Chapter 19

1.1K 28 1
                                    

—Chapter 19—

“Verdell, gising na. Pupunta pa tayo sa bahay n’yo.”

Mas lalo siyang sumiksik sa akin at mahigpit akong niyakap. Hinaplos ko naman ang kaniyang buhok at napangiti lalo. Simula no’ng nakabalik ako ay hindi ako mawala sa paningin niyan bukod na lang sa papasok sa trabaho ko.

Nagtataka na nga si Saul dahil hindi na ako nakakauwi sa apartment. Paano ba naman ay ayaw akong paalisin ni Verdell. Palagi siyang nakabuntot sa akin kapag outside na ng trabaho.

“Babi, wake up na,” malambing kong sabi.

Yumakap siya lalo. “5 minutes more.”

“Eh, scam ‘yang 5 minutes mo. Umaabot ng one hour,” sabi ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin bago ngumuso. “Mayayakap mo naman ako ulit mamaya. Saglit lang ang araw kaya bumangon ka na diyan,” dagdag ko.

“Cuddle na lang all day, babi,” aniya sa malambing na boses.

I chuckled. “Hindi p’wede. Kailangan nating magtrabaho at kumilos. Tara na.”

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo. Birthday kasi ng daddy niya kaya pupunta kami. Kahit na kinakabahan ay sasama pa rin ako. Hindi ko kasi alam kung nagkabati na sila ng mommy niya.

“Verdell, bati na ba kayo ng mommy mo?” I asked.

He looked at me. Tuluyan nang nagising at nag-unat. “Hmm. Nagkausap na kami no’ng umalis ka. Don’t worry, okay?”

“Mabuti naman kung gano’n.”

Birthday ngayon ng daddy niya kaya kailangan naming pumunta. Mabuti nga at hindi hinahanap ang isang ‘to ng kaniyang pamilya. Ilang buwan na kaming halos magkasama.

Nang makarating kami sa bahay nila ay halos mga kamag-anak lang din nila ang nandito at ang mga kaibigan. Mga lolo at lola niya. Only child naman si tito Vladi kaya mga magulang niya lang ang nandito at ang mga kaibigan niya.

Pagpasok sa bahay ay bubungad sa ‘yo ang mga matatanda sa may sala na nagkekwentuhan at nagtatawanan. Samantalang may table pa malapit doon, nandoon naman ang mag-asawa at ang mga kaibigan nila.

Hinanap ng mga mata ko ang dalawa pang kapatid ni Verdell. Hindi ko sila mahanap, malamang ay nasa kusina ang mga ‘yon.

“Daddy,” tawag ni Verdell kaya halos lahat ay napatingin sa amin.

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ng mag-asawa nang makita ako. Marahan akong hinila ni Verdell papunta sa parents niya.

“Good evening po,” bati ko sa kanila bago ako tumingin kay tito. “Happy birthday, tito.” Inabot ko sa kaniya ang regalo ko.

“Naku, maraming salamat, anak. Nag-abala ka pa sa regalo.”

Ngumiti ako. “Minsan lang naman po ito.”

“Kailan ka pa bumalik?” tanong niya.

“Almost 2 months na rin po ang nakakalipas.”

“Gano’n ba? Welcome back, anak.”

“Thank you po.”

“Aba! May girlfriend na rin si Verdell?” tanong ng isang lalaki na katabi ng isang babae. Hindi ko sila kilala dahil ngayon ko lang sila nakita.

“Opo, tito Maverick. Si Yasemine po, my girlfriend,” pakilala kaagad ni Verdell.

“Ang ganda. Parang diyosa. Tao ba talaga siya Verdell?” sabi naman ng isa.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon