Chapter 11

12 10 0
                                    

STRING OF LOVE (SOL) 11
𐙚 - waiting for her

Khaize Pov.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sarili ko at tinignan ang relo ko. "8:30am. Why is she not here yet?

I already here at school, nandito lang ako sa may puno at mula rito ay natatanaw ko ang gate. Ilang minuto na ako nakatingin don, hoping na mula rito ay makikita kong pumasok si Rheeyna.

I skipped my first period to wait for her, and I'm also willing to skip the second subject for her. I actually have been here at school since 8 o'clock am. Nahirapan pa nga ako mag dahilan kaninang pagdating ni ma'am para lang maantay siya.

Ang tagal niya naman. Ang dami niya siguro nainom kagabi sa celebration nila.

Minuto ang lumipas nung mapansin kong may pumasok sa gate, hinarang pa nga siya dahil late na late na siya. Natawa ako nung makitang nakabusangot siya habang nililista ni ate Isay ang pangalan niya sa logbook. Si ate Isay ay isang ladyguard dito sa school, she's kind but strict.

Nang matapos na ang paglilista sakaniya sa logbook at naglakad na siya palayo, ganun din naman ako. Sinundan ko siya hanggang makarating siya sa Cafeteria, umorder siya ng tinapay at juice. Pagkatapos niyang umorder ay saka ako umorder din, tinapay lang ang inorder ko at kape. Hindi kasi ako nag almusal e.

Saktong kakagat siya ng tinapay nung umupo ako sa harapan niya, natigil ang pagkagat niya at tinignan ako.

"Bakit ka nandito? Oras pa ng klase ah" I smiled as I saw her eating the bread. The heck, she's really beautiful. "Nag cut ka ng class no?" I didn't answer her question, I just gave her a smile bago ko kinain ang tinapay na binili ko.

"Hoy! Nag cut ka? Hindi ko 'to papalampasin kaya mamaya kapag breaktime, sumama ka sa akin sa ssg office" She said looking directly into my eyes.

"No. I don't do cutting classes," I smiled.

"Then why are you here? Shouldn't you be in class?" Rheeyna gave me a look that seemed really curious.

'Because I have been waiting for you.' I badly want to say that to her kaso it's too risky pa.

"Late ako. Kakapasok ko lang" I lied. "How about you? Bakit ngayon ka lang?" Even though I know the reason, I still want to ask her. May maitanong lang.

"None of your business" She didn't look at me.

"I guess it was because of the celebration you guys had yesterday?" I said and she turned her gaze to me. She even gave me a question-look.

She squinted her eyes. "How did you know that?"I just shrugged.

Malamang, ako pa. Nandon din ako sa building na pinag celebrate-an niyo e.

"Well, I saw you yesterday nung paalis ka" I said. "Narinig ko lang kayo nag usap ng kaibigan mo" I added. I was about to say a word again, but I saw her friend behind her. Sinenyasan niya ako na 'wag maingay, palihim akong tumango bago ko binalik ang tingin ko sa kaharap ko, kakain na sana ulit siya pero..

"Boom!" Gulat sakaniya ng kaibigan. Ngumiti ako habang nakatitig sa kaniya. Ang ganda niya talaga.

*****

Rheeyna PoV.

Pagkatapos na pagkatapos ko lang kumain ay nag paalam na ako sa kanila, kailangan ko kasing pumunta sa ssg office kahit ayaw ko.  You know naman yung nangyari kagabi, sinukahan ko si Emmanuel. Nakakahiya sobra, tapos haharap ako sa kanya today?

Huminga muna ako ng malalim, at akmang papasok na ako pero may nag salita sa likod. I froze a few seconds before facing him. I force myself to smile, bastos naman kasi kung susungitan ko siya pagkatapos ko sukahan diba?

"Ang tagal mong pumasok" Sabi niya.

"A-ahh ano kasi.. may nakalimutan ako sa locker ko" Nauutal-utal ko 'yan sinabi habang nakatingin sa kanya. Bwisit! Nahihiya akong humarap sa lalaking 'to dahil sa pagsuka ko.

"Later mo na kunin, may sasabihin ako sa loob. Let's go inside"

Pumasok kami ng sabay at nakita kong kumpleto ang mga officers, nakaupo sila sa sarili nilang pwesto. Binigyan ko sila ng ngiti.

"Hi, Rheeyna" Shan. "Kamusta? May hangover pa?" Natatawang tanong niya at tumawa ang ilang tao na nandon. Hindi ko sila pinansin dahil may inabot sa 'kin si Emmanuel na logbook.

Logbook na naman? Kanina sa gate pinalagay pangalan at grade & section ko.

"Write your name here." Sabi niya pagka bigay sakin ng logbook.

"Para san na naman 'to?" I asked.

"Hindi ka pumasok ng dalawang class mo. You're a school secretary, hindi ka pwedeng mag skip ng mga classes mo." May awtoridad na tugon niya.

Tumango na lang ako at nilagay ang pangalan ko sa logbook niya, pinirmahan ko rin 'yun syempre.

"May gan'to na pala?"

"Yeah. Hindi mo lang talaga alam kasi hindi ka naman naging president." He's right, saka first time kong mag skip ng classes kaya hindi ko alam na may ganito pala. "At isa pa, I was the one who suggested this logbook. Syempre tinanong ko muna si Vien if he's okay with it. Para malaman natin kung sino ang nag skip o nag cut, at para malaman natin kung ilang beses na nila ginawa 'yun, if nakita natin ang pangalan nila rito ng tatlong beses o higit pa then we will punish them na" Dagdag niya. Ah kaya pala hindi ko alam na may ganito kasi bago lang din pala. Tamang imbento rin 'tong lalaking 'to e, pero so far, maayos naman.

Tumatango-tango naman ako bilang tugon sa sinabi niya, ayoko naman kasing magmukhang bastos sa harap ng presidente. Nasukahan ko na nga tapos babastusin ko pa—

"Ay!" Biglang sabi ko nung maalala ako. "I know someone na nag cut ng class. Actually, nakita ko siya kanina sa cafeteria. Pero sinabi niya sakin na hindi raw siya nag c-cut. Wala naman akong kasamang pumasok sa gate kaya impossibleng na-late lang siya." Sabi ko, hindi kasi ako naniniwala na hindi siya nag cut. Malay mo, nag cut siya ng class para mag cafeteria.

"Who?"

I smirked. "Khaize."

"Is he your friend?" Emmanuel.

"No." Sabi ko sa kanya. "Papapuntahin ko 'yun mamaya rito."

"Guys, ano palang nangyari kagabi?" Biglang tanong ni Tiara na nakakuha ng atensyon namin ni Emmanuel, binalingan namin siya ng tingin.

"Oh.. I forgot to say this. Ms. Secretary, you should apologize to me" I looked back at him.

"Why would I?" I asked.

"Hindi mo ba naaalala? Nasukahan mo ko?" Banggit niya sa pagsuka ko kagabi, kaya napaiwas ako ng tingin. Nyeta! Ito na nga ang sinasabi ko!

"HAHAHAHAHA" Tawa ni Franco. "Lasing din ako kagabi pero hindi ko makakalimutan 'yung paglapit ng mukha ni Rheeyna sabay suk—" Hindi ko siya pinatapos dahil tinakpan ko ang bibig niya.

"Stop" Sabi ko sakaniya at nag tawanan naman ang lahat. "Bakit niyo ba ako tinatawanan? Masama bang sumuka kapag lasing?" Inis na tanong ko.

Todo kasi silang pangangasar, at ginagaya pa nila ang ginawa ko kagabi. Shetaangunaaaa, nakakahiya talagaaa.

Pero ano naman kung sumuka ako? Masama ba 'yun? E sa nasuka ako e. Saka sa napapanood ko at nakikita ay sumusuka sila after nilang uminom ah, so anong problema ng pagsuka ko?

Hindi pa rin sila tumitigil kaya irita akong umalis ng ssg office at dumiretso na lang sa room, sakto naman na pag upo ko sa upuan ko ay dumating na si Mrs. Ana para sa subject namin sa Creative writing/Malikhaing pagsulat.

String of LoveWhere stories live. Discover now