STRING OF LOVE (SOL) 20
ִ𐙚 - Demon father*
Rheeyna Pov.
Nakailang games na ang nasalihan namin. Calamansi game, ‘yung larong pipiringan mata mo at may mga cup sa lapag, kailangan hindi masanggi o matapakan ang cup. Syempre ang mag gu-guide ay ang guardian na kasama. Hindi lang ayan ang nilaro namin, meron pa pero hindi ko na matandaan ang mga name non.
“Want more kids?” Tanong nung emcee ba ‘yun. Naghiyawan namanang mga bata pati ang kapatid ko.
“Gusto mo pa? Sure ka?” Panigurado ko, nakakapagod kaya maglaro na maglaro, pero so far, nakakamiss din ang maglaro ‘yung wala kang iisiping problema kasi puro saya lang
“Yes ate, gusto ko pa. Ikaw, ayaw mo na ba?” Tanong niya kaya umiling ako.
“Hindi no!”
“Sabi nila, save the best for the last, kaya ito ang ihuhuli nating laro. Alam niyo naman ba siguro ang larong sako diba?” Nagsi-oo-han naman ang lahat. Maganda ang larong yun.
“Kuya, I don't want to play anymore na. I’m tired.” Sabi ni Allison.
“Ahm, pahinga nalang kaya muna na tayo? Pang last batch nalang tayo mag laro nyan, para may time tayo mag-rest” Sambit ko at tumango naman sila. “Is that okay to you, Rayne?” I asked my brother.
“Yeah, medyo parin din naman ako, saka, para makasama rin si Allison.” Nakangiting tugon ng kapatid ko, ngumiti naman kami sakaniya at pumunta sa likod para umupo.
“Dito lang kayo, bibili lang ako ng tubig.”
Lumabas ako ng gymnasium para bumili ng tubig, sa labas kasi nito diba ay puro food at iba pa. Kaya dito ako bibili. Nang makabili na ako ng apat na tubig at bumalik na ako sa gymnasium, pero nung papasok palang ako rito ay may nagsalita sa likod ko, nabosesan ko ito kaya hinarap ko. Kumulo agad ang dugo ko nang makita ko kung sino ito.
“What the fvck are you doing here?!” Galit na tanong.
“Family day ngayon kaya narito ako para sa anak ko. Nasan ba siya?” Tanong nito.
Well, ang kaharap ko lang naman ay ang demonyong ama ng kapatid ko. Nabanggit ko naman na hindi kami parehas ng tatay diba? Magkaiba kami ng ama, tanging ina lang ang parehas kami pero kahit ganon pa man ay hindi ko siya tinrato na parang iba. Syempre kapatid ko parin siya, at mahal na mahal ko siya.
“He needs father in this event, kaya narito ako.” Muling sambit niya.
“Father? Naging tatay ka ba sakaniya?!” Gigil na tanong ko. Shet! Ayoko gumawa ng away dito pero kung ipipilit niya ang gusto niya, hindi ako magdadalawang isip na magwala rito.
“Hindi, dahil hindi niyo ako hinayaan maging ama sakaniya.”
“Bakit ka namin hahayaan kung niloko mo lang kami? May girlfriend ka na at pinerahan mo lang si mommy! Kaya sabihin mo sa ‘kin, sinong tangang ina ang hahayaang maging ama ang isang lalaking sinungaling na manloloko pa!?” Pinilit kong hindi maluha dahil sinabi ko, naiinis ako kapag kaharap ko siya o kaya nakikita ko.
“Minahal ko ang mama mo.” Mariing tugon niya.
Tumawa ako ng mahina. “Minahal? Kung totoong minahal mo siya bakit hindi mo inamin sakaniyang may girlfriend ka? At bakit mo siya pinerahan lang!? Hindi pagmamahal ang tawag doon sa mga pangagago mo!” Hindi ko na natiis ang paglakas ng bosses ko, may napatingin na saming mga students at parents. “Isa pa, hinding hindi ka ituturing na ama ni Rayne, bakit? Kasi wala ka sa lahat ng masasayang araw niya, lalo na nung pinanganak siya!” Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa likuran ko. Hindi ko na talaga mapigilan pa ang bunganga kong mag sigaw sigaw dahil sa sakaniya.
“A-ate” Napalingon ako nung marinig ko ang bosses ni Rayne, nakita ko naman siya na nagulat dahil sa nangyari at kita ko rin ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
“Who is he?” Tanong ni Khai pero hindi ko ito pinansin.
“A-anak ko, andito na si papa.” Biglang sabi nung lalaking nasa harapan ko, balak niyang hawakan ang kapatid ko pero lumayo lang ito.
”Ayoko sa ‘yo! I hate you! ” Sabi ng kapatid ko at nagtago sa likuran ko.
“See? He hates you.” I smirked.
“Tsk! Ano ba ‘yan, hindi ko kayo ma-uto!” Napakunot naman ako sa sinabi nito. What the fuck?
“Sayang naman ang effort ko sa pagpunta rito kung hindi ko rin kayo nauto.” Tugon niya na para bang nasasayangan. “Ang tanga ko naman kasi, bakit ba ako sumsubok na utuin kayo uli?”
“What the hell are you saying?” I angrily asked while he was just smiling like an idiot.
“Wala akong pake kahit ayaw sa ‘kin ng kapatid mo kasi ayaw ko rin sakaniya. Sa totoo lang, hindi naman talaga namin ginusto na magkaroon ng anak e.” Natigilan ako sa sinabi niya, tumawa naman siya nang nakakaloko bago magpatuloy. “Totoong gagamitin ko lang sana ang ina mo para sa pera, kaso nung gabing ‘yon parehas kami nalasing at hindi namin alam ang pinag gagawa naming kababuyan, nagulat nalang din kami sa lahat. Nagmakaawa sakin ang nanay mo na panindigan ko siya, kaya ginawa ko para na rin na mas maperahan ko siya pero sa huli, nabuking ako. Kaya lahat nang nangyari ay hindi namin ginusto pareha—” His words got cut as I slapped him so hard, and when he look at me I saw the anger in his eyes. “Tangina kang bata ka, sino ka para samapalin ako!?” Lumapit siya sa ‘kin, hinawakan naman ako ni Khaize sa braso.
“Ikaw, sino ka para lokohin kami? Sira ulo ka, hayop! Tandaan mo ‘to, ipagdasasal ko na sana balang araw malaman ng kinakasama mo ang lahat ng kalokohan na ginawa mo.” Tinignan ko siya ng mariin habang sinasabi ang mga salitang iyon. “Let me guess, ikakasal na kayo diba? Invited ba kami?” Dagdag ko.
“Gago! Pinagbabantaan mo ba ako?!” Kita ko ang gigil sa mata niya. I knew it! Hindi alam ng kinakasama niya ang ginagawang katarantaduhan nya!
“Hindi banta ‘yun, dahil tandaan mo na may pakpak ang balita. Kahit na wala akong sabihin, kusang kakalat ‘yun at malalama’t malalaman din ng babae mo ‘yon” Binigyan ko naman siya na nakakalokong ngiti.
“Hayop ka!” Natigilan ako dahil sa ginawa ng lalaking nasa harap kong ito, fvck! he slapped me. Ang sakit, napaharap pa ako sa kanan ko dahil sa lakas ng sampal niya.
“Fuck you!” Nagulat na lang ako nung nakaupo na sa sahig si Richard, ang ama ni Rayne. Sinapak pala siya ni Khaize. May guard na rin na lumapit at hinawakan sa magkabilang braso si Richard at binuhay palabas.
“Hey, are you okay?” Nasa harapan ko na si Khaize at hawak ang magkabila kong braso. Tumingin ako sa kanya habang may nagbabadyang luha sa mata ko.
“Ate, sorry” Sabi ni Rayne at napansin ko na lang na tumakbo siya papalayo kaya doon na bumagsak ang luha ko. Hahabulin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Allison.
“Stay here nalang ate, ako nalang ang susunod kay Rayne.” Tumango naman ako bago niya sinundan si Rayne. Inalalayan naman akong makaupo sa upuan sa may gilid ng gymnasium ni Khaize.
Kinuha niya ang hawak kong tubig at binuksan saka binigay sakin. “Here, drink this.” Kinuha ko naman ito at ininom.
“Masama ba akong kapatid?” Tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi yun sakaniya.
“No, you're not. You’re the best sister that anyone could wish for.” Mas laloako g napaluha sa sinabi niya.
“Plastik mo.” Pinilit kong tumawa.
Binalot kami ng katahimikan doon, wala kasing nagsasalita samin e. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Nasasaktan lang ako para kay Rayne.
“Naiinis ako sa sarili ko.” Ramdam ko ang tingin sakin ni Khai. “I feel sad for my brother, because I couldn't make him happy today. You know, this day was meant to be a memorable and unforgettable family day for Rayne, even if it was just me who attended, but it looks like it will be really unforgettable in a negative way because of the hurtful words spoken by his demon father. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko siya napigilang mag salita, kaya ngayon nasasaktan ang kapatid ko. Napakawalang-kwenta ko” Sabi ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
YOU ARE READING
String of Love
Teen FictionWhat if the person you met while crossing the road is your forever? Or the person you bumped into becomes your lover someday? Life is unpredictable. You don't know what will happen next. And‚ what if Khaize and Rheeyna are like the "What if's" that...