Chapter 2

28 17 0
                                    

STRING OF LOVE (SOL) 2
𐙚 - continuation of chapter 1

Rheeyna Vhan PoV

“Tignan natin ang tatlong dinala ng mga bata na nasa unahan!” Sabi ng clown.

“Unahin natin ang mga babae. Ate, what's your name po?” Tanong sakin ng clown.

Nahihiya ako ano ba. Ako lang ang babae na dinala rito sa unahan, tapos dalawang lalaki ang dinala ng ibang bata. Tatlo lang daw kasi ang pwede kaya nag pabilisan, at nagkataon na kaming tatlo nauna.

“I’m Rheeyna.” Maikli kong pakilala at ngumiti naman sa 'kin ang clown. “And I'm a sister of Rayne.” Muling tugon ko at ibinalik sa kanya ang mic.

“How about you, kuya?” dinig kong tanong at binigay ang mic sa lalaking nasa kanan ko.

“I'm Emmanuel, brother of Kendra.” Pakilala ng lalaki, at binigay naman ang mic sa lalaking nasa kaliwa ko.

Wow hindi binalik sa clown.


“Khaize. brother of the Celebrant, Allison.” Sabi nito, sabay balik ng mic sa clown.

Doon ko lamang napansin ang itsura ng Khai, gulo gulo pa ang buhok nito at halatang kakagising lang. So, kuya siya ng celebrant. Hm, not bad but not my type. Napatingin naman ako sa kanan ko at doon ko napansin na mas matangkad pa rin 'yung Khaize, kaysa rito. May itsura rin naman, but hindi ko rin type.

“Okay, sila ang ating maganda't gwapong ate at kuya. Tatanungin kaya natin kung okay lang sa kanila ba rumampa rito?” Sabi ng clown at nag sigawan ang mga bata ng ‘Yes’

Napatingin ako sa clown. What did he say? He wants us to rumampa here? No way! Fck*ng no way!

Nakangiti namang lumingon samin clown kaya napaatras ako habang sinasabi ko na ayoko. Kaya napatingin sakin ang dalawang lalaking nasa magkabilaan ko nag taka sa ginagawa ko.

“Ayokong rumampa.” Sabi ko at tinarayan sila.

“Rampa! Rampa!” Sigaw ng mga bata.

“Rampa na sister! You can do it, Woahhh!!” Sigaw naman ng kapatid ko na nakatayo.

“Go! Go!” All the kids shouted.

“You go first.” Sabi naman ng nasa kaliwa ko na kapatid ng celebrant.

“Ikaw nakaisip, edi ikaw mauna.” I said and rolled my eyes.

“Ladies first.” Nakangising tugon nito.

“Don't ruin my baby sister's birthday.” Maawtoridad na dagdag nito.

“C'mon, rumampa ka na” Singit naman ng lalaking nasa kanan ko. Inirapan ko lang siya at pumunta na sa unahan. Damn! Nahihiya ako!

Nang marinig ko ang music ay saka na ako rumampa, nag model lang ako at nararamdaman ko na sobrang pula na ng mukha ko. Nakakainis!

Nag hihiyawan naman ang mga bata, isa na ron ang kapatid kong nakatayo at pumapalakpak. Umikot ako at nag flipped ng hair tas nag pose and bumalik na ako sa pwesto ko. Feel na feel ko rin siyempre.

“Kayo na.” Mayabang na sabi ko at isa-isa silang rumampa, halos matawa pa ako sa mukha nilang dalawa na nakabusangot habang rumarampa.

“Isang malakas na palakpak naman para sa pagrampa nila!” Sigaw ng clown at nag palakpakan, tapos pinabalik na kami sa upuan. Pero bago ako umupo ay dumaan muna ako sa harap ng kapatid ko.

String of LoveWhere stories live. Discover now