Chapter 18

3 2 1
                                    

STRING OF LOVE (SOL) 18
ִ𐙚 - pagkalat ng picture

*

Rheeyna Pov.

days have passed..


Today is the day when we were going to report, nag re-ready na kaming lahat dito. Ngayon ay katabi ko si Jerry at nirereview namin ang pina-print namin para sa report.

"Okay na lahat diba? 'Yung PowerPoint?" Tanong ko at binigyan lang ako ng ngiti ni Jerry bilang tugon sa tanong ko.

It's not my first time na mag re-report, but it is my first na dalawa lang kaming mag pe-present. Kadalasan kasi by group 'yun diba, e ngayon isa lang kasama mo. Sino ba namang hindi ma ne-nerbyos?

"Kinakabahan ako." Bulong ko sa sarili ko, marami ring what if na bumabagabag sa isip ko. Tulad ng:


What if mabulol ako?



What if hindi ko masagot 'yung mga itatanong?


What if nagkamali ao ng explanation?



What if—


"Hey." Nagulat akong lumingon sa gilid ko. "Tulala ka. Okay ka lang?" Tanong ni Khaize.

"A-ah oo." Sabi ko na lang.

"'Wag kang kabahan, you got this!" Pagche-cheer niya sakin at ngumiti ng malapad, nginitian ko rin siya.

Tinignan ko ang orasan. "11:10 na ah? Bakit wala pa si ma'am?"

Dapat nandito na siya e, hindi naman na la-late yun. Pero bakit wala pa siya ngayon?

Bumalik na lang ako sa pwesto ko habang nag-aantay. Nilabas ko na rin ang cellphone ko para makinig muna ng music, pampatanggal ng nerbyos ko saka wala naman kasi akong ibang gagawin, saka baka bwisitin lang din ako ni Chloe.

Minuto na ang lumipas nang may pumasok na babae sa pintuan. Hindi namin ito kilala kaya nag taka kami.

"So guys, ko-kolektahin ko ang ginawa niyong report. Write your name and your partner's name, saka pass it forward." Sambit nito. Sa sobrang taka ko ay tumaas ako ng kamay para mag tanong. "Yes, Miss?"

"Asan po si Mrs. Cyril? Bakit po wala siya?" Tanong ko.

"She was rushed to the hospital this morning because she could not breathe properly." Nagulat kami dahil sa sinabi niya.

"How is she, Ma'am?" Tanong ko.

"She is fine now. Inutusan niya akong sabihin sainyo na hindi matutuloy ang report niyo, pero ipapasa niyo ang gawa niyo."

Sinulat ko ang name ko at name ni Jerry bago namin ipasa, pagka-collect niya lahat ay nag paalam na siya.

"Buti na lang at hindi natuloy." Sabi ni Chloe. Tama siya, buti na lang hindi natuloy.

Tumungo na lang ako habang nakasalpak sa tenga ko ang airpods ko at nakikinig ng music, wala namang teacher kaya kaya ganito na lang ang gagawin ko habang inaantay mag lunch break.

Iidlip muna sana ako pero may naririnig akong ingay sa paligid, hindi ko na pinagtuunan ng pansin yun. Papikit na sana ang mata ko nung may yumugyog sakin. Irita kong inangat ang ulo at tinignan si Chloe, siya kasi ang nag yugyog sa 'kin e.

"What?" Sabi ko at napansin ko na ang ilang classmates namin ay nakatingin sa 'kin. Anong meron? May issue ba ako?

"Aminin mo ang totoo, may namamagitan sainyo ni Khaize?" Nabigla ako sa tanong ni Chloe, napalingon din sakin si Cassandra na may masamang tingin.

"H-ha? Ano ba yang sinasabi mo?!" Iritang sabi ko.

"Malandi ka rin pala, kunwari ka pang nag susungit-sungit kay Khaize 'yun pala may gusto ka na sakaniya." Tugon naman Cassandra habang masama pa rin ang tingin niya. Ano bang sinasabi nito? Tinignan ko si Khaize na nag kibit-balikat lang. "Tell us now, Rheeyna"

"Ano ba yang sinasabi niyo?! Hindi ko kayo maintindihan."

"Ito girl oh." Bulong sakin ni Chloe at pinakita ang dalawang picture sa cellphone niya. Nagulat ako nang makita ko ito, yung picture na yun ay yung pag-corner sakin ni Khaize at yung naka-akbay siya. What the hell? Bakit naka-post?

"Girl, ano 'to? Kayo na ba?" Gulat na tanong ni Chloe. Umiling naman ako.

"How can you explain that picture?"Singit ni Cassandra na nasa gilid ko na pala. Nakakainis tong impaktang 'to, galit na galit kala naman niya pag mamay-ari niya si Khai.

Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at harapin si Cassandra. "May lumapit samin para sabihan na pi-picturan niya kami, and she also thought na couple kami ni Khai, I was about to say na he's not my boyfriend but Khaize cut my words and said I'm his girlfriend." I explained.

"Liar. Do you think I believe you?"

"No. I didn't say that you need to believe me, I was just cleaning my name." Mataray kong sabi. "Oh wait, kung hindi ka naniniwala. Ano naman? Ano bang pakialam mo kung may mamagitan man samin ni Khai? Are you his mom, or his girl? As far as I know you're just his classmate, you're not guys even close." I smirked as I saw the anger in her eyes.

"Bitch." She turned her back at me and walked away. Tinaasan ko naman ng kilay ang mga nakatingin sakin na classmate ko, dumapo ang tingin ko kay Khaize and I saw how he looked at me like he was so proud of me, he even smiled at me and winked.

I just rolled my eyes at umalis ng classroom na 'yun. Na-istorbo tuloy ang plano kong matulog, kasalanan 'yun ni Khaize. Kung hindi niya sana ginawa 'yun ay walang picture na kakalat. Pero wait, bakit kumalat ang picture na 'yun?

Dumiretso muna ako sa ssg office para tumambay, doon muna ako hanggang mag lunch break. Iisipin ko rin muna kung paano ko mahahanap ang babaeng nag picture sa 'min.  Pagpasok ko sa ssg office, I saw Emmanuel sitting properly in his chair.

"Why are you here? Wala ka bang class?" He asked, not looking at me.

"Wala, nasa hospital ang teacher namin e" Umupo na ako sa upuan ko saka kinuha
ang cellphone ko para sana mag online at hanapin ang nag post.

"Are you in a relationship with Khaize?" Biglang tanong niya kaya napatingin ako.

"I guess you've seen it too. "

"Yeah. May kayo?" Umiling naman ako sa tanong niya.

"Then why were you together yesterday?"

"Nagkita lang kami sa mall, tapos kinorner ako ng gagong 'yon, tapos 'yung sinabihan niya yung babae na picturan kami at sinabi pa niyang girlfriend niya ako!" Pagkwento ko, syempre may kasamang inis.

"Hindi mo man lang sinabi na hindi totoo yun?" Tanong niya.

"Sinabi ko pero pinutol niya ang sasabihin ko." Sabi ko. "Send mo nga sakin yung link ng post. Kailangan ko lang makausap yung babaeng nag post." Dagdag ko.

Tumango naman siya at may nag notif sakin, tinignan ko at nakita ko na sinend na niya sa 'kin. 'Cute Couples' ang name ng account at maraming picture ron na puro mag girlfriend at boyfriend.

Marami-rami rin ang nag comment doon sa amin sa post. Marami ring reacts, pero wala naman akong pakialam doon dahil ang tanging gusto ko lang ay hindi na kumalat pa ang litratong iyon. Ayoko ng issue.

"Hi goodafternoon to the handler/s of this account, gusto ko sana ipabura ang post mo na 'to */sinend ang picture* ayoko kasing magkaroon ng issue, besides he's not really my boyfriend. He was just kidding when he told you na I'm his girlfriend. Ayoko na sana itong kumalat kaya, if you don't mind, please delete it. Thank you!"

Sakto namang pag send ko ng message ron sa account ay tumunog na ang alarm, ibigsabihin ay lunch time na. Tumayo na ako para pumunta sa cafeteria at kumain.

String of LoveWhere stories live. Discover now