Chapter 12

1K 29 3
                                    

—Chapter 12—

Kinabukasan ay mas maagang nagising sa akin si Verdell. Paglabas ko ng kwarto ay naghahanda na siya ng almusal. Napangiti ako nang ma-realize na parang siya iyong mama ko na mas excited pa sa akin kapag may event sa school.

Bigla ko tuloy siyang na-miss. Pumasok naman ang mga alaala niya sa akin. Kung paano niya ako alagaan, paano siya maghanda ng uniform ko kapag papasok na ako, iyong baon ko at iyong paghatid nila sa akin ni papa sa school. Kapag uwian naman ay isasabay na niya ako dahil galing siyang palengke no’n.

Nagluluto kasi si mama sa bilao ng mga pagkain. Iyong per set kaya laging amoy pagkain ang bahay ng bahay no’n. Ang sarap palaging umuwi dahil ang daming pagkain.

“Mama, ano pong niluluto n’yo?” tanong ko kay mama nang makarating kami sa bahay. Kauuwi ko lang galing sa school.

“Spaghetti, anak.”

“P’wede po ako pahingi, mama?”

Tumawa naman siya. “Naku, anak mababawasan ang pagkain ng costumer. Lulutuan na lang kita mamaya.”

Lumapit ako sa mesa at lumuhod sa may upuan. “Itong chicken, mama p’wede pahingi?”

“Iyong maliit lang, ha?”

“Opo, mama.”

Kung amoy mga pagkain ang bahay noon. No’ng nawala siya ay amoy alak at sigarilyo na. Hindi mo na siya maamoy bahay, lumang bahay na. Kung dati ay puting-puti ang pader at maayos pa ang bubong. Ngayon ay sobrang dumi na. Sa susunod kapag nagkapera na ako ay bibilhin ko ulit ang bahay na ‘yon. Para man lang ma-preserve ko ang alaala ni mama. Doon na kasi kami tumira no’ng nagbubuntis pa lang daw siya. Kahit papaano ay gusto kong ibalik iyon sa kaniya kaya sana yumaman na ako.

“Are you okay?” Hindi ko na napansin na nasa harapan ko na pala si Verdell. “Why are you crying?”

Mabilis kong pinunasan iyon. “Na-miss ko lang si mama. Pinaghahandaan kasi niya ako noon. Naalala ko lang siya sa ‘yo. Mas excited pa kapag may event,” paliwanag ko.

He tapped my head. “I cooked spaghetti for you and fried chicken.”

Napakurap ako. “Huh?”

“Madalas mong sabihin na gusto mo ng spaghetti at fried chicken. Hindi ka lang aware siguro. Pasensya na at ngayon lang ako nakapagluto para sa ‘yo.”

“Verdell, seryoso ka ba?” hindi ko maiwasang hindi maiyak habang nagtatanong.

Tumango siya. “Hmm. Ilang beses kong narinig sa ‘yo iyon. Kahit gumagawa ka lang ng project mo. Hihinga ka nang malalim tapos sasabihin mo, sarap ng spaghetti at fried chicken.”

“Thank you, Verdell.”

Hinawakan niya ang kamay ko. “Tara na. Alam kong nagugutom ka na.”

Kaagad niya akong sinandukan sa plato. Napangiti naman ako nang makita na asikasong-asikaso na naman niya ako. Hindi ko pinagsisihan na nagustuhan ko si Verdell. Sobrang bait niya sa akin... sobra at maalaga. Sapat na sa akin ang ganitong set-up naming ganito.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon