Chapter 14

1K 34 0
                                    

—Chapter 14—

“Sobrang pikunin ng isang ‘yon. Masikreto rin sa amin,” aniya habang papaupo naman kami sa rattan chair na nandito malapit sa pool nila. “Tapos may mga times pa na iinom siya ng maraming pineapple shake.”

Napangiti ako nang bahagya. “Malungkot siya o hindi kaya naiinis kapag gano’n. Nagtatago naman siya kapag galit siya. Sabi niya sa akin na masakit siyang magsalita kapag galit siya kaya nagtatago na lang siya. Madalas naman siyang bumuntong-hininga tapos tatalikod kapag nagtatampo,” pagkwento ko pa.

Napatakip siya sa kaniyang bibig at tumabi sa akin. “Totoo? Ibig sabihin lahat pala ng ginagawa niya noon ay may ibig sabihin? No’ng bata pa kami madalas siyang bumuntong-hininga tapos tatalikod kasi binibigay ni mommy sa akin ang mga laruan na gusto niya. Kasi gusto ko akin lahat. Akala namin ay wala lang. Matagal na pala siyang madalas magtampo sa amin,” paliwanag niya.

Tumingin ako sa kaniya. “Hindi naman siya mahirap patawanin. Basta makuha lang ang kiliti niya.”

“May tanong ako. Kapag ba magkasama kayong dalawa, tumatawa rin siya?” tanong niya.

“Madalas. Ang babaw lang ng joke ko pero natatawa siya,” natatawa kong sabi tuwing naalala ko si Verdell na tumatawa kahit sobrang babaw lang ng sasabihin ko.

“Ngumingiti naman siya pero never ko pa siyang nakitang tumawa talaga. Siguro iyon din ang pagkukulang namin sa kaniya kaya ang tahimik niya...” Huminga siya nang malalim. “Thank you kasi dumating ka sa buhay niya.”

I smiled. “Thank you sa kaniya dahil inaalagaan niya ako. Thank you rin sa ‘yo kasi tinatanggap mo ako.”

“Bakit naman, hindi? We’re sisters already! You’re my favorite in-law na.”

I chuckled. “Baka kapag dumating na ang in-law mo kay Vermont ay ayawan mo na ako.”

Humalukipkip siya bago ngumuso. “Hindi, ah. Parehas ko kayong magiging favorite! Promise ‘yan. Walang maiiwan kasi pinapasaya n’yo mga kapatid ko!” masigla niyang sabi. “Tara na sa loob at malamok na dito.”

Dumiretso kami sa may kusina at nando’n si Vermont habang naghahanda ng mga pagkain kasama ang ilang mga tagaluto.

“Hi, Yasemine. Kain ka. I’ve baked cinnamon rolls. Marami naman akong inihanda,” aniya at inilapag ang small plate sa may lamesa.

“Thank you.”

Naupo na rin ako at katabi ko si Majesty. Kumuha rin siya para tikman iyon. Grabe ang pamilya nila. Masasarap magsiluto. Hindi lang sa ulam pati na rin sa pastry!

Maya-maya lang ay pumasok na si sir Vladi sa dining area. Napabitaw ako sa tinidor. “Kain ka lang, anak,” aniya at ngumiti.

“Thank you, sir,” sabi ko.

“Tito na lang, anak. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko, medyo tinotopak kasi siya ilang linggo na.”

“Kumusta pala sila ni Verdell, dad?” tanong kaagad ni Majesty.

“Si Verdell nasa kwarto niya at ayaw lumabas. Ang mommy mo naman ay nakatulog.”

Napayuko ako saglit bago nag-angat ulit ng tingin sa kanila. “Pagpasensyahan n’yo na po kung nagkakagulo sa bahay n’yo dahil sa akin.”

“Hindi naman ikaw ang may kasalanan, anak. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo sa hindi mo naman ginawa, hmm? Feel at home. Baka bababa na rin sila mamaya,” aniya. Kumuha siya ng tinapay saglit bago muling umalis.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon