STRING OF LOVE (SOL) 12
𐙚 - Did she blush?Rheeyna Pov.
Finally, it's thursday. Isang araw na lang at hindi ko na makikita ang mukha ni Khaize. At syempre ay makakapag mall na rin ako.
Nag e-explain ang teacher namin sa philosophy para sa reporting na gagawin namin. Haizt, second week palang may reporting agad.
"This report needs two people. Para walang bias, boy and girl ang pag pa-partnerin ko.
I took a sigh after I heard what she just said. "Ano ba 'yan. Sana naman maayos ang mai-partner sa 'kin." I said in my mind.
"30 kayo sa class, at hindi naman magiging mahirap ang pag partnerin kayo since equal lang naman ang bilang ng babae sa lalaki. "
Tumango kami pagka sabi niya non. Kinuha na niya ang ang attendance na nasa kaniya, para umpisahan na.
Inumpisahan na ang pag pa-partner, pinapapunta sa harap ang magpa-partner para raw hindi siya malito. Tumatanda na talaga 'tong si Mrs. Cyril.
"for group 10, ang mag partner ay si Khaize and Rheeyna." I was shocked after I heard what Mrs. Cyril said. Sabay kami tumayo syempre para pumunta sa unahan.
"That's good" Nakita kong sinabi iyon ni Khaize na walang bosses habang nakatingin sa 'kin. Ano ba 'yan!
"Girl, it's your chance" Chloe whispered.
"What? What chance?"
"To get know him" Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran.
"Aray!" Sigaw niya, kaya napatingin sakaniya ang lahat.
"What's wrong, Ms. Castro?" Mrs. Cyril
"A-ahh, hehe, wala po. Naipit lang po kamay ko" Sabi niya at tumango na lang si ma'am habang ipinagpatuloy ang pag papartner.
"Hindi ko kailangan kilalanin siya" Inis kong bulong sakaniya at hindi na siya pinansin pa.
"Ahm, Mrs. Cyril" Bumaling ang atensyon ng lahat sa babaeng nagsalita. Sino pa ba? Edi si Cassandra.
"Yes?"
"I think, hindi magandang tingnan kung ang escort at ang secretary ang magka partner? Feel ko mas better ang muse na ipartner sa escort." She stated. Napaisip naman si Mrs. Cyril dahil sa tugon ni Cass.
"Ay, may epal na naman" Parinig ni Chloe at inirapan lamang siya ni Cassandra.
"Okay, since Cassandra and Khaize ang class muse and escort, sila na lang ang pag papartnerin ko para maging comfortable sila sa isa't isa. Isa pa, sila rin kasi ang mag pa-partner sa darating na event. Ms. and Mr. Model" Sabi ni ma'amat napaisip ako. May event? Bakit hindi ko alam? Haizt, itatanong ko na lang mamaya kay Emmanuel.
"Group 10, Jerry and Rheeyna." Sabi ni ma'am, lumapit naman sakin ang yung lalaking Jerry.
Ay, sya pala 'yung lalaking nag sabi na mas bagay talaga ako maging secretary. Jerry pala name niya. Such a cute name!
"H-hi" Nauutal na sabi ni Jerry. Nakasalamin siya pero kita kita ko ang ganda ng mga mata niya. Soft boy siya at hindi malaki ang boses niya. Naiimagine niyo 'yun? Parang nerd siya.
I smiled at him. "Bakit ka nauutal?" Natatawang tanong ko sa kanya, umiiwas din siya sa tingin sakin. "Are you shy?" I asked.
"O-oo" Sabi niya.
I tapped his shoulder. "Don't be shy. Ako lang 'to. I'm not gonna eat you" He smiled.
Few minutes has passed and tapos na rin ang pag pa-partner partner ni ma'am, kaya na-upo na kami after naming isulat ang name namin sa papel.
"Grabe. Feel ko mababa makukuha kong grade rito" Nakatungong tugon ni Chloe.
"Si James ba ang partner mo?" I asked.
"Oo, girl.. Ayoko.." Sabi niya na animong naiiyak talaga.
Sabagay, si James ay isa sa mga gagong classmates namin na hindi nag se-seryoso. Classmate ko rin 'to last school year e, kaya kilala ko na. Pabigat din 'to pag dating sa reporting.
"Tell me if wala siyang inaambag, o pabigat parin siya. Ako bahala, I'II teach him a lesson." Sabi ko sa kanya, kaya napatingin siya sakin.
"Hayst! Buti ka pa nga 'yung Jerry ang ka-partner mo, he looks nerd. Kaya 100% na malaki ang maitutulong niya sa 'yo." Nakatingin siya kay Jerry na nasa unahan habang sinasabi sa 'kin 'yun.
"Yeah. Buti nga, siya ang nakapartner ko. Ayoko kasi ka-partner si Khaize"
"I heard you" humarap ako sa likuran ko matapos kong marinig ang sinabi ni Khaize, kaso sa pagharap ko ay nagulat ako dahil ang lapit ng mukha niya sa 'kin.
"Gosh! B-bakit ba ang lapit mo?" I pushed him as I'm trying to avoid his gaze. What the fuck! Why is my heart beating so fast!?
"Are you blushing?" I saw how a smile formed in his face.
Yna, umayos ka!
"B-blushing!? Hell no!" Pagpigil ko sa sarili ko na 'wag ma-utal.
"But I saw red on your cheeks," He said.
"Blush lang 'yan sa make-up ko" Pagsisinungaling ko at tumango na lamang siya sala bumalik sa pwesto niya. Tumingin naman ako kay Chloe nung kalabitin niya ako.
"Girl, kailan ka pa nag mamake up?"
"Shut up!" Inis kong sabi at lumabas na lamang ng room. Wala namang teacher kasi lunch time na, kaya dumiretso na ako sa madalas kong puntahan mag isa. Sa likod ng senior high abm building, katabi lang ng humss ang abm kaya hindi nakakapagod lakarin. Maganda ganda din kasi ang view dito, lalo na kapag may sunset na. Umupo ako sa may puno kung saan ako madalas talaga umupo.
"The fuck! Nag blush ba talaga ako?" Tanong ko sa sarili habang nakaupo don at nakatingin sa kawalan. "Then if nag blush ako, why would I?"
"Kanino ka nag blush?" Nagulat ako nung may mag salita sa hindi kalayuan sa 'kin. Si Emmanuel, tss.
"What are you doing here?"
"Nakita kitang dumaan sa abm building, I was calling you but it looks like you didn't hear me" He explained.
"I didn't ask kung paano mo nalaman nandito. Ang tanong ko ay anong ginagawa mo rito" Pagtataray ko.
"Wala. Sinundan lang kita. Salubong kasi kilay mo kanina, I thought you were looking a fight" Tugon niya at tinaasan ko siya ng kilay "So, bakit ganun ang itsura mo kanina? At ano 'yung narinig ko na tinatanong mo ang sarili mo kung nag blush ka talaga?" He asked.
"Mosang ka talaga no?" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. I felt his presence as he sat down beside me. "Dun ka na nga"
"Why? Masama ba rito? Likod ng building namin 'to hindi building niyo" Sabi niya kaya irita akong lumingon sayo. "Ano nga ginagawa mo rito? Are you planning to ditch classes?"
"Hoy! Never kong ginawa 'yon saka baka lunch time ngayon diba?" Sabi ko.
"Then bakit hindi ka kumakain? It's a lunch time, dapat nasa cafeteria k—" Pinutol ko na agad ang sasabihin niya.
"Ang dami mong tanong. Ikaw din naman nandito diba?" Inis na tanong ko. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"
"Tatanungin sana kita tungkol kay Khaize, diba siya 'yung sinabi mo na nag cut ng class? Where is he now?" Sabi niya.
"Oo nga pala!" Tugon ko bigla, muntikan ko na makalimutan. Tumayo na ako ay nag pa alam na. "I'II go now. Antayin mo na lang ako sa office natin, dadalhin ko siya sayo" Tumango naman siya pagkasabi ko non.
Umalis na ako at pumunta na sa cafeteria para hanapin siya. Hindi ako naniniwala sa kanya na nag late siya pumasok.
YOU ARE READING
String of Love
Teen FictionWhat if the person you met while crossing the road is your forever? Or the person you bumped into becomes your lover someday? Life is unpredictable. You don't know what will happen next. And‚ what if Khaize and Rheeyna are like the "What if's" that...