STRING OF LOVE (SOL) 7
𐙚 - new school officers.Rheeyna Pov.
It's now tuesday and this day is the good day. Because, the new ssg officers will be announced today. I-papaskil lang, kasama ng picture na nanalo. Naka tarpaulin 'yun at ipapaskil sa labas. I hope na kami 'yun.
"Hayz! Sana manalo si my president" Sabi ng katabi ko, kaya napairap ako.
Bakit ba gustong gusto niya ang lalaking 'yun? I admit na he's handsome pero for me, hindi siya boyfriend material.
"Siya lang talaga?"
"Joke lang! kasama ka syempre, alagad ka non e " Sabi nito sabay tingin sa unahan ng nasa gilid ko. Napapikit na lang ako at napabuntong hininga dahil sa ginawa niya. "Right, Khaize?" Muling sambit ni Chloe, napalingon naman si Khaize sa 'min. May pagtataka sa mukha niya.
"What?" he asked, confusedly.
"Dapat manalo ang partylist nila, diba?" Tanong ni Chloe at nakita ko lang na ngumisi siya.
"I think, It's a no. Kinang partylist should win. They have a potential to be an officers in this school." He stated. Chloe and I were shocked about what he just said.
"Well, they're good, I admit it. But our partylist has more potential than the other partylist. We will be good leaders in this school. Baka hindi mo alam, since first year high school ay ssg officer na ako, kaya masasabi ko na mas may kaya kaming maging leaders dito. Uhh, sabagay hindi mo alam kasi you're new here. But, let me tell you this. 'You.Don't Have.A.Taste.'" I sarcastically said and rolled my eyes. This guys is getting on my nerves!
He laughed, kaya nag taka kami ni Chloe.. "What's funny? Did I say something funny?"
"Nothing. Sorry, hindi ko napigilan." sabi nito at napataas ang kilay ko. "You're really so cute when annoyed." He said that made me stop.
What the hell??
*cough* *cough*
Umubo si Chloe at nakangiting lumingon sa 'kin. I know what she's going to do. She will asar asar me. Ito kasing lalaking 'to, kung ano-ano sinasabi. Nakakainis.
"Hey! you—" Napatigil ako sa pagsasalita ng may tumawag sa pangalan ko.
"Rheeyna Vhan!" Sigaw ng kung sino na nasa pinto, lumingon naman ako para makita kung sino ito. Habang palingon ako ay naramdaman kong kinurot ako ni Chloe sa kamay.
Bago ko hinarap ang tumawag sakin ay si Chloe muna ang pinansin kom "Hey! Bakit mo 'ko kinurot?!" Inis na tanong ko at namumula naman siyang tumingin sa 'kin. Nakangiti ito habang 'yung yung pupil sa mata niya ay pumunta sa kanan.
Ibig Sabihin non ay parang tinuro niya ang tao sa pinto gamit ang mata niya. Na-gets ko naman ang ginawa niya, kaya hindi ko na siya pinansin at hinarap ang lalaking tumawag sa 'kin.
"Yes? What do you need?" Sabi ko.
"I need you." He said. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya What? He needs me? Why?
"Naka-tarpaulin na sa labas ang nanalo sa ssg, pumunta na tayo. Bilis." Paglilinaw nito at tumango muna ako bago sumunod. Nakita ko pang nakatingin sakin si Khaize kaya inirapan ko na lamang siya at nakita kong may sumilay na ngiti sa labi niya.
Anong ningi-ngiti ngiti nitong abnormal na 'to?
Sumunod ako sa kanya, sinabayan ko na rin ang lakad niya. "Nakita mo na ang tarpaulin?" I asked.
"Ano sa tingin mo? Pinuntahan kita diba? Sabay-sabay natin makikita 'yon." Sabi niya at napa tango na lang ako.
Naglakad kami hanggang makarating ka sa entrance ng auditorium. Doon kasi sa gilid non unang ipapaskil ang tarpaulin. Pagdating namin don ay naroon na ang lahat na tumatakbo sa ssg. Kami na lang ang wala. Naka taklob pa ng sapin ang tarpaulin. Napansin ko rin na maraming students na nandoon na nakikiusyosyo. Wala bang mga klase 'tong mga estudyante para maki-chismis pa kung sino nanalo?
"Lahat na ba nandito na?" Tanong ni Vien.
"Yes" sabay-sabay tugon ng mga tumatakbong officers.
"Congratulations to our new ssg officers! the new student leaders of our school!" Sabi ni Vien at unting unting inalis ang sapin dito. Kinabahan pa ako nung una, pero when I saw the tarpaulin the smile started to form in my face.
Omg, we won!
"Congratulations, M.P.K partylist. You are now the new leaders in this school!" Sambit ni Vien at nag palakpakan kami.
"Omg! Emmanuel! We won!" Excited na sabi ko at nag yakapan kami. Hindi lang kami ah, pati 'yung ibang tumakbo na nanalo.
"Congratulation, Ms. Secretary" Sabi nito at ngumiti.
"Congrats sa 'tin. We made it!" Sabi ko at ngumiti rin habang nagyayakapan pa kami.
We are now the new student leaders of this school! I'm so happy that I won again.
Pagkatapos namin makita ang nanalo which is kami ay dumiretso kami sa office. We can call it now OUR office.
"I can't believe na nanalo tayo!" Vice president said.
"Nako, Shan! congrats talaga sa 'tin!" Sabi ko at nakangiti. Nakaupo ako ngayon sa upuan ko. Nasa kanan ang upuan ko at nasa gitna namin ang president, nasa kaliwa naman ang vice president.
"Let's celebrate!" Masigla kong sabi at pumayag naman sila. "After class. Let's meet here nalang, para sabay-sabay tayo." Sabi ko at nag si-tanguhan sila.
"Wala ka na bang class?" Tanong sa 'kin ni Emmanuel. Kaya lumaki ang mata ko.
"OMG! Meron pala! Nakalimutan ko." Sabi ko at tumayo na sa upuan ko. "See you later, leaders!"
Bumalik na ako sa room at buti naman ay wala kaming teacher, dahil kung nagkataon ay yari na naman ako. Thanks G!
"YNAAA! CONGRATS!! NANALO KA ULI! EXIODIAN'S SECRETARY!!" Sigaw ni Chloe pag pasok ko, ang oa talaga nitong babaeng 'to. Naagaw tuloy niya ang pansin ng lahat, 'yung iba ay nag congratulate pa at ang iba naman ay ngumiti na lang. At syempre 'yung iba ay nanaray, inggit lang sila sa beauty ko.
Ang oa nila, simple lang naman ang ginawa ko. Nanalo lang naman akong secretary sa school na ito hindi sa buong pilipinas.
Pumunta na ako sa upuan ko at bago pa man ako makaupo ay may nag salita sa likuran ko. Isang tinig ng nakakabwisit na lalaki.
"Congrats." I gave Khaize a smile after he congratulate me.
"Well, thankyou. Hindi naman na bago 'to" Mayabang na sabi ko sakaniya at medyo ngumiti siya.
"Really? Maybe, naka-chamba ka lang ngayon.." Sabi nito at narinig ko ang tawa ng kaibigan ko. Peste 'tong dalawang 'to.
"Excuse me. Huwag kang magsalita ng ganiyan, lalo na't hindi mo ako kilang kilala." Mataray kong sambit at umupo na.
"Well, sorry Ms. But I know you. You're Rheeyna, the secretary and the mataray of this school." Tugon nito na nakangiti.
ay, p*tang*na!
"HAHAHAHAHAHAH! Perfect!" Tawa naman ni Chloe.
What the hell?!
"Tsk!"
To be honest, tanggap ko na mataray ako pero mabait naman ako. Totoo 'yan. Lalo na kapag mabait ang kausap ko, hindi 'yung gaya ni Khaize na saksakan ng pogi—I mean, ng tahimik. He's so tahimik, he doesn't even have any friends here eh. Siguro dahil bago pa lang? Pero bakit ako? Nung first day ko nung first year high school ay naging close na agad kami ni Chloe. Baka hindi lang siya friendly? Bakit ko ba 'yon pinoproblema pa, tss.
![](https://img.wattpad.com/cover/370767414-288-k58250.jpg)
YOU ARE READING
String of Love
Teen FictionWhat if the person you met while crossing the road is your forever? Or the person you bumped into becomes your lover someday? Life is unpredictable. You don't know what will happen next. And‚ what if Khaize and Rheeyna are like the "What if's" that...