Chapter 5

1.1K 17 1
                                    

ELENA CEINE.

Hilong-hilo ako nang makarating kami ni Leroigh sa destinasyon namin. Pakiramdam ko namaos din ako kakatili.

Mabilis akong  lumabas sa kotse niya. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti at parang may hinahalukay na kung ano sa tiyan ko. Nasusuka ako.

Ang totoo niyan ay hindi ako sanay sumakay sa kotse dahil madali lang akong mahilo. Kaya iyong patakbuhin niya iyon nang sobrang bilis ay isang masamang karanasan para sa akin na hindi ko na nanaising maulit muli.

Mabuti ay walang check-point kung hindi ay nahuli kami dahil over speeding siya. Halos paliparin niya na iyong kotse.
Talagang pinaramdam niya kung gaano niya kaayaw sa akin.

Ganito ba talaga siya kagalit?

Gusto ko lang naman masigurong maayos siya, masama ba 'yon para ganituhin niya ako?

Naluluha ako habang nilalabas sa bibig ko lahat ng kinain ko kanina. Naramdaman ko ang paghaplos ng kung sino sa likod ko. Matapos kong sumuka ay tinulak ko siya palayo sa akin.

Binigyan ko siya ng sobrang samang tingin na tila gusto ko na siyang katayin.

"Napakasama mo! Huwag ka na ulit lumapit sa akin!" singhal ko.

Ngumisi siya. "Iyan ang napapala mo sa katigasan ng ulo mo." malamig niyang sabi. Tinalikuran niya ako upang maglakad papasok sa maingay na bar.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang likod niya.

Talagang iniwan ako ng kumag! Napakasama talaga ng ugali niya!

Naglakad ako nang mabilis para maabutan ko siya. Hinawakan ko ang hem ng damit niya mula sa likod.

Nilingon niya naman ako. Mabuti na lang ay hinayaan niya akong nakahawak sa damit niya.

Ang daming tao kahit nasa labas pa lang. Hindi ako sanay.

Ramdam kong napapalingon ang iba sa direksyon namin. Siguro dahil iyon sa presensya ng kasama ko.

Hindi ko alam kung magandang ideya ba na sumama pa ako sa kaniya. Pinakaayaw ko talaga sa lahat ay iyong atensyon mula sa ibang tao.

Nakakailang.

Napalunok ako nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bar. Mula sa damit ni Leroigh ay sa braso niya na ako napahawak. Mabilis kong nilingkis ang braso ko sa kaniya.

"Ang lakas ng loob mong sumama. Hindi ka naman pala sanay."

Napayuko na lang ako. Para naman sa kaniya iyong pagsama ko, eh. Pasalamat na nga lang siya dahil concern ako sa kaniya.

"Akala ko ba 'wag na akong lumapit sa 'yo? Ikaw nga 'tong wagas kong makadikit sa 'kin."

Napanguso ako. "Ngayon lang 'to. Matapos nito hindi ko na hahayaang makalapit sa 'yo. Ang sama ng ugali mo," flat kong sabi.

Matunog naman siyang napangisi.
"Talaga lang, ah."

Hindi na ako kumibo at mas lalo pang idinikit ang sarili sa kaniya. Para akong bata na takot mawala. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong lugar. First time ko na makapunta rito.

"H'wag kang masyadong dumikit sa akin. I can feel your soft boobies," walang preno niyang sabi.

Doon ko lang na-realize na tumama na pala yung malambot kong umbok sa braso niya.
Lumayo ako sa kaniya.

"Sorry..." nahihiya kong paumanhin.

Ramdam ko pa rin ang mga mata ng ibang tao kaya mas napayuko na lang ko. Natigilan ako nang maramdaman ko ang ang kamay niya sa bewang ko para hapitin ako palapit sa kaniya.

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now