STRING OF LOVE (SOL) 8
𐙚 - mr. escort & ms. secretary???Rheeyne Pov.
"I have a meeting, guys, so I want the classroom secretary to write this for me." Said the teacher habang hawak ang papel na ipapasulat niya.
Classroom secretary daw ba? We don't have a secretary here. Hindi pa nag e-elect ang adviser namin. I raised my hand to get her attention, and she gave me a what-look.
"Wala pang officers dito sa room, Ma'am. Hindi naka elect ang adviser namin." Sabi ko at umupo.
"Ow? Hindi pa pala. Okay, let's elect now. I'II tell Mrs. Rodess na nag elect ako. Just make it faster. Raise your hand if you want to nominate someone." After Ma'am Sara said that, Chloe immediately raised her hand.
"Yes, Ms. Castro?"
"I nominate myself as a President." She said, kaya napalingon ako sa kanya.
"Seryoso ka ba dyan?" Tanong ko, and she nodded while smiling.
"Okay, who wants to vote Ms. Chloe Castro as President?" Mabilis na sabi ni ma'am, at nag taasan naman kami ng kamay, or should i say hinawakan ako ni Chloe para itaas ang kamay ko. Half of our class voted her. And, dahil marami ang bumoto sakaniya kaysa sa isang student kaya siya ang nanalo. You know, majority win.
"How about the Vice President?"
Bigla namang nag taas ng kamay si Cassandra. "I nominate Khaize as a Vice President." Sabi nito kaya napatingin sakaniya sakaniya.
"Why me?" Khaize asked.
"Bagay sayo ang posisyon na 'yan, pero mas bagay sa 'yo ang President, kaso nga lang ay may bruhang umagaw." Maarte nitong sambit.
"Hoy impakta! Kung gusto mo siya i-nominate as a President, dapat binilisan mo ang pagtaas ng kamay mo! So Slow, bitch!" Sabi ng kaibigan ko, hinawakan ko naman siya sa braso para patahimik. Bunganga talaga nito kahit kailan!
"Ms. Castro, watch your words!"
"Khaiz—" Hindi na natapos ang sasabihin ni ma'am nung nagsalita si Khaize.
"I don't want to be a Vice President, Ma'am." He said.
Pumayag naman si Ma'am sa gusto niya kaya inalis ang pangalan niya doon sa gustong maging Vice President.
Unang banggit ni Ma'am sa pangalan ng gustong maging vp ay marami na agad ang bumoto kaya siya na ang nakuha bilang isang vp.
"How about the secretary?"
Marami ang tumuro kay Cassandra pero tumanggi ito. "Ma'am, ayoko po sa secretary, 'cuz I will nominate myself as a Muse." Sabi nito na nag pataas ng kilay ko. Secretary palang tapos siya muse na agad? Aba iba 'to!
"Aw. May isang bruhang gusto umagaw sa trono ng kaibigan ko" Parinig ni Chloe habang nakatingin kay Cassandra.
"Ma'am, I think si Rheeyna ang bagay sa muse, not her." Sabi ng isang lalaki. Classmate ko siya pero parang ngayon ko lang siya nakita. Tahimik siguro 'to kaya hindi ko masyado napapansin.
Tumingin naman sakin ang mga classmates ko. Kontra sila sa sinabi ni Cassandra. "Let her be the muse of this class. Tutal, parang uhaw na uhaw siya makuha ang position na 'yan e." I sarcastically said, and i gave them my sweet smile.
May nag tawanan dahil sa sinabi ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Cassandra. Ako naman talaga ang classroom muse. Alam ng lahat 'yan. Dahil mula ng pumasok ako sa paaralang ito, ay hindi naiiba ang position ko sa classroom, ngayon lang maiiba.
Hindi naman ako uhaw sa position na 'yan, pero dahil ako ang ine-elect nila kaya nasanay na din. Isa pa, wala namang kaso sa 'kin kahit hindi ako ang maging officer ng class na 'to at least may position sa school. Slayy.
Khaize raised his hand "Secretary for Rheeyna." I looked at him and I saw him staring at me. How could he nominate me? Ayoko mag sulat sulat sa board! Nakakatamad!
"Well, since you're the school secretary here, ikaw na rin ang magiging secretary ng section na 'to" said ma'am.
Wala na akong nagawa dahil si ma'am na ang nagsabi, tinapunan ko na lamang ng tingin si Khaize bago tumingin sa harapan. Nag banggit pa sila ng iba pang officers at nag nominate sila ng mga classmates ko. Pero eto ako, walang pakialam.
"Ma'am!" Naagaw lamang ng atensyon ko ng mag taas at tawagin ni Cassandra si ma'am. "I nominate Khaize as a escort." Sambit nito habang nakangiting nakatingin kay Khaize.. Everyone agreed at her and wala ng kumalaban pa kay Khaize kaya ayan, nanalo bilang isang escort.
Tinanggihan ang Vice president na position pero hindi nakatanggi sa escort. Ano 'yun? Para partner sila ni Cassandra? May tinatago rin pala 'tong landi. Lalaking malandi!
Hindi naman nag tagal ay natapos din ang election, at binilin niya sa 'kin ang isusulat ko bago umalis ng classroom. Tamad na tamad akong tumayo at kumuha ng marker. White Board kasi 'to. Konti lang naman ang isusulat ko, but still nakakatamad.
Nag umpisa na ako magsulat, kaso napatigil ako when I heard someone saying "Ang laki ng sulat" that made me annoyed. Inis naman akong humarap sakaniya.
"Eh sira ulo ka pala, bakit ako ang ni-nominate mo bilang secretary kung may problema ka pala sa handwriting ko?!" Inis na sabi ko sakaniya, at ngumiti lang siya.
"Alam mo, nakakainis ka! Ngiti ka pa ng ngiti dyan, kala mo kina-gwapo niya." Sabi ko nalang at tumalikod. Actually, nakakahiyang sabihin pero bagay sa kaniya 'yung ngiti niya. Pero hindi ko parin siya type.
"Dyan nag umpisa lola at lolo ko" Dinig ko na sabi ng kung sino. Bakit ko ba kasi naging classmate 'yang lalaking 'yan? Nakakapikon!
Mabilis kong tinapos ang sinusulat ko, at hindi naman ako nabigo, dahil ilang minuto pa lamang ay tapos na ako kaya nakaupo na ako.
***
Ilang oras na ang lumipas, at ilang teacher narin ang pumasok. Ngayon ay tapos na ang klase, dalawang teacher lang ata ang pumunta sa 'min para mag discuss, ang iba namang hindi nakapunta kaya nag bigay na lang ng lecture. May meeting nga kasi silang mga master teachers sa bawat subject kaya hindi nakapunta rito.
Tama naman ang basa mo, mga master teachers ang nagtuturo sa 'min. Kaya ganon kasusungit at strikto.
Pagkatapos ko ayusin ang gamit ko ay nauna na akong lumabas ng room. Uwian narin kasi. 4:00 na.
Nauna akong umalis kasi hindi ako sasabay ngayon kay Chloe. Kasi nga diba, may celebration kami.
"Hey girl, where are you going? Hindi ka ba sasabay sa 'kin?" Tanong ni Chloe sa 'kin. Tuwing uwian kasi ay sakaniya ako nasabay, hindi pauwi ah. Kundi hanggang gate lang. Sabay kami nag aantay ng sundo roon.
"No. May pupuntahan ako." Sabi ko na lamang. And she just gave me a where-are-you-going-look. I answered it na bago pa man siya mag salita. Panigurado, maraming tanong 'yan. Kaya magandang pangunahan na lang siya.
"Me together with the ssg officers will have a celebration. Kasi diba, nanalo kami?" Nakangiti kong sambit.
"Hmm, so kasama si Nuel??" tanong niya, napakaunot naman ako ng noon at binigyan siya ng tingin na parang sinasabi na sino ang Nuel na 'yon. "It's Emmanuel the President." Paglilinaw niya. " Sasama ba siya ?" She asked me again and I shrugged. Hindi ko naman kasi alam kung sasama siya mamaya.
"Sama ako, baka kasi sumama rin siya e" Sabi niya at nakita kong nag puppy eye siya.
"Ang pangit mo" Sabi ko sa kanya at nauna nang maglakad.
Hindi ko siya isasama kahit magpumilit pa. Para sa 'min tong ssg officers e at isa pa, wala yang gagawin don kundi ang pagpapacute kay Emmanuel.
YOU ARE READING
String of Love
Novela JuvenilWhat if the person you met while crossing the road is your forever? Or the person you bumped into becomes your lover someday? Life is unpredictable. You don't know what will happen next. And‚ what if Khaize and Rheeyna are like the "What if's" that...