You're wasted now" Sabi nito. Tinitigan ko naman siya ng maigi. "Don't stare at me like that" Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Sino ka?" Tanong ko habang hawak parin ang pisngi niya, nginitian ko na rin siya. "Sakit ng ulo ko" Huling sabi ko bago ko nilapit ang mukha ko sa kanya....

String of LoveWhere stories live. Discover now