Chapter 21

1.1K 28 2
                                    

—Chapter 21—

“Babi, sasabay ka?” sigaw na tanong sa akin ni Verdell habang inaayos ko ang damit ko. Nasa loob kasi ako ng kwarto pero nakabukas naman ang pintuan.

“Yes. Ayy baka makalimutan mo ‘yong pinabaon ko sa ‘yo. Nasa kusina,” sabi ko sa kaniya bago ayusin ang aking palda.

“I got it already.”

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko siyang nagsasapatos na. Magsasapatos na lang din naman na ako. Naglagay lang ako ng pabango bago nagtungo sa pwesto niya.

Ngumiti siya sa akin bago humalik sa labi ko. Buong araw na kaming magkasama pero panay pa rin ang halik sa akin. “You smells good,” aniya.

“Ito ‘yong binigay mong regalo. Ngayon ko lang nagamit,” sagot ko naman.

Kinuha siya ang heels ko sa shoe rack at lumuhod sa harapan ko. Unti-unti niyang inangat ang paa ko para maisuot sa akin ang heels. Nang matapos siya ay kaagad siyang tumayo at humalik sa pisngi ko.

“Babi, wala ka pa bang ibang nararamdaman?” tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. “Katulad ng? Ng alin, babi?”

Mabilis siyang umiling. “Wala naman. Nagkamali lang siguro ako.”

Humawak ako sa kaniyang braso. “May problema ba?”

“Wala naman. Let’s go.”

Nang maihatid niya ako sa opisina ay kaagad na rin siyang umalis dahil may trabaho pa siya sa restaurant nila. Pag-akyat ko roon ay naabutan ko naman si Warren na nasa tapat ng department.

“We need to talk, Yasemine,” salubong niya kaagad.

Napahinto ako sa paglalakad. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Warren. Ilang buwan na ang nakakalipas. Hindi ka pa rin nakaka-move on? Alam mong hindi ako magpapakasal sa ‘yo.”

Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. “Ano ba?!” sigaw ko.

“Kailangan nga nating mag-usap. Kailangan pang magbago ng isip mo.”

“Ano ba’ng sinasabi mo diyan? P’wede ba, ayoko nga sa ‘yo!”

Kinaladkad niya ako pero pilit akong nagpumiglas sa kaniyang hawak. Sobrang higpit ng hawak niya sa akin. Dinala niya ako sa gilid ng hallway.

“Hina-hunting na ako ng tatay mo. Kailangan mo nang magpakasal sa akin.”

Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin. “Akala ko ba, ikaw ang inutangan niya? Bakit naman ikaw ang hinahabol?”

Nanlilisik ang mga mata niya. Pasalit-salit iyon ng tingin sa kaniyang kamay, para siyang balisa na hindi ko maintindihan. Natataranta siya na hindi ko alam. Tipong hind mapakali.

Tumingin siya sa akin. “Pakasalan mo na ako kung gusto mo pang mabuhay,” seryoso niyang saad.

“Hinding-hindi ako magpapakasal sa ‘yo, Warren...” Tinarayan ko siya. “‘Wag mo na akong hahabulin, please lang. Isa pang lapit sa akin, ako na ang kusang aalis sa kompanyang ‘to.”

Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya at pumasok sa department namin. Pagkaupo na pagkaupo ko ay napansin kong umilaw ang cellphone ko kaya tiningnan ko iyon. Tumatawag si Verdell. Pero nawala iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number niya pero walang sumagot doon. Nakadalawang tawag pa ako pero wala.

Bigla akong kinabahan dahil wala pa namang ilang minuto simula no’ng naghiwalay kami. Baka may nakalimutan lang ako, nago-overthink lang siguro ako.

“Guys, na-hostage si Warren sa labas!” sigaw ng katrabaho ko.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon