Chapter 23

1.1K 28 0
                                    

—Chapter 23—

“Hi, everyone. How’s my shop?” Nakangiting bungad ni Ms. Erin. “By the way, this is Verdell...” Kumapit siya sa braso ng lalaki. “My Fiancé.”

Mas lalong naging firm ang awra ni Verdell. Ibang-iba na siya sa nakilala ko noon. Hindi na siya katulad ng lalaking nakilala ko. He became more serious. Binago mo siya, Yasemine. Nagtaka ka pa?

Napalunok ako. Ito na ‘yon, Yasemine. Masaya na siya sa iba, ikakasal na siya. Narinig mo ba ang sinabi ni Ms. Erin? Ikakasal na sila.

“Wow, congratulations agad, ma’am,” sabi ni ma’am Farrah.

Nag-iwas ako ng tingin saglit. “Congrats po,” bati ko.

“Naunahan ka pa ni Ms. Erin, Yasemine. Ikaw ba kailan ka ba magpapakasal? Hindi ba’t may anak ka na?”

Napalunok ako sa tanong ni ma’am Farrah. Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi na sinagot. Mas mabuti nang itikom ko na lang ang bibig ko kaysa ang may masabi pa akong iba.

Hindi ako makatingin kina Ms. Erin dahil pakiramdam ko ay napahiya ako sa sinabi ni Ma’am Farrah.

“Hindi naman minamadali ang pagpapakasal, Farrah,” saad ni Ms. Erin kaya napatingin ako sa kaniya. “Okay lang ‘yan, Yasemine. Marami namang lalaki diyan. Malay mo nasa paligid lang, hindi ba?”

Ngumiti ako at tumango. “Oo naman po.”

Tumingin siya kay Verdell. His eyes is looking at me, parang maraming gustong itanong pero lamang ang galit sa kaniyang mga mata. Sa tagal naming magkasama ay halos makabisado ko na rin kung paano siya tumingin sa iba.

“Let’s go, Verdell. May pagkain sa office ko,” sabi ni Ms. Erin kay Verdell.

Hindi pa rin tinatanggal ni Verdell ang tingin sa akin kaya ako na ang umiwas. Narinig ko naman ang tunog ng sapatos kaya alam kong umalis na sila. Bumalik na rin ako sa ginagawa kong pagtatahi ng dress na pinapagawa sa akin ni Ma’am Farrah.

Sh*t!

Si Saul ang magsusundo kay Eldon! At alam kong dadaan sila rito kapag gano’n. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at tinext si Saul.

To: Saul
diretso na kayo ng condo

From: Saul
lol. nasa tapat na kami ng shop

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling tumayo. Hindi p’wedeng makita ni Verdell si Eldon! Alam kong makikilala niya kaagad ang anak niya dahil para silang pinagbiyak na buko. Hindi ko rin p’wedeng masira ang future family ni Verdell.

Lumabas ako kaagad ng shop at nakita ko si Saul na hawak sa kamay si Eldon habang si Eldon naman ay may hawak na donut at kumakain.

Kaagad na ngumiti sa akin si Saul. Si Eldon kasi ay nakatalikod dahil nawiwili sa mga sasakyan.

“Nandito si Verdell. Hindi niya p’wedeng makita si Eldon,” sabi ko kaagad.

Napatingin sa akin ang anak ko. “Mama!” sigaw niya kaagad at yumakap sa may hita ko.

Pumantay ako sa kaniya. “Baby, mamaya pa makakauwi si mama, ha? Sama ka muna kay tito Saul.”

Ngumuso naman siya kaagad. “Pero sabi n’yo po sabay tayong magla-lunch, mama. You promised po.”

Napasulypa ako kay Saul bago muling tumingin kay Eldon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “May work pa kasi si mama, baby.”

Bumuntong-hininga siya bago tumalikod sa akin. Naakagat-labi ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumayo ako at hinarap si Saul.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon