Chapter 5

1.1K 33 0
                                    

—Chapter 5—

Verdell Villavicencio accepted your friend request.

Nagpagulong-gulong na ako sa higaan dahil sa nakitang notification na bumungad sa akin. Napangiti ako nang husto dahil sa wakas ay friend na rin kami sa fb. P’wede ko na siyang makausap kahit papaano.

Verdell Villavicencio sent a photo.

Napatakip ako ng bibig ko nang makitang may message siya sa akin. Seryoso ba ‘to? Nag-send ba talaga siya sa akin? He messaged me! Pinakalma ko ang aking sarili bago ko buksan iyon. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko simula kanina.

Picture niya iyon habang kumakagat sa cupcake. Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Ang pogi niya roon! Hindi ako makapaniwala sa pogi niyang ‘yan.

Yasemine Halili
ang pogi naman ng baby boy na yan😚

Verdell Villavicencio
masarap siya

Napahagikhik naman ako.

Yasemine Halili
Ang alin po? Pakilinaw naman. Ikaw po ba or yung cupcakes?😚

Verdell Villavicencio
yung cupcake, lady

Napadapa ako sa kama habang hawak pa rin ang cellphone ko. Maya-maya ay nag-send siya ng voice message. Huminga muna ako nang malalim bago pinakinggan iyon.

[You’re being silly again... Verdell, pahingi na kasi ng cupcake!... Ayoko nga, akin lang ‘to. ‘Wag ka ngang magulo... Isa lang, eh! Saan ba kasi galing ‘yan? Ang dam—]

Naputol ang voice message dahil inunsent niya iyon. Pero patapos na rin kaya halos marinig ko na rin ng buo. Napangiti ako dahil parang ayaw niyang mamigay ng cupcake sa kapatid niya.

Verdell Villavicencio
sorry

Yasemine Halili
HAHAHAH p’wede ka namang mamigay eh sa 'yo naman na lahat 'yan

Verdell Villavicencio
this is for me not for anyone

Yasemine Halili
sige po hindi na makikipagtalo🤭
babye muna, may trabaho pa ako

Verdell Villavicencio
what job?

Yasemine Halili
secret😝

Pinatay ko na rin ang cellphone ko at naghanda na para sa trabaho ko. Napagdesiyunan ko na rin na simula bukas ay maghahanap na ako ng matinong trabaho at apartment na mura lang.

Maganda ang image ni Verdell kaya kailangan kong i-fit ang sarili ko sa kaniya. Hindi rin naman ako p’wedeng maging ganito na lang habang buhay. Kaya hangga’t medyo maaga pa ay kailangan ko nang kumilos.

Sa mga susunod na araw rin ay uuntiin ko na rin ang pagliligpit ng mga gamit ko para isahang lipatan na lang din.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nandito na naman si Era. Karga-karga niya si Deri habang pinapadede. Naiinis na nga siya dahil panay ang iyak nito at hawak niya pa rin ang kaniyang cellphone.

“Tumigil ka na kasi kaiiyak! Mukha bang may nakakaiyak!” sigaw niya sa anak.

“Era, anak mo pa rin ‘yan.”

Umirap kaagad si Era. “Pakialam mo ba? Umalis ka na nga at nang may maiuwi ka mamaya.”

Tinarayan ko rin siya at pinagbagsakan ng pintuan nang makaalis ako. Nakagawian ay sinalubong ako ulit ni Jem sa may kanto namin. Napasimangot na naman ako dahil sa nangyari.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon