Chapter 6

1K 31 1
                                    

—Chapter 6—

“May bisita ka yata,” sabi ko nang marinig ang doorbell.

Tumayo siya at nagtungo sa pintuan. Napatitig na lang ako sa mga pagkain dahil sa usapan namin. Nawawalan na ako ng pag-asa sa kaniya. Sana ay tanggapin niya ako. Handa naman akong magbago para sa kaniya.

“You’re here. Mommy’s looking for you. You didn’t text her?”

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung sino ang nagsalita! Pamilyar ang boses no’n. Napalunok ako dahil alam kong kapatid niya iyon na lalaki.

“I texted dad.”

“Hi, Verdell!” rinig kong bati ni Majesty. “Bigla-bigla ka na lang nawawala.”

“Go home now. Nandito ako, oh ano naman?” masungit na saad ni Verdell sa dalawa.

“Teka naman, pahinga muna,” sabi ni Majesty.

Napalunok ako dahil alam kong mamaya ay papasok na silang tatlo rito. Hindi nga ako nagkamali dahil narinig ko na ang hakbang ng mga sapatos papasok.

“Ayy! May bisita pala.”

Dahan-dahan akong lumingon. Nasa unahan si Majesty at nakangiti habang si Verdell naman ay nasa likuran niya at nakakunot ang noo. Habang ang isa naman ay nakadungaw sa may pader.

“Hi, ate ganda! Nandito ka pala. Boyfriend mo na si Verdell?” tanong niya at hinila ang upuan na malapit sa akin. Umupo siya roon at mas lalong ngumiti.

“Hindi... pa rin,” sagot ko.

Humalakhak siya. “Eguls. Ang bagal naman. So, ano’ng status? Nag-kiss na kayo? Teka, bakit suot mo damit niya? Don’t tell me...”

“Walang nangyari, Majesty,” sagot kaagad ni Verdell at naupo sa may sala.

Hindi gaanong malaki ang condo ni Verdell at sakto lang talaga na pang-isang tao. Kaya mula rito ay tanaw ko na ang ginagawa nila sa may sala.

“Eh, bakit maaga pa lang ay nandito na siya? Suot niya pa damit mo? Dito ka natulog?”

“Stop interrogating her, Majesty,” seryosong sabi ni Verdell.

Ngumiti sa akin si Majesty. “Ang ganda mo talaga, ate. Anong year mo na?”

“4th year na rin ako. Graduating na.”

“Same lang pala sa amin. OJT na pala next sem,” aniya.

“Oo nga.”

“Ate, pasensya na pero matagal ko nang gustong itanong ‘to. Tao ka ba talaga?”

Bahagya naman akong natawa. “Bakit naman?”

“Ang ganda mo sobra! Iyong mukha mo p’wedeng pang-model.”

“Model?” tanong ko. Hindi ko alam iyon dahil ang nakatatak lang sa akin ay para lang iyon sa mga mayayaman.

“Oo! Gusto mo tulungan kitang makapasok sa mga agency? Ang ganda mo talaga,” aniya at manghang-mangha sa akin.

“Thank you. Ang ganda mo rin.”

Hinawakan niya ang kamay ko. “Ipapasok kita sa mga agency. Magkakapera ka rin doon. Ako ang bahala...” Lumingon siya sa dalawa. “Vermont, hindi ba’t may contact ka kay ate Jaya? Ipasok natin si ate Yasemine. Ang ganda niya dapat ieexpose. For sure, daming kukuha sa kaniya.”

“I will send the details later,” sagot ni Vermont.

Wala namang imik si Verdell habang nanonood sa tv niya. Iginiya ako ni Majesty sa may sala at pinaupo sa tabi ni Verdell. Magkakatabi kaming tatlo dahil si Vermont ay nasa maliit na sofa. Maya-maya ay tumayo rin ito at pumasok sa kwarto ni Verdell.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon