Chapter 29

1K 29 2
                                    

—Chapter 29—

“Ako na mag-aasikaso sa mga lasing na ‘to,” sabi ni tita Madi. “Jusmiyo marimar!”

Nakita kong pababa si Eldon sa hagdanan. “Mama!” nakangiti niyang takbo sa akin. “Mama, dumugo po ilong ni papa kanina kaya lang po lasing kaya ayan po nagkalat sa damit niya.”

“Bakit sumigaw ka?” nag-aalala kong tanong.

“May nakita po akong ipis, mama.”

Ginulo ko ang kaniyang buhok. “Marami ba silang nainom, anak?”

“Sina tito po at papa, opo. Pero si lolo po ay hindi gaano masiyado. Napagod lang po siya pakikipaglaro kina Vk ay Kyra kaya nakatulog din po siya sa carpet.”

“Akala ko kung ano na ang nagyari. Kinabahan si mama, eh,” sabi ko sa kaniya.

Nakita kong ginising ni tita Madi ang kaniyang asawa na kaagad namang nagmulat. “Darling, you’re already here. Nakatulog pala ako. Ang tagal kasing mapagod ng dalawa,” natatawang saad ni tito.

Lumapit naman sa kanila si Khione. “Pasensya na, dad,” aniya.

“It’s fine, anak. Na-enjoy ko rin naman. I’ll bring them upstairs. Asikasuhin n’yo na ang mga asawa n’yo,” seryosong sabi ni tito at maya-maya pa ay nailing. “Nag-aaway na kanina dahil sino raw magliligpit. Talaga naman.”

Lumapit naman si tita Madi kay Eldon. “Eldon, baby let’s go? Akyat na tayo at matutulog na kayo.”

“Opo, lola,” nakangiting sagot ni Eldon sa kaniya. Tumingala sa akin ang anak ko. “Goodnight po, mama. Ang ganda n’yo po sa new hair color n’yo po.”

Napahawak ako sa buhok. It’s now light brown shade na talagang bumagay sa akin. I kneeled on. I pinched his cheek. “Thank you, baby. Rest well, okay? I love you. Goodnight.”

He kissed my cheek. “I love you po.”

Humawak siya sa kamay ng kaniyang lola. Nagising na rin ang kambal binuhat pa rin sila ni Majesty at tito Vladi. Nang makaakyat sila ay napatingin naman ako kay Khione na pinipilit gisingin ang kaniyang asawa.

Lumapit naman ako kay Verdell bago ibaba ang small bag ko sa may table. “Verdell,” tawag ko at marahan siyang tinapik sa kaniyang balikat. “Baby.”

Marahan siyang nagmulat. Kaagad na umalpas ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niya ako. “Babi, you’re back!” he hugged me in an instant.

“Akyat na tayo? Ang dumi na ng damit mo.”

Hinarap niya ako at ngumuso siya. “Babi, galit ka ba? Because I’m drunk?”

Marahan akong umiling bago ngumiti. “Hindi po. Nag-aalala lang ako dahil hindi naman mataas ang tolerance mo sa alak pero uminom ka pa rin nang marami.”

He cupped my face. “Sorry, babi. Hindi na po mauulit, promise po.”

“Okay. Let’s go upstairs at kailangan mo nang magbihis.”

Tumango naman siya na parang bata at tumayo. Kaagad ko siyang inalalayan. Kinuha ko na rin ang bag ko na nasa mesa. Nilingon ko saglit si Khione na nasa gilid pa rin ng sofa. Umiiyak na ang kaniyang asawa.

“Baby, I love you so much,” umiiyak nitong sabi.

“Bakit ka ba umiiyak?” tanong ni Khione.

“Because I missed you so much.”

Napangiti na lang ako nang bahagya. Tuluyan ko na ring inakyat si Verdell sa kwarto at kaagad siyang dumapa sa kama. “Verdell, maligo ka muna! Magagalit ako kapag hindi ka riyan bumangon at maligo,” naiinis ko ng sabi.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon