Chapter 10

1.1K 36 0
                                    

—Chapter 10—

Yasemine Halili
bi, nandito ako sa oval. nasaan ka? 😁

Kaagad niyang sineen ang message ko. Napansin ko naman na kaagad siyang nagtitipa ng reply para sa akin.

Verdell Villavicencio
otw

Yasemine Halili
sige po🥺

Verdell Villavicencio
Why are using that emoji?
Are you sad?

Yasemine Halili
hindi HAHAHAHAA
hinihintay ko lang future bibi ko🥹❤️‍🔥

Verdell Villavicencio
silly. wait me there

Yasemine Halili
halahhh ikaw nga future ko😍

Hindi na siya nag-seen at naupo na lang ako sa may upuang semento at hinintay siya. It’s been weeks since na nakatira ako sa condo niya. Thrice a week din siya kung dumalaw sa condo dahil palagi nga siyang nasa bahay nila. Napangiti ako dahil tuwing dumadalaw siya sa akin ay madalas siyang magdala ng mga favorites ko.

“Agay, delikado na at nakangiting mag-isa. Nasaan na ang bibi mo?” pang-aasar ni Jem sa akin.

Tumingin ako sa kaniya at ngumisi. “Papunta na. Akala ko ba lalabas ka?”

“Oo nga. Bumalik ako kasi may kinuha lang. Napadaan ako at nakita kita. Para kang baliw. Ano ba’ng status n’yong dalawa?” tanong niya.

Ngumiti ako. “Happy kami. ‘Wag ka ngang magulo,” natatawa kong saad.

“Aguy, walang assurance. Kapag ikaw nasaktan diyan, labas ako, ah.”

“Dzuh, hindi ‘to magfe-failed! Malakas kaya guardian angel ko,” nakangisi kong sagot sa kaniya.

Natawa naman siya bago pabirong umirap. “Whatever.” Umalis na rin siya habang kumakaway patalikod.

Naikwento niya sa akin na naibenta na nga ang bahay namin at may bago na raw nakatira. Hindi niya na rin alam kung saan nakatira ang tatay ko at ang pamilya niya. Si Madam Black ay nilagay na ako sa black-listed at hindi na p’wedeng bumalik doon.

Ayos na sa akin iyon. Ang dapat ko lang gawin ngayon ay tipirin ang pera na nasa passbook ko. Iyon na lang ang bubuhay sa akin. Kailangan next week ay makapaghanap na rin ako ng trabaho para naman kahit papaano ay pambili pa rin ako ng mga wants ko.

“Yasemine...”

“Yes, babi?” nakangiti kong tanong kay Verdell. May dala siyang paperbag. He smirked at me before sitting down beside me. “Naku, spoil na naman ako niyan. Baka masanay na ako niyan at hindi na kita makalimutan,” dagdag kong sabi.

He pats my head. “Kumain ka na.”

Ngumisi ako. “Thank you, babi. Mwa!” pang-aasar ko sa kaniya. His ears and neck became reddened. Minassage niya rin ang kaniyang kaliwang tainga . “Kinikilig ka na naman dahil sa akin.”

Pabiro naman siyang umirap at inabot sa akin ang utensils. Ngumuso ako bago buksan ang lalagyan at nagsimula nang kumain. Nang matikman ko iyon ay napangiti ako ng todo dahil sa sarap no’n. Siya kasi ang nagluto niyan sa bahay nila.

“Wala talagang kupas ang luto mo! Ang sarap,” sabi ko at ngumiti habang ngumunguya.

“Enjoy your meal.”

Tumingin ako sa kaniya. “Ayaw mong kumain?” tanong ko.

“Kumain ako kanina ng energy bar. Medyo busog pa ako.”

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon