Chapter 17

2 2 0
                                    

STRING OF LOVE (SOL) 17
ִ𐙚 - coffee shop

*

Rheeyna Pov.

"Lola, aalis ako." Paalam ko habang nasa nag-aalmusal.

"Saan ka na naman pupunta? Kakagala nyo lang ni Rayne kahapon ah?" Tanong ni Lolo. Si lolo ang pinaka-strict kaya takot ako dyan eh.

"Gagawa kami ng reporting namin ka-partner ko."

"Aba e, dito nyo gawin. Doon sa study room." Lolo.

"Ayoko lo, lalaki 'yon e. Saka dalawa lang kami" Pagtanggi ko.

"Baka boyfriend mo na 'yan ah, saka baka mag da-date lang kayo niyan tapos dina-dahilan niyo lang na gagawa kayo ng report nyo ah." Sabi ni Lolo kaya nagulat ako.

"Lo naman, alam niyo naman po na hindi muna ako mag b-boyfriend hanggang sa mag-eighteen ako. "Promise lo, para sa reporting lang talaga 'yun." Paninigurado ko sakaniya at muling sumubo ng pagkain.

"Ang ka-group mo ba ay iyong lalaking naghatid sa 'yo rito nung lasing ka?" Biglang tanong ni lola kaya napatigil ako.

Naghatid? Wala ako maalala.

"Po? May naghatid po?"

"Oo." Si lolo naman ang sumagot.

"Hindi mo alam, apo?" Lola.

Umiling ako bago sumagot. "Akala ko po si Manong Jan ang nag hatid sakin"

"Ay la, i-describe niyo nga po 'yung lalaki." Dagdag ko.

"Magandang lalaki, matangkad at halata namang magalang ang binatang iyon"

Siguro si Emmanuel ang naghatid—

"Emanel ata ang pangalan non." Pagputol ni lola sa iniisip ko. O diba, tama ako.

"Emmanuel po 'yun"

"Oo! Yun!" Sabi niya habang tumatango-tango.

"Presidente po ng school 'yun, doon po sa condo niya kami nag celebrate kasama ng ibang ssg officers." I stated. "Magkaiba po kami ng strand non, kaya hindi ko siya classmate" I added, kaya tumango-tango lang si lola.

"Ano ka ba oras aalis?" Tanong naman ni lolo.

"Pagtapos ko po kumain ay maliligo na ako"

Tumango naman sya saka pinagpatuloy na ang pagkain, ganon din naman kami. Sa mga oras na 'yun at wala nang nagsalita pa kaya natapos namin ang almusal na 'yon ng tahimik.

Pagkatapos ko naman kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo pero bago ako pumasok sa banyo ay kinuha ko muna ang cellphone ko para i-text si Jerry.

me : Jerry, antayin mo nalang ako sa coffee shop, doon sa may gilid ng goldien mall.

Nang maisend ko yan ay kinuha ko na ang tuwalya ko saka pumasok na sa banyo. Pumikit ako habang nakabukas ang shower, pero sa pagpikit ko ay bigla na lamang nakita ko ang mukha ni Khaize habang sinasabi ang 'I'II kiss you if you don't stop laughing' Napadilat agad ako.

Bwisit hanggang dito ba naman maalala ko 'yun?

Umiling-iling ako. "Self, don't think about it. Hindi niya magagawa 'yun." Parang nababaliw na sabi ko sa sarili ko.

Binilisan ko na lang ang pag ligo dahil baka maisip ko na naman ang sinabi niya. Parang hindi na kasi maalis sa isip ko, para siyang naka-dikit na at kahit hindi maalis-alis.

Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ako maligo, gaya nga kasi nang sinabi ko ay binilisan ko na lang kaya ayan tapos ako agad. Nagsuot lang ako ng fitted top and trouser, at yung handbag ko. Nag sapatos na lang din ako kasi mas okay 'to kesa sa sandals ko. Bumaba na ako nang matapos akong magbihis, nag paalam na rin ako kila lola at lolo.

***

-coffee shop-

Nang nakarating ako rito sa coffee shop ay nandito na si Jerry na nagbabasa ng librong hineram namin sa library. Umupo na lang ako sa harap niya nang hindi niya namamalayan.

"Check mo 'to." Sabi ko at inabot sakaniya ang isang notebook na puno ibang info sa gagawin naming report. Nag resesrch at nag basa kasi ako kagabi kaya meron ako naisulat.

"Nag-almusal ka na?" Tanong sakin ni Jerry at ngumiti ako bilang sagot. "G-gusto mo coffee?" Tumango na lang ako.

"Samahan mo na rin pala ng tinapay" Sabi ko bago siya tumayo at pumila na. Babalik na sana ako sa pag ta-type sa laptop ko nang may mahagip ang mata ko sa di kalayuan, ay actually papunta sila sa shop na 'to.

"Why are they together?" I asked out of nowhere. Bakit kasama ni Khaize si Safira?

Pumasok na sila sa entrance at nung mapatingin sila sa gawi ko ay binalik ko agad ang tingin ko sa laptop.

Shit! Bakit nandito siya? Nakakainis na talaga ah, kahapon nakita ko rin siya tapos ngayon? Hayst!

"Oh hey, Yna." Tawag sakin ni Khaize na nasa gilid ko na pala kasama si Safira, nginitian ko naman silang dalawa.

"Yna, my friend!" Said Safira.

"You know her, Saf?" Tanong sakaniya ni Khaize at tumango naman ito.

"Of couse!" Sabi nito habang nakatingin kay Khaize. Ngumiti ito bago ibalik sakin ang tingin niya "Ahm, do you mind if we sit here with you?" Wala na akong nagawa dahil umupo na siya sa gilid ng pwesto ni Jerry, at si Khaize naman ay sa gilid ko. "Oh wait, oorder lang ako"

Pagkaalis ni Safira ay bumalik na ako sa ginagawa kong pag ta-type. "Ang sipag mo naman?" Sabi ni Khaize.

"Wag mo ko kulitin please lang. Busy ako"

"Do you know why our paths always crossed?" He asked me so I looked at him and gave him  a what-look. "Because it carries the meaning that both of us are meant to be." I creased my forehead after I heard what he just said.

"So cringe" Sabi ko na lang.

Aaminin ko na parang may kumiliti sa puso ko nang marinig ko 'yun pero nakakasuka ang banat niya. So really cringe and I hate it!

"Kinilig ka no?" Muling pangungilit niya.

"Why would I? Hindi nga maganda ang banat mo e."

"Meron pa akong isa"

"Tumigil ka na"

Pinagpatuloy niya ang pangungulit sa 'kin pero ako bumalik lang sa pagta-type. Ilang minutes lang naman ang lumipas nang bumalik na si Jerry pero kasama si Safira.

"O-oh, a-andito ka pala, K-khaize." Nauutal niyang tugon. Uncomfortable siguro siya kasi hindi niya close si Khaize tas unexpectedly niya makikita dito sa table namin.

"Yeah. Is it okay to you if we sit here?"

Tumango naman si Jerry bago iabot sakin ang binili niya, nag umpisa na kami sa ginagawa namin habang yung dalawa naman ay tahimik na nag-uusap o tumitingin samin.

"N-nga pala K-khaize, i-is she y-your g-girlfriend?" Patuloy nito kay Safira, tumawa naman ang dalawa.

"No. She's just my friend, my childhood friend"

***

Safira Pov.

She's just my friend, my childhood friend


She's just my friend, my childhood friend



She's just my friend, my childhood friend


She's just my friend, my childhood friend

Yeah, I already accept it. Accept the fact that he sees me only as a friend. But I still felt jealous and hurt every time I saw him smiling because of someone, not because of me.


I can't stop staring at him, habang siya naman ay titig na titig sa busy na si Rheeyna, pasimple pa ito ngumingiti. Nasasaktan ako, pero ano ba magagawa ko? Kaibigan niya lang ako.

String of LoveWhere stories live. Discover now