Chapter 3

1.1K 29 4
                                    

—Chapter 3—

“Samahan mo na ako, Jem. Please?” pagmamakaawa ko sa kaniya.

Gusto ko talagang makita si Verdell ngayon. Magpapakilala lang ako bilang future girlfriend niya!? Malay mo naman, siya talaga ang mapapangasawa ko in the future.

“Accla ka, ngayon ka lang naghabol sa lalaki. Susulyap na. Daming alam, ah. Sige na at may kukunin naman ako sa BSHM,” aniya at tumayo.

Ngumiti naman ako kaagad at mabilis siyang sinundan. Hindi na buo ang araw ko kung hindi ko siya makikita ngayon. Habang papalapit nga sa BSHM ay siya namang kaba ng dibdib ko. Hindi ko alam pero naeexcite talaga akong makita siya ngayong araw.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita siya. Wala siyang salamin ngayon pero dumiretso siya sa may oval at may tinawag. Kumunot ang noo ko, bakit parang iba? Mas sumungit ang awra ng isang ‘to. Kung ang nakita ko kahapon ay parang inosente, ang nakikita ko naman ngayon ay parang laging galit.

“Hindi ‘yan ‘yon, si Vermont ‘yan,” sabi ni Jem sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko. “May kambal siya?” tanong ko.

“Triplets sila...” May itinuro siyang isa pero hindi ko alam kung sino. Malapit kasi sa puno ay nakita ko ang girlfriend ni Verdell na may kausap na lalaki. May isa pang lalaki na nasa puno banda habang nakatingin sa kanila. “Ayun ‘yong isa, iyong babae.”

Tumingin ako sa kaniya. “Kakambal niya ‘yon? Hindi niya girlfriend?”

Hagalpak siyang tumawa. “Wala siyang girlfriend. Single ang crush mo, nukaba. Buti ka nga may pag-asa pa, ako wala na. Boyfriend niya iyong kausap niya,” pagkwento niya pa sa akin.

“Gusto mo talaga siya? Ano ngang pangalan no’n?” tanong ko sa kaniya.

“Si Majesty. Tagal na rin. Mga one year ko na siyang crush.”

“Ayaw mo umamin?” tanong ko pa ulit.

Umiling siya. “Sa tingin mo sa amo ng mukha niyang ‘yan magugustuhan niya ako? Kapal pa ng lipstick ko. Baka isipin niya niloloko ko siya. Hayaan mo na at nakakausap ko naman siya paminsan-minsan. Ayos na sa ‘kin iyon.”

“Iyong boyfriend niya, hindi nag-aaral dito?”

“Graduate na. Artista rin.”

Tumango-tango naman ako. Nagsimula na rin kaming maglakad ni Jem papasok sa building at umakyat sa may 2nd floor. Napasimangot ako dahil hindi ko pa rin siya nakikita ngayong araw.

Nang makarating kami sa 2nd floor ay nagtungo kami sa dulong classroom. Kaagad na kinalabit ni Jem ang babaeng nasa pintuan.

“Nandito ba si El?” tanong nito.

“El, may naghahanap sa ‘yo!” sigaw ng babae sa loob. Napasilip naman ako sa bintana.

Halos ang lahat ay napatingin sa pintuan. Tumayo ang isang lalaki na nakangiti habang may hawak na paperbag. Mukhang sa kaniya bumibili si Jem ng masarap na palabok na madalas niyang baunin.

Napasilip naman ako sa kabilang classroom. Ang ilan ay tahimik habang ang ilan naman ay maingay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kanina pa hinahanap ng mga mata ko.

Nagbabasa na naman siya ng libro. He adjusted his eyeglasses. Napatingin siya sa pintuan at nagtama ang tingin naming dalawa. Napatitig ako lalo dahil nakatingin siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong napangiti at inangat ang kamay ko at kumaway sa kaniya.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon