Chapter 9

18 12 0
                                    

STRING OF LOVE (SOL) 9
𐙚 - their celebration

Rheeyna pov.

Nauna nang umalis si Chloe, pina-una ko na, kasi kinukulit ako. Gusto-gustong sumama para raw makita niya 'yung President niya. Ang oa niya talaga.

Nandito ako sa parking lot at nag aantay ng sundo, mag papasundo ako tapos papahatid ako roon sa napag-usapan naming lugar.

"Ang tagal naman" sabi ko habang inip na inip na nag aantay. Sa pag aantay ako naman ay may motor na pumarada sa harap ko. Inangat ko 'yung ulo ko para makita kung sino ito.

"Sumabay ka na sa 'kin." Sabi ni Emmanuel habang inaabot sa 'kin ang isang helmet.

"Sasakay ako dyan sa motor mo?" Tanong ko.

"Hindi. Maglalakad ka habang suot itong helmet." Sarkastikong tugon nito na nag pakunot ng noo ko. "Hop in now." Sabi niya, habang ako naman ay nakatayo pa rin at pinag-iisipan ko parin kung sasakay ako.

This is my first time na sasakay dito sa motor kaya natatakot ako.

Bumaba siya at lumapit sa 'kin. Sinuot niya sa 'kin ang helmet at hinawakan ako sa braso ko.

"Come on. Don't be scared. Hindi tayo mababangga, hindi rin ako ready mamatay." Biro niya sakin. "I got you. Promise, babagalan ko lang" Tugon niya nang mahalatang nagdadalawang isip akong sumakay. Bumuntong hininga na lang ako at lumapit sa motor niya, una siyang sumakay bago ako sumakay.

"Saan ako hahawak?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung saan, baka kasi mahulog ako.

"Yakapin mo ko" Sabi niya at nagulat ako kaya hinampas ko siya. Tumawa naman siya. "Kidding. Dito nalang sa balikat ko ikaw humawak, pero pwede rin naman sa bewang ko. I don't mind." Sabi niya pero sa balikat ako humawak, hindi ko pinansin 'yung sinabi niyang sa bewang. Pagka-hawak ko sa balikat niya ay doon na siya nag umpisang paandarin ang motor. Akala ko mabilis ang gagawin niya, pero dahan dahan lang talaga gaya ng sinabi biua. "Dinahan-dahan ko na, baka himatayin ka e" Sabi nito habang tumatawa ng mahina.

***

Hindi naman nag tagal ay nakarating kami sa isang building. Bakit kami nandito? Akala ko sa Cafian. Isa kasi 'yung kainan, maganda naman ang lugar at masarap ang mga pagkain, pero masakit sa bulsa.

"Why are we here?" I asked.

"Dito tayo mag ce-celebrate" Sabi niya.

"Ha, kala ko ba sa Cafian?"

"Masyadong masakit sa bulsa, saka mas maganda kung dito nalang tayo." Tugon nito. "Don't worry, it's my condo" He said.

"Asan na sila?"

"Nasa taas na. Tara na" Saad naman nito at nag paunang lumakad, kaya sumunod naman ako.

Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 5th floor. Ang taas naman. Naghintay lang kaming tumunog ang elevator na ibig sabihin ay nasa floor na kami ng pupuntahan namin.

So ayun, hindi rin naman nag tagal 'yun at bumukas ang elevator, lumabas na kami at syempre nauna siya kasi siya ang nakaka-alam ng number niya rito sa condo.

"Here we are." Sabi nito at binuksan ang pinto. Napahawak naman ako sa tenga ko ng makarinig ng ingay sa loob nito. Mga nagkakantahan.

"HEY MADAM SECRETARY!" Sabi sakin ni Shan, habang hawak ang isang bowl na puno ng iba't ibang chichirya. Ngumiti lang ako sakaniya at nag patuloy sa pag pasok.

String of LoveWhere stories live. Discover now