Chapter 19

5 2 1
                                    

STRING OF LOVE (SOL) 19
ִ𐙚 - family day

*

Rheeyna Pov.

It's been a month since school has started and today is my brother's special day. Hindi niya birthday, family day lang sa school nila pero for him kasi special 'yun. Ang sad lang isipin na hindi makakapunta ang si mommy at tanging ako lang. Sila lola at lolo na sana kaso matanda na sila para ron, hindi na rin sila makakasali sa mga activities na mayroon doon.

"Ate, ang tagal mo naman kumilos. Malalate na tayo!" Pagsigaw ng kapatid ko habang kumakatok sa pintuan.

"Oo palabas na!" Sabi ko na lang.

Ang tanging sinot ko lang ay light blue high waist baggy jeans at fitted uli na damit. I love wearing a fitted top. Pinusod ko lang ang buhok ko at nagsuot ng bracelet. Naglagay na rin ako ng kaunting lipstick para hindi ako mag mukhang namumutla.

Maliit na bag lang din ang bag na dinala ko, pang cellphone at wallet lang saka salamin at suklay. Nagsuot na ako ng sapatos bago lumabas, pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang kapatid kong nakabusangot.

"Ang tagal mo"

Gusto ko siyang kotongan sa pagmamadali niya kaso naisip ko na wag na lang para hindi ba mag tampo. Pag nagtampo kasi yan hindi na kami makaka-attend at magdadabog crybaby yan.

"Kukuhan pa tayo ng ticket sa teacher ko kaya hindi tayo dapat ma-late" Tumango nalang ako. Ang aga-aga pa kasi e, 9:30am pa umpisa ng event na 'yun tas 8:00am palang kaya. Sobrang atat na atat itong kapatid ko.

"Ingat kayo ron." Sabi ni lola at humalik kami sa pisngi niya, ganon din ang ginawa namin kay lolo na busy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Ah Yna, sumali kayo sa lahat ng games don ah. Make this day memorable and unforgettable." Sabi ni lolo at tumango ako. Alam ko naman na ang gagawin ko hindi na niya kailangan pang ipaalala.

Umalis na kami at sumakay na sa kotse. Medyo malayo malayo ang school niya, siguro aabutin ng 20 minutes bago makarating ron. Mas malayo yung kanya kesa sa akin. "Idlip muna ako, gising mo nalang ako kapag nandito na tayo." Sabi ko nalang at si Rayne naman at tumango na lang kaya pumikit nalang ako at umidlp.

***

After 20 minutes.....


"Ate, wake up" Paggising sakin ni Rayne, dumilat na ako at tumango. Nairinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse, ibig sabihin ay lumabas na ang kapatid ko.

Nilabas ko ang salamin ko at tinignan ang sarili ko, inayos ko na rin ang pagtali sa buhok ko. Nang makita kong ayos na ay saka ako lumabas, hindi ko naman nakita ang kapatid ko. Sa rami ng taong naroon ay hindi ko na siya hinanap at dumiretso nalang ako sa room niya.

Nakisiksik na lang ako sa mga parents, ang dami ba naman. Nagtagumpay naman ako sa pagsingit at nakarating ako sa room ni Rayne, nakita ko naman siyang nakangiti habang kausap yung Allison, nako po nabaliw na ang kapatid ko rito. Nandito lang ang mga parents sa labas ng classroom nila, nakadungaw ako sa bintana nang may tumulak sa braso ko kaya napa-usod ako sa kanan ko.

"Ouch" Pag-aray ko. Totoo naman ang pag 'ouch' ko, masakit kaya biglaan kasi. Nagdikit tuloy kani nung nasa kanan ko.

"Miss, 'wag ka ng umusod, masikip na" Sabi ng nasa kanan ko. Bakit parang familiar ang boses niya? Kaninong boses nga ito?

"Hindi ako umuusod! May nag uusog din sa aki—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumingin ako sa kaniya at nakita kung sino ito.

"Yna?"

"Khai?"

Sabay namin sabi ng pangalan ng isa't isa.

"What the hell are you doing here?"

"Bakit ka nandito?"

Muli naming tanong sa isa't isa, bwisit naman akala ko magiging masaya ang araw ko ngayon pero nasira na dahil nakita ko na naman siya.

"We met again. I told you we're really meant to be." He said that with a flirtatious tone, and winked at me.

"Tigilan mo ko, Khai" Inis na sabi ko ay umalis sa gilid niya. Pumwesto ako sa may pinto na lang nila at inaantay na lumabas ang kapatid ko.

"Ikaw pala ang pupunta sakaniya. I thought your mom and dad ang darating." Napatingin aki sa gilid ko dahil may nasalita. Sinundan pala ako ni Khaize.

"Nasa abroad si mom and my dad is gone." Mahinang sabi ko.

"Oh, sorry for that." Ngumiti nalang ako sakaniya. "Eh ikaw, bakit hindi sila ang mommy niyo ang dumating?" I asked.

"Well, they are busy." Tumingin ako  sakaniya at nakita ko naman itong nakangiti. Napatingin ako muli sa pinto dahil nakarinig ako ng ingay, lalabas na ang mga students, gumilid kami para bigyan sila ng daan.

"Ate, ito ticket mo." Napatingin ako sa papel na binigay niya. May gan'to pala? Hindi ko alam. "Sa mga activities na gagawin ay ipapakita lang daw yan. Maya-maya saglit mag-uumpisa ang first activity."

"Anong first activity ba?"

"Doon tayo sa mga by partner lang na activity, ang iba kasi ay tatlo talaga ang kailangan e. Since dalawa lang tayo kaya doon tayo sa pang dalawahan." Tugon ng kapatid ko, ramdam ko naman ang lungkot habang sinasabi niya sakin yun.

Ngumiti nalang ako dahil wala naman akong magagawa, kaming dalawa lang e. "sige—"

"Ako nalang kasama niyo ng ate mo" Nakangiting sabi ni Khai na nasa gilid ko. "Girls muna ang mauuna sa mga games diba? Samahan din kami ng ate mo siyempre, para makasama kayo sa mga games na tatluhan" Sabi nito kaya ngumiti ang kapatid ko at nakipag apir.

"Pila na kami ate." Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"It's okay, kailangan din namin ng kasamang isa para sa tatluhang games. Ikaw lang naman ang kilala ko rito." Napatango na lang ako sa sinabi niya.

I never thought na may bait din pala itong si Khai, akala ko puro pambwi-bwisit na lang ang alam niyang gawin.

Nang umandar ang pila nila Rayne ay sumunod na kami hanggang makarating kami sa gymnasium nila. Ayon daw kasi gagamitin since malaki naman 'yun, pero yung mga photobooth at ibang mga pagkain ay sa labas nito. For games lang talaga ang sa loob nito.

"Hey, let's take a picture." Biglang sabi ni Khai at nang tumingin ako sakaniya ay may narinig na akong pag click.

"Hoy hindi pa ako ready!" Sabi ko sakaniya.

"Okay lang yan, cute mo nga rito" Sabi nito at pinakita sakin ang picture na nakasalubong pa ang kilay ko.

"Burahin mo nga yan! Panget ko dyan" Sabi ko sa kanya at pilit na kinukuha ang ang cellphone niya, pero nilalayo naman niya. Inis ko na lang siya pinalo sa palikat at naunang mag lakad sakaniya.

"Nakakainis itong lalaking to! Mag pipicture na lang, yung epic pa na mukha ko" Sabi ko sa sarili ko. Narinig ko pa siyang tinatawag tawag ako pero hindi ko na siya pinansin pa.

String of LoveWhere stories live. Discover now