STRING OF LOVE (SOL) 14
𐙚 - why is my heart beating so fast?Rheeyna Pov
Halos 40 minutes na kami narito sa loob ng library, ilang minuto na lang din ay mag sasarado na ito at mag u-uwian na rin. After kasi nung subject na Research 1 & 2 ay may physical education and health which is last subject namin.
Binabasa namin ang mga libro na kinuha namin at kapag may nabasa kaming about sa topic na irereport namin ay isusulat namin ang important detail sa notebook. Tulungan lang 'to.
Nga pa, nakita ko rin dito si Khaize mag isa at nagbabasa, hindi kalayuan ang table niya sa amin. Siya lang mag-isa ron. Alam ko ring alam niya na andon lang kami pero nagbabasa parin siya at parang walang pake. Sinusundan niya kaya ako?
Natuon muli ang atensyon ko nung lumapit si Jerry sa 'kin. Naghanap kasi siya ng mga libro pa.
"I-ito Rheeyna‚ may n-nakita pa akong a-apat na libro" Sabi nito. Masyadong marami.
"Hindi na kakayanin ng oras natin ang basahin pa 'yan. Heramin mo na lang, tapos balik natin bukas" I asked and he nodded. Naglakad siya papunta ron sa mga babaeng nag aasikaso sa library, doon kasi niya heheramin ang mga libro. Lima lang ang pwedeng iheram, bawal umabot sa anim pataas.
Tumingin ako muli kay Khaize sa 'di kalayuan, nakita ko naman siyang nakatingin sabay iwas ng tingin at agad na tumayo para maghanap ng libro uli, kaya habang naghahanap siya ay bumalik na ako sa ginagawa ko pero for the third time, napatingin uli ako sa pwesto ni Khaize dahil napansin kong may babaeng lumapit sa upuan niya. Si Cassandra at may hawak siyang papel. Lumingon lingon muna siya sa paligid at nung masiguro niyang walang nakatingin at may nilagay siya sa bag nito sabay alis.
Maybe, it was a love letter.
"Rheeyna!" Rinig kong sabi ni Jerry kaya napatingin ako sakaniya, sumenyas naman siya na okay na means naheram na niya ang mga libro. Ngumiti ako at tumango, inayos ko na ang gamit ko. Saktong napa-istop ako sa harap ng upuan ni Khaize na ang tanging andon lang ay ang bag niya. Napaistop ako dahil sinintas ko ang sapatos ko, sakto namang pag tayo ay nasa gilid ko na si Khaize.
"Aalis ka na?" Tanong niya kaya tumango na lang ako at pumunta sa room kasabay ni Jerry.
"Tagal niyong wala" Bungad sakin ni Chloe. "Bakit hindi niyo kasama si Khaize? Sumunod siya sa inyo ah?" Napakunot ako ng noo nung sabihin niya 'yun. Bakit naman susunod 'yung lalaking 'yon.
Hindi na ako nag salita pa at umupo na ako sa upuan ko, sakto namang pumasok si Khaize mula sa pintuan na may ngiti sa labi. Hindi ko na lamang iyon pinansin pa dahil wala naman akong pake kahit nakangiti siya. Kahit umiyak pa siya sa harap ko ay wala akong pakelam.
***
-hour passed-
*class dismissed*
"Since tapos na ang class natin, review your notes and sa lunes ay may short quiz tayo." Paalala ni Ms. Jenny bago lumabas ng classroom.
Sa pag-aayos ko ng gamit ay bigla akong tinawag ni Chloe.
"Yna, may sasabihin ako sa 'yo" Sabi nito kaya tinignan ko siya. "Si Cheska raw ay makakapasok na!" She happily said.
"For real?" Hindi makapaniwala na tanong ko.
By the way, Cheska has been our friend since 2nd year of junior high school. I forgot to mention her name lang kasi. Dito rin siya nag a-aral kaso nasa vacation pa. Alam naman ng mga teacher niya 'yun, bibigyan na lang daw siya ng special activity para makahabol. And isa pa, abm ang strand niya so hindi kami mag classmate ngayon but I am so happy na makakapasok na ulit siya.
"Kelan?"
"Maybe next week? I don't know the exact date e. Hindi ka ba nagbabasa ng group chat?" Tanong niya kaya umiling ako."Yan kasi! Outdated ka na tuloy. Sinabi niya kanina 'yun sa gc na makakapasok na nga raw siya but she didn't tell the exact date." Paliwanag niya.
Hindi pa ako nag o-online kaya wala akong balita. Nakakatamad din kasi, mas gusto ko na lang gamitin ang free time ko tuwing gabi sa pagbabasa ng mga stories kesa mag basa ng mga chats sa group chat.
"E bakit hindi na lang niya tinext sa number ko?"
"Ay baka nakakalimutan mong hindi niya alam number mo sis? Kasi nakailang palit ka na ng simcard mo!" Sabi niya naman. Napatawa ako ng mahina, she's right, pa-iba iba ang sim card ko kasi may demonyong tumatawag. Yung tipong mawawala cellphone mo saglit tapos mamaya nakita mo na, then kapag nangyari yun may tatawag na. Paulit-ulit na lang na ganun. Kaya hindi ko na nilalabas masyado ang cellphone ko.
"Baka i-surprise nalang tayo non" Biglang sabi ko. Well, she loves surprising her friends kaya baka ganon gawin niya.
"Then, let's surprise her too" Suggest ni Chloe.
"How? E hindi naman natin alam when ang dating niya " Saad ko at tumango-tango siya na larang agree rin siya.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Sulpot ni Khaize sa gilid ko.
"Peste! Bakit ka nandyan ka? Chismoso ka e no!" Iritang sambit ko.
"What surprise? Maybe I can help" Presinta ni Khaize.
"Sakto yan! Tulungan—" Pinutol ko ang sasabihin ni Chloe.
"We don't need your help." Maikling sabi ko at tumayo. "Let's go" Dagdag ko dadaan na sana ako sa harap nya ng matapilok ako dahil sa lamesa. Luckily hindi ako nasubsob sa sahig pero unlucky dahil nasubsob ang sa dibdib ni Khaize. W-H-A-T T-H-E F-*-CK!!!!!!
Dahil nakadikit ang tenga ko sa may dibdib niya ay dinig na dinig ko ang kaybilis na tunong ng puso niya. Pati sa 'kin grabe rin ang bilis dahil yung braso niya ay nakayakap sa bewang ko.
Inangat ko ang mukha ko para makita ang mukha niya, muntikan nang bumigay ang mga tuhod ko nang makita ko ang mata niyang titig na titig sa 'kin. Shit! Why is my heart beating so fast?!??! This is not normal!!
Napahiwalay na lamang ako nung may marinig akong bungisngis at pag flash ng camera. Naitulak ko siya ng mahina at inayos ang buhok mo. HINDI AKO MAKATINGIN SA MATA NIYA!!
"Are you okay?" He asked, I wasn't looking at him, but I could feel his gaze. Bakit nakatingin siya?
"Y-yeah" Utal kong sabi, hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya! Kita ko rin ang nakangiti kong kaibigan.
"C-chloe! Tara na nga" Sabi ko na lang at nag umpisa lumabas ng room.
I can't explain what I'm feeling right now, my heart won't stop racing because of what just happened. What on the earth is wrong with me? I also can feel the redness of my cheeks. Did I just blush?
"Sis" Dinig kong sabi ni Chloe mula sa likuran ko.
"Tigilan mo 'ko, hindi ako nag ba-blush!" Sabi ko at nag pauna uling mag lakad

YOU ARE READING
String of Love
Teen FictionWhat if the person you met while crossing the road is your forever? Or the person you bumped into becomes your lover someday? Life is unpredictable. You don't know what will happen next. And‚ what if Khaize and Rheeyna are like the "What if's" that...