STRING OF LOVE (SOL) 15
ִ𐙚 - mallRheeyna Pov.
"Ate, kakain na!" Sambit ng kapatid kong kanina pa ako kinakatok dito sa kwarto. Nakahiga lang kasi ako at nakatitig sa kawalanan, hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Bakit ang bilis ng puso ko sa tuwing iniisip ko 'yun?
"Ate—"
"Baba na!" Sabi ko pagkaputol ko ng kanyang sasabihin. Narinig ko ang mga yapak niya palayo kaya tumayo na ako at inayos ang sarili bago bumaba. Dumiretso ako siyempre sa dining table para umupo sa upuan ko sa gilid ng kapatid ko.
"How's your school, Yna?" Lolo asked.
"Ayos naman lo, may reporting na nga kami agad e." Sabi ko sa kanya at tumango-tango naman siya.
"Ay, lola! Sino pala sasama sakin sa event namin? " Singit ng kapatid ko kaya napatingin ako sakaniya.
"Anong event?" Takhang tanong ko. Ngayon ko lang nalaman na may event sila.
"Family day." Sabi niya kaya natigilan ako. Naawa akong napatitig sakaniya, kasi hindi makakapunta ang magulang niya. Hindi siya pwedeng ilapit sa tunay niyang ama, at wala si mommy.
Umubo ako. "Kailan ba 'yan?" Tanong ko.
"July 8" Sabi niya. Matagal-tagal pa pala.
"May apat na linggo pa, pero 'wag kang mag alala ako ang sasama sa 'yo" I smiled.
"Sure ka ate? Wala ka ba gagawin non? Baka ma-istorbo ko studies mo" Nag-aalangang tugon niya.
"Yes, sure ako. I'II save that date for you. Free ako non, promise." Nakangiti kong sabi at nakita ko namang sumilay ang ngiti niya.
Naawa ako sa kanya kasi napakademonyo ng ama niya. Magkaiba kami ng ama, pero parehas kami ng ina. A few months after my dad died, she decided to go back abroad to work. But after staying there for several years, we found out that my mom was pregnant, so she came back here with the man who got her pregnant. Then, we discovered that he was solely interested in my mom's money and has a girlfriend . So, my mom left him.
"Thankyou, ate." Sabi niya kaya ngumiti ako.
"Anytime." I smiled. "Pero, hindi ko nakakalimutan ang gala natin bukas." Tugon ko ay muli naman siyang sumimangot.
**
Nasa kwarto na ako at pinapatuyo nalang ang buhok ko dahil kakatapos ko lang maligo, pumunta muna ako sa may computer table ko at nag-online. Marami-rami na rin ang notif ko kaya binuksan ko na.
Inuna kong buksan ang mga nag f-friend request sa 'kin.
Khai sent you a friend request.
Emannuel sent you a friend request.
Napairap na lang ako at inaccept ang friend request ni Emmanuel, pero hindi ko inaccept ang kay Khaize. Bakit sino ba siya?
I-log out ko na sana ang account ko nung mag mag notif sa messenger kaya pinunta ko ron.
Khai
Hey, accept my friend request.
Chat ni Khaize, sineen ko lang siya at hindi nireplyan. Tinatamad kasi ako, baka humaba pa ang usapan namin at isa pa, fresh parin sa utak ko ang nangyari kanina."Argh! Bakit bumibilis uli tibok ng puso ko?" Sabi ko sa sarili ko. "Arrrrhhhggg!" Ginulo ko ang buhok ko sabay talon sa kama ko. Sakto naman sa paghiga ko ang pag tunog ng cellphone ko. May tumatawag kaya agad ko iyong sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hello?" Sabi ko.
"Hi girl hehe" Sabi ni Chloe.
"Kailangan mo?" Tanong ko.
"Chika mo naman 'yung na-feel mo kanina after mong mahaplos ang dibdib ni Khaize" she said that my eyes widened.
"H-hoy! Para kang sira. It's an accident, hindi ko naman aakalain na ganun ang mangyayari" Sabi ko bigla at narinig ko ang pagtawa niya. "Tigilan mo nga ako Chloe! Bye na!" Inis kong pinatay ang call at nilapg na sa maliit na table sa gilid ko. Humiga na rin ako para matulog.
**
-mall-
"Ate, where exactly do you want to go? Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa mall e" Pagmamaktol niya.
"Teka, wala ako mapili rito e. What if mag sine muna tayo?" Sabi ko.
Actually, gusto ko talaga bumili pero mas gusto ko mag-ikot nalang para sa bonding naming dalawa. Minsan lang namin gawin 'to.
"Sine? Ano naman papanoorin mo ron?" Bored na tanong niya.
"C'mon Rayne, 'wag ka ngang mainip. Horror movies na lang, tara?" yaya ko sakaniya at tumango naman siya. Pumila na kami sa may bilihan ng ticket. Nag-antay lang kami saglit.
"2 tickets for that movie" sabi ko sabay turo nung horror na movie, nag bayad na ako sakaniya saka niya inabot sa 'kin ang dalawang ticket. Pumili na rin pala kami ng seats, sa gitna ako pumili.
"Wait me here, bibili lang ako ng foods natin" Sabi ko at iniwan ko siya sa gilid nung bilihan ng ticket.
Pumila na ako sa bilihan ng popcorn nung may namukhaan akong familiar na papalapit sa direksyon ko. Anong ginawa niya rito? Tss.
"2 popcorn large po, barbeque flavor. and 2 coke po." Sabi ko saka binayaran. Aalis na sana ako doon sa bilihan nang may kumalabit sa 'kin, hindi ko na sana papansinin yun kaso hindi ako tinitigilan kaya hinarap ko na lang.
"Ano ba 'yun?" Tanong ko.
"Anong ginagawa mo rito?" He asked.
"Duh, hindi ba obvious? Nandito ako kasi manonood ako. Ikaw ano ginagawa mo rito?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Manonood din" Sabi niya at aalis na sana ako nung mag tanong uli siya. "Ano papanoorin mo? At ano seat mo?" Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"Yun na lang pipiliin ko, para may kasama ako manood. Ang lonely kasi kapag ako lang mag-isa" Dagdag niya.
"Whatever. 'Yung horror at gitnang seat" Maikling tugon at tinalikuran siya. Bumalik na ako sa pwesto namin at nakapila na sila.
"Ang tagal mo" Reklamo ni Rayne.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumila na rin kasama niya, chineck na ng guard ang ticket at tinatakan na kami sa kamay. Papasok na sana kami sa loob nung may sumabay samin sa paglalakad.
"Iniwan niyo ko" Biglang sabi ni Khaize at tinarayan ko na lang siya.
"Ate, bakit kasama mo siya?" Tanong ni Rayne at nagkibit-balikat na lang ako.
Dumiretso na kami sa upuan namin, nasa kanan ko si Rayne at nasa kaliwa ko naman si Khaize.
"Kuya, bakit hindi niyo po kasama si Allison?" Tanong ni Rayne, tumingin muna sakin si Khaize bago niya sagutin ang kapatid ko.
"Tulog pa nung umalis ko" sabi niya, kaya tumango-tango na lang ang kapatid ko.
Nag-umpisa na ang palabas at medyo naiinis na ako, kasi may popcorn na si Khaize tapos kumukuha pa sa 'kin. Parang tanga lang.
"Ano ba! May pagkain ka na diba? Bakit mo pa kinukuha 'yung akin?" Mahinang sabi ko sa kanya.
"Masarap e" ngiti niya sakin.
Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang panood. Tutok na tutok ako hanggang sa may lumabas sa screen. I mean, may jumpscare.
"Ahh!" Tili ko kasabay ng ibang nanonood dahil sa jumpscare. Bwisit!
Tumingin naman ako sa magkabilang gilid ko at nakita kong nakatingin sakin ang dalawa sabay tawa. May nakakatawa ba? Masama bang magulat?
YOU ARE READING
String of Love
Teen FictionWhat if the person you met while crossing the road is your forever? Or the person you bumped into becomes your lover someday? Life is unpredictable. You don't know what will happen next. And‚ what if Khaize and Rheeyna are like the "What if's" that...