Chapter 15

1.1K 32 7
                                    

—Chapter 15—

Villavicencio, Verdell Matti Z.
Magna CumLaude

Halili, Yasemine Nathalie S.
CumLaude

Today is our graduation day. Finally, graduate na ako. Sa tulong na rin ni Verdell at ng modeling, na-survive ko ang huling taon ng college. Graduate na, with latin honor pa, may poging Magna CumLaude pang future bibi.

“Sabi sa ‘yo, magiging CumLaude ako,” pagyayabang ko kay Jem. Natawa naman siya bigla.

“‘Yan dapat patunayan mo talaga. Pero CumLaude ka nga wala pa rin kayong label,” balik niya sa akin kaya parehas kaming natawa. “Sinong sasama sa ‘yo pag-akyat?”

“Wala. Kaya naman na natin sarili natin, hindi na natin kailangan no’n,” sabi ko pa.

Nakipag-apir siya kaagad sa akin. “Tama. Sanay naman na tayong mag-isa, eh.”

“Ayy ako medyo na lang.”

Mabilis siyang tumingin sa akin. “Akala ko ba aalis ka after graduation?”

“Aalis nga. Kalma ka lang.”

Inakbayan niya ako. “Mag-iingat ka kung saan ka pupunta, ha? Kapag hindi ka mag-ingat, kokotongan kita kapag makita kita,” pambabanta niya pang sabi sa akin.

Hinampas ko ng pabiro ang kaniyang braso. “Siraulo ka talaga. Siyempre mag-iingat ako kasi babalik pa ako. Hindi na ako makakabalik kapag hindi ako nag-ingat.”

Nagsimula na ang ceremony at nasa likuran pa sina Verdell. Medyo malayo sa amin. Nang turn na namin ay nadaanan namin ang linya nila kaya nakipagngitian pa ako bago tuluyang mag-martsa.

Nang malapit na kami sa stage ay lumapit sa akin si tito Vladi. “Sinong sasama sa ‘yo?”

“Wala po, tito. Ayos lang po ako.”

“Hindi na. Sasamahan kita,” aniya at ngumiti sa akin.

“Halah nakakahiya po,” sabi ko.

Umiling naman siya kaagad. “No. It’s fine. Let’s go.”

Nang makaakyat na kami sa stage ay medyo kinakabahan ako pero at the same time, masaya kasi tapos na ang paghihirap ko sa pag-aaral.

“Halili, Yasemine Nathalie S.. CumLaude.”

Si tito Vladi ang kumuha ng medal samantalang ang akin ay ang certificate. Nakipagkamay naman ako kaagad sa mga guests namin na nasa stage bago kami napunta sa gitna at isinabit sa akin ni tito Vladi ang medal ko.

“Thank you po, tito” sabi ko bago mag-bow. “Pasensya na po at naabala ko pa kayo ngayon pero thank you po talaga at hindi niyo ako hinayaang mag-isa.”

“You’re welcome, anak. You’re important in my son’s life kaya importante ka na rin sa amin.”

Natapos nang matiwasay ang graduation namin. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang bawat isa na nagsisipagtapos ngayong araw. Sa loob ng apat na taon sa college ay maraming nangyari, maraming muntik nang sumuko, maraming nawala sa landas, maraming sleepless nights pero lahat ‘yon ay worth it lalo na nang makatapak na kami ngayon sa stage.

After the graduation week ay nagtungo kami sa Batangas ni Verdell para magbakasyon ng tatlong araw. Ito na rin ang huling araw na makakasama ko siya. Pagkatapos nito ay aalis na rin ako sa condo at pupunta sa La Union.

Hindi naman na tinake advantage ko ang lahat, sadyang kailangan ko lang ng pahinga mula sa mundo. Napagod ako ng sobra.

I’m now wearing a white tube, and a white long skirt. Umabot iyon hanggang paa ko. Pinalugay ko rin ang mahaba kong buhok na may kulay nang medyo brown. Sa kabilang banda ay si Verdell na may hawak na camera at kinukuhaan ang paligid namin. He’s wearing a white beach shirt, naka-unbutton ang ilan sa itaas.

Spice Things Up | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon