Chapter 28

1K 26 2
                                    

—Chapter 28—

“Are you excited, baby?” tanong ni Verdell sa aming anak.

Parehas silang magkaharap sa isa’t isa habang nasa harapan na kami ng bahay nina Verdell. Wala pa ring pinagbago, mas gumanda lang siya lalo dahil nanitili ang kalinisan niya.

“Opo, papa! Excited na ako ma-meet silang lahat po,” sagot naman kaagad ni Eldon.

Napangiti ako dahil wala siyang nararamdaman na kahit na anong kaba. Tumayo na si Verdell at hinawakan ang kamay ng anak namin. Sabay-sabay kaming pumasok at sa bungad pa lang ay rinig ko na ang ingay ni Majesty at ni Vermont.

“Broken hearted,” pang-aasar ni Vermont kay Majesty.

“Epal...” Ngumuso si Majesty. “Mommy, oh! Inaaway ako ni Vermont,” sumbong niya na parang bata.

“Vermont, tigilan mo na ‘yang kapatid mo,” malumanay na saway ni tita Madi.

Sabay-sabay silang tumingin sa amin at nakita ko kaagad ang lawak ng ngiti sa kanilang mga labi. After one week naming magkabalikan ni Verdell ay ngayon lang kami nakadalaw sa kanila.

Kaagad na tumakbo si Majesty papunta sa amin. “Hello, Eldon!” bati niya kaagad kay Eldon na karga na ng kaniyang ama.

“Hello po,” bati kaagad ni Eldon.

“I’m your tita Majesty. Nice to meet you. You’re so pogi, bebe,” malambing niyang sabi sa anak ko at halatang gigil. “Kargahin ka ni tita dali.”

Nang ibuka ni Majesty ang kaniyang mga braso ay kaagad na nagpakarga sa kaniya si Eldon at yumakap dito. Kaagad niya itong dinala sa kusina kung nasaan ang ibang miyembro ng pamilya. Sumunod kami kaagad ni Verdell habang hawak niya ang kamay ko.

“Wow, so you’re Eldon,” sabi ni Vermont. “I’m your tito Vermont.”

Tumingin si Eldon kay Verdell bago muling tumingin kay Vermont. “You look like my papa po, tito. Are you twins?”

Si Majesty ang sumagot, “We’re triplets, Eldon kamukha rin nila ako.”

“Oh, okay po,” simpleng sagot ni Eldon.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Verdell sa may bewang ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa anak namin at sa pamilya niya. He’s happy right now.

Mabuti naman at masaya siya. Masaya lang kasi siya ay okay na rin ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito rin pala ang buhay namin.

“Isasama ko sina Majesty, Khione at Yasemine mamaya, ha? Walang aangal, boys. Magba-bonding kami,” sabi ni tita Madi at naghanda ng mga plato.

“Daya naman, mom. Ako muna,” reklamo kaagad ni Verdell sa tabi.

“Heh! Isang linggo na nga kayong magkasama, eh. Alagaan n’yo muna ang mga anak ninyo. Kailangan namin ng girls’ time.”

Napangiti ako kaagad dahil sa sinabi ni tita Madi. Naikwento niya na rin sa akin ‘yan noon na kapag kumpleto na raw kami ay igagala niya kami. Magba-bonding daw kami para close kaming lahat.

Gaya nang napag-usapan ay umalis nga kaming apat. Si tita Madi, ako, si Majesty at ang asawa ni Vermont.

Habang papasakay pa lang ako ng kotse ay nakita ko kaagad si Verdell sa may pintuan nila na nakabusangot at hindi na maipinta ang kaniyang mukha.

Nakita ko naman si Eldon na sumilip sa tabi ng kaniyang ama. Humawak ito sa kamay nito at ngumiti. Kumaway siya sa akin. “Ingat po kayo, mama! Magpapakabait po ako with cousins po.”

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon