Chapter 7

1K 29 0
                                    

—Chapter 7—

Binato ko kay Jem ang unan. “Nag-text siya!” nakangiti kong saad.

“Kapag ‘yan hindi ka pinandigan. Paktay ka diha.”

Napatingin ako ulit sa phone ko nang mag-pop ulit ang isang message.

Network
Hi! Your number have successfully loaded 500.00. Thank you!

Kaagad kong pinalitan ang pangalan ni Verdell sa may list ko. Nagtipa na rin ako ng reply ko sa kaniya.

To: Verdell
Dumaan muna ako kila Jem. Bakit?
Salamat sa load

From: Verdell
you forgot your wallet

Nanlaki ang mga mata ko bago halungkatin ang aking bag. Wala nga rito ang wallet ko! Tumakbo ako kaagad palagas ng bahay nina Jem at nagtungo sa kanto.

Hindi p’wedeng makita nina papa si Verdell dito dahil alam kong pagdidiskitahan siya ng mga ito. Nasa may tawid si Verdell. Nakasandal siya sa kaniyang kotse habang hawak ang wallet ko.

Kaagad akong tumawid dahil kakaunti lang naman ang sasakyan na nadaan dito. “Thank you,” sabi ko nang iabot niya sa akin ang wallet. “Ingat ka sa pagmamaneho.”

Nagtataka siyang tumingin sa akin. Inilibot ko ang tingin ko, natatakot na baka makita ng iba si Verdell. Hindi talaga siya p’wedeng makita rito.

“Sige na. Pasok ka na,” nakangiti kong sabi sa kaniya. “See you sa Monday.”

“Yasemine!” Napapikit ako dahil nakilala ko kaagad ang boses na iyon. Si papa. Naramdaman ko kaagad ang akbay niya sa akin. “Sino itong g’wapo na ‘to? Boyfriend mo? Mayaman ba? Baka naman kung saan-saan lang tambay ‘to, ah?”

Napaangat ako ng tingin kay Verdell. I signed to go home pero hindi siya nakikinig at nakakunot ang noo niyang nakatingin kay papa.

“Pa, uwi na tayo. Nagtanong lang siya,” sabi ko kay papa.

“Ayy sayang naman. Akala ko pa naman boyfriend mo. Mukhang mayaman pa naman. Hihingi sana ako ng 1k pangsabong ko,” aniya.

Napapikit na lang ako dahil sa kahihiyan na dinadanas ko ngayon. Hinawakan ko na sa braso si papa at hinila na siya patawid. Lumingon ako kay Verdell at tinanguan ko lang siya.

Isinenyas ko na rin na umalis na siya at okay lang ako. Umuwi na rin kami ni papa at naabutan ko naman na iyak nang iyak na naman si Deri habang si Era naman ay nakaupo sa sofa at nagce-cellphone lang.

“Ano ba ‘yan, Era? Iyak nang iyak ang anak mo!” sigaw ni papa.

Wala siyang ganang tumayo at lumapit sa anak na nasa crib. Napairap na lang ako at dumiretso sa may kwarto. Hindi muna ako papasok ngayong gabi dahil sobra ang pagod ko at kailangan kong magpahinga.

Agad akong napahiga sa kama. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong may text si Verdell sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang na-turn off ‘yan sa akin dahil sa mga nasaksihan niya.

From: Verdell
are you really okay? gusto mong puntahan kita?

To: Verdell
Okay lang ako
Magpapahinga na ako. Salamat ulit

Hindi na rin ako naka-recieve ng messages at pinatay na iyon. Kinabukasan na ako nagising at maraming text messages sa akin si Madam Black. Hinahanap na ako simula kagabi at nakailang missed calls na rin umabot iyon ng 100. Ang tumatak lang yata sa akin ay ang nasa last message.

From: Madam Black
Kapag hindi ka pumunta ngayong gabi tatanggalin na kita.

Tumaas ang sulok ng labi ko. Mas okay na nga ‘yon kaysa naman ang magtiis pa sa gano’ng trabaho. Hinihintay ko na lang ang text ni Majesty para sa modeling sana ay makapasa ako.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon