Chapter 27

1.2K 35 2
                                    

—Chapter 27—

Naramdaman ko ang kamay ni Verdell sa kamay ko. Marahan niya iyong hinaplos ang ngumiti sa akin. “Are you okay? I mean, wala ako sa tabi mo no’ng mga oras na lumalaki si Eldon.”

Ngumiti ako. “Kinaya ko lahat para kay Eldon.”

He kissed my forehead. “You're brave. Thank you for being here until today.”

I smiled. “Hindi rin naman ako makaka-survive kung wala sila. ‘Wag kang magagalit sa parents mo, ah? Ako nagpumilit sa kanila na ‘wag sabihin sa ‘yo.”

“I understand. At least, naalagaan nila kayo kahit wala ako.”

Sinalubong ko ang kaniyang tingin. “Nabalitaan kong fashion ang kinuha mo? Bakit?”

“Wala lang. Gusto ko lang mag-explore ng bagay sa pangarap mo. Masaya siyang gawin. Gusto mong mag-aral ulit?”

Huminga ako nang malalim. “Gustuhin ko man, wala pa akong ipon, eh.”

“Don’t worry about the expenses. Pag-aaralin kita,” seryoso niyang saad.

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Gustuhin ko mang i-grab ay nakakahiya dahil pera niya iyon. Hindi naman kami mag-asawa. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

“Pero hindi mo pa ako asawa. Ayokong gumastos ka sa akin.”

He smiled sweetly. “Marry me first, then.”

Kaagad kong hinampas ang kaniyang braso. “Sira ka talaga,” natatawa kong saad.

Kaagad siyang yumakap sa bewang ko at isiniksik ang kaniyang ulo sa may leeg ko. “Ang bango mo, babi,” bulong niya.

“Alam ko na ‘yan. Kabisado pa rin kita...” Huminga ako nang malalim. “Mahal mo pa rin ba ako, Verdell?”

Nag-angat siya ng tingin. “I’m not here if not. I love you so much, babi. How about you? Do you still love me?” malambing niyang tanong.

“I. love. you,” mariin kong sabi bago ngumiti sa kaniya.

Mas hinigpitan niya ang kaniyang yakap sa akin. “Sapat na sa akin ang marinig iyon. Sa susunod na araw, ipakikilala na kita sa pamilya ko, hmm? Bawal tumanggi, magtatampo ako.”

Bahagya akong natawa. “Sige. Akin na lang si Eldon.”

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumuso. “Babi naman, eh. Tinataboy mo na naman ako,” nagtatampo niyang saad kaya bahagya akong natawa.

“Hindi, ah. Ayaw na nga kitang pakawalan,” nakangisi kong sabi sa kaniya.

Tumayo siya kaagad at hinawakan ang kamay ko. “Tara sa banyo,” pilyo niyang saad. “Maligo na tayo.”

Napaismid ako. “Hindi ako naniniwalang ligo lang ‘yan. Kababalik lang natin sa isa’t isa, Verdell.”

“Ilang linggo na akong nagtitimpi,” nakanguso niyang sabi.

“Gago? Simula no’ng dumating ka?” tanong ko.

Ngumisi siya sa akin. “Simula nang makita kita ulit.”

Ngumuso ako. “Pero pakiramdam ko ay tumaba talaga ako. Hindi na ito ‘yong katawan ko noon. Simula kasi no’ng manganak ako ay hindi ko na naalagaan ang sarili ko.”

Naupo siyang muli sa tabi ko at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko. “And so what if you’ve changed a bit? You’re still my beautiful babi. No matter your shape, it doesn’t change how much I love you.”

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon