Chapter 22

1K 27 3
                                    

—Chapter 22—

“Kami na ang bahala sa kaniya, miss,” sabi ng isang nurse na kakarating lang kasama ang ilang rescuer na inaasikaso na si Verdell.

Hindi pa rin matigil ang mga luha ko. “Please save h–him,” nanghihina kong sabi.

Lumapit sa akin ang isang pulis. “Kailangan ka muna naming makausap, miss? May ilang katanungan lang kami.”

“M–mamaya na lang po. Kailangan ko munang asikasuhin ang boyfriend ko,” nagagatal kong sabi.

Inalalayan nila akong tumayo pero naramdaman ko kaagad ang pagkahilo ko hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

Nagising na lang ako sa isang emergency room ng hospital. Nakita ko kaagad si Saul sa may gilid ko na may ginagawa sa kaniyang laptop. “Saul, anong nangyari? Nasaan si Verdell?”

Mabilis akong bumangon pero kaagad niya akong pinigilan. “Nasa operating room si Verdell. Kailangan mo nang mag-ingat sa susunod, Yasemine.”

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Nasa operating room pa rin siya hanggang ngayon?

“Ilang oras na siyang nando’n?”

“Mag-iisang oras na. Ang narinig ko sa itaas ay may natamaang organ kaya matatagalan.”

Bumaba ako sa kama. “Kailangan ko siyang puntahan,” umiiyak ko pa ring sambit.

“Tama na kakaiyak, Yasemine. Hindi ka p’wedeng ma-stress. Buntis ka.”

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Para akong nabingi panandalian dahil sa sinabi niya. Napalunok ako nang bahagya. “M–may bata sa tiyan ko?”

“Oo. 3 weeks ka na raw buntis sabi ng Doctor. Kailangan mo nang magpahinga,” aniya.

“P–pero si Verdell. Kailangan ko s–siyang makita.”

Tinanggal ko ang swero ko at hindi pinansin si Saul. Wala na akong pakialam sa kahit na kanino. Kailangan kong makita si Verdell. Kailangan ko siyang makita...

Gusto kong malaman na buhay pa siya.

Nang makarating ako sa hallway ay nakita ko kaagad ang pamilya ni Verdell sa labas at iyak nang iyak ang mommy niya habang alalay siya ng asawa at ni Vermont. Samantalang sa upuang bakal ay nakaupo si Majesty na umiiyak katabi ang isang babae.

Napatingin sa gawi ko ang mommy ni Verdell. “How dare you to come here?!” galit niyang sigaw at akma akong susugurin nang kaagad siyang pinipigilan nina tito at Vermont.

Marahan akong lumapit sa kaniya. “T–tita, I’m s–sorry. It was all my fault. I’m sorry.”

Akma niya akong susugurin nang harangan siya ni tito. “Talagang kasalanan mo! Critical ang lagay ng anak ko dahil sa ‘yo! At haharap ka sa amin?!”

“Madi, calm down,” sabi ni tito. Tumingin sa kaniya ang asawa.

“Paano ako kakalma, Vladimir?! Iyong anak natin nakaratay ang daming tinamong sugat at bala ng baril?! Nag-aagaw buhay, paano ako kakalma?! Paano?!” sigaw ng mommy ni Verdell.

Lumuhod ako sa harapan nilang dalawa. Tatanggapin ko lahat ng sakit ng mga salita nila. Kasalanan ko naman talaga. Hindi sana aabot sa ganito kung hindi ako nakilala ni Verdell. Kung hindi ako pumasok sa buhay niya.

“I’m r–really sorry po... Ako po ang puno’t dulo nitong lahat. Ako na lang po ang ikulong n’yo. ‘Wag na po ang tatay ksahigo,” I said while crying loudly.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon