Chapter 4

24 14 0
                                    

STRING OF LOVE (SOL) 4
𐙚 - his first day

Rheeyna Vhan PoV.

This is it pancit! papasok na naman. Maaga ako gumising, pero sa kasamaang palad, akala ko lang palang maaga pa. Late na ako!  It's already 7:48am. and 8am ang pasok namin. So I still have 12 minutes to prepare myself. Pero I know na hindi ko kaya 'yun.

Binilisan ko na lang maligo, at hindi na ako nag suklay pa. Hindi na rin ako kumain dahil late na ako. Physical Science pa naman first subject namin. Masungit 'yun ang Teacher namin don, ayaw sa late. Nako!

Bago pala muna ako kumilos, magpapakilala muna ako. I'm Rheeyna Vhan Morris, you can call me Rheeyn or Yna.  I am 17 years old turning 18 this upcoming November. Grade 12 student na pala ako, at humss ang kinuha kong strand dahil kapag nag college ako ang kukunin kong course ay lawyer.

"Apo, kain ka muna almusal." Bungad ni lola sakin pag baba ako, pero umiling na lang ako.

"La, late na ako. Hindi ako ginising ni Rayne!" Inis kong sabi, dapat ginising ako non, para hindi ako ma la-late.

"Masama loob sa 'yo, uubusin mo raw
kasi allowance niya sa weekends." Natatawang sabi ni lola.

"Ang oa niya!" inis ko namang sabi at humalik pa sa pisngi ng lola ko at kay lolo bago lumabas ng bahay. Agad naman akong pinag buksan ng driver ng pintuan sa kotse.

"Manong Jan, paki-bilis nalang ng drive mo ha? late na ako eh." Sabi ko at tumango na lamang siya bago inistart ang kotse at umalis na.

**

Hindi naman nag tagal ay nakarating na rin ako sa school, tinignan ko ang relo ko at nakita kong 8:04am na. Nagmadali na akong pumasok sa loob pero sa kasamang palad, ay may nabangga ako. Oh wait—let's just say na binangga ako.

Nagkalat tuloy ang ilang gamit ko sa lapag, hindi ko kasi napansin na nakabukas pala ang zipper ng bag ko.

"WHAT THE HECK?!" inis na sabi ko sa nakabunggo sa 'kin.

"I'm sorry. Hindi kita nakita." Dinig kong sabi niya at lumuhod para tulungan ako.

"Don't touch my things. Nakakainis! Late na ako!" I said bago ilagay ang bag ko sa balikat ko.

"Look, Ms. I'm sorry. Hindi kita napansin." He said, kaya napatingin ako sa kanya. He looks familiar, pero hindi ko na inalala pa 'yun dahil late na ako.  "By the way, may itatanong ako. I'm new here kasi, hindi ako familiar—" Hindi ko na siya pinatapos, dahil kung iintindihin ko pa siya mala-late na talaga ako.

"I don't care. Sa iba ka nalang mag tanong." Inis na tugon ko at tinalikuran siya at tumakbo palayo. I might look rude pero I have no choice, ayokong mapagalitan dahil late ako. Narinig ko pa siya na parang tinatawag niya ako pero hindi ko ito pinansin at tumakbo nalang.

Nang makarating ako sa room ay kinabahan na ako dahil sa sama ng tingin ni Mrs. Rodess sa 'kin, the most terror Physical Science teacher.

"You!" turo niya sa 'kin. "You are 3 minutes late!" sigaw niya kaya napatungo na lamang ako.

Tsk, kasalanan 'to ng nakabangga sa 'kin e! kung hindi niya ako binangga ay hindi ako tatagal doon para pulutin ang mga gamit ko sa sahig.

"For your punishment, you need to answer this and pass it to me after 10 minutes!" sabi sa 'kin. Grabe naman 'to! 10 minutes lang ang binigay sa 'kin tapos isang papel na back to back ang ipapasagot?

Tinignan ko ang papel at nung napangiti ako nung nakita kong familiar sa 'kin ang nakalagay don. Buti nalang talaga nagbasa ako kagabi! Kinuha ko na agad ang papel na binigay niya.

String of LoveWhere stories live. Discover now