Chapter 4

1.1K 34 4
                                    

—Chapter 4—

Nag-aaral sa umaga, nagpapahinga sa hapon, at nagtatrabaho sa gabi. Iyan na ang naging routine ko araw-araw. Pero simula nang dumating si Verdell sa buhay ko. Isa na siya sa nilo-look forward ko maliban sa makalipat na ng titirhan ko.

Maaga akong umalis sa bahay at nandito ako sa bahay nina Jem. Ito na lang naiwan ng mga kapatid niya sa kaniya simula nang umalis ang mga ito ng bansa.

Gustuhin ko mang tumira rito ay wala rin dahil malapit lang din ito sa bahay namin. Mga limang bahay lang ang pagitan. Kaya nga usapin kaming dalawa ni Jem dito sa lugar namin dahil sa trabaho naming dalawa.

“Ikaw na bahala. Iidlip pa ako,” aniya nang buksan niya ang pintuan.

Ngumiti naman ako at dumiretso kaagad sa kusina. Ipagbe-bake ko kasi si Verdell ng cupcake. Ito lang ang paraan ko para kahit papaano ay gumaan ang loob niya sa akin. Pakiramdam ko naman ay tatanggapin niya ito.

Ilang araw ko na siyang kinukulit pero hindi pa rin niya ako inaccept sa FB. Mukhang sa buhay niya talaga ako tatanggapin at hindi sa FB, I like it huh.

Inasikaso ko na kaagad ang mga kailangan ko para sa baking. Napangiti naman ako habang gumagawa dahil naalala ko na naman ang itsura niya. Lalo na ang pamumula lagi ng kaniyang mga tainga kapag inaasar ko siya maging ang pag-massage niya nang marahan sa kaniyang tainga kapag nahihiya.

Sinabayan ko na rin na lutuan ng pandesal si Jem para sa almusal na rin naming dalawa. Nilagay ko sa maayos na lalagyan ang mga cupcakes. Chocolate cupcake iyon na may chocolate bar sa ibabaw.

Pagkatapos kong ihanda ay nilagay ko na siya sa paperbag. Kinatok ko na rin ang kwarto ni Jem dahil alas-sais na at alas-otso ang pasok naming dalawa. Babiyahe pa kami pareho at kapag seven na kami aalis ay wala na halos na jeep na dadaan sa school.

“Ito na,” rinig kong sabi niya mula sa loob ng kwarto.

Nang buksan niya iyon ay kaagad akong ngumiti. “Grabe ang ngiti, ah. Para kang nanalo sa lotto,” pang-aasar niya pa at humihikab pa.

“Makikita ko na ulit si Verdell,” nakangiti kong sabi.

She smirked. “Araw-araw ko na ‘yang naririnig sa ‘yo. Hindi naman ako ganiyan kay Majesty pero ikaw jusko. Araw-araw ay walang oras na hindi mo babanggitin ang pangalan niya,” aniya at napailing pa.

Nginisian ko lang siya bago ako muling pumunta sa may kusina para ihanda na ang pandesal at ang kape. Sabay na rin kaming nag-almusal at pagkatapos no’n ay dumiretso na siya sa banyo para maligo at magbihis.

“Kalma lang, ha? Hindi p’wedeng paliparin ang jeep,” aniya dahil kanina pa ako hindi mapakali. Gusto ko na kaagad siyang makita!

Nang makarating kami sa campus ay napangiti ako kaagad nang matanaw ko ang BSHM building. Nasa bungad lang kasi ang building namin.

“Here I go, my loves,” nakangiti kong bulong.

Hindi na ako masasamahan ni Jem dahil mangongopya pa raw siya ng assignment. Inabot ko na lang sa kaniya ang gawa ko. Papunta pa lang ako sa building nina Verdell ay may humarang na sa aking dalawang lalaki.

“Balita ko ay nagtatrabaho ka raw. Extra service?” tanong ng isa, he licked his lower lip before scanned me from head to toe. “Mukhang maganda nga.”

Tumawa silang dalawa. “Kaya mo ba kaming dalawa? Isang gabi?” tanong ng isa.

Kaagad ko siyang sinampal. “Ang babastos n’yo! Nasa loob pa man din kayo ng eskwelahan. Hindi ba kayo nahihiya?” naiinis kong tanong sa kanila.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon