Chapter 1

3.5K 20 0
                                    

This is an edited version. It's either may inalis or dinagdag akong scene.
***

ELENA CEINE.

"Ate Ceine!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng maamong boses na 'yon. Isang ngiti ang ginawad ko kay Lira. Si Lira Hilton ay bunsong anak ng step father ko. Thirteen years old pa lang ito.

Tatlo silang magkakapatid. Ang una ay si Lezi Hilton. Nakabukod na sa amin dahil nag-live in na sila ni Kuya Ruke na kaniyang fiancé. Sa tuwing may okasyon sila dumadalaw dito.

Ang pangalawa sa magkakapatid ay si Leroigh Hilton. Mas bata ang lalaking iyon sa akin ng tatlong taon ngunit hindi ako magawang tawaging ate.

Ewan ko ba sa masungit na iyon. Hindi kasi matanggap na may step sister siyang kagaya ko na maganda, kidding.

Ang totoo niyan, ang lalaking iyon lang ang ayaw tumanggap sa amin ni mommy. Kahit ano raw ang gawin namin, hindi niya kami ituturing na pamilya, lalo na si mom dahil ang ituturing lang daw na ina nito ay ang mama niya na sa tingin ko'y may iba na ring pamilya.

Hindi ko rin siya masisisi, mahirap naman kasi tumanggap ng bagong kapamilya lalo na kapag hindi mo naman kadugo.

Pero sana naman makisama na lang siya katulad nina Ate Lezi at Lira. Wala naman kaming masamang intensyon sa pamilya nila. Nagmamahalan lang naman ang mga magulang namin.

"Bakit Lira?"

Nakangiti ito nang malaki kaya halos lumubog na ang biloy nito sa magkabilang pisngi.

"Pumayag na si Kuya Leroigh na tumira dito kahit hanggang birthday ko lang! Nakiusap kasi ako sa kaniya! Uuwi na raw siya rito mamaya!"

"Ohh," tanging naging tugon ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil masaya si Lira sa balitang 'yon o ano.

Sa pagkakaalam ko, may sariling condominium si Leroigh. Simula noong nanirahan kami rito ni mommy ay umalis ang lalaking iyon.

Hindi niya raw masikmurang makita ang pagmumukha namin ni mom. Ang sama ng ugali, 'no?

"It's good to hear," ngumiti ako ng pilit.

"Tara ate, gumawa tayo ng cupcakes for him!"

Hinawakan niya ang kamay ko para hatakin.

"Kailangan pa ba 'yon?"

Baka mamaya magsayang lang kami ng oras na gumawa no'n tapos hindi pala nito kakainin. Lalo na kapag malaman nitong isa ako sa gumawa noong cupcakes. Alam ko namang kinamumuhian ako ng kumag na iyon, eh.

"Oo naman 'te, favorite niya 'yon!"

Pumayag na lang ako. Mahirap naman kasing tanggihan ang cuteness nitong si Lira.

Pwede namang sabihin ko na lang na si Lira lang ang gumawa ng cupcakes para kainin 'yon ni Leroigh dahil sa kaalamang effort iyon ng kapatid niya.

Inabot kami ng dalawang oras ni Lira sa paggawa ng mga cupcakes. Nagtulungan kami sa paghahalo. Si Lira na ang hinayaan kong magdesinyo sa bawat ibabaw ng naturang pagkain para kapani-paniwalang siya talaga ang gumawa no'n.

"Anong ginagawa ng mga anak ko?"

Binalingan ko si mommy na kalalabas lang sa kwarto niya. Halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya.

"Gumawa po kami ng cupcakes ni ate, mommy. Para 'to kay Kuya Leroigh kasi darating siya mamaya rito. Pero pwede ka pong tumikim, isa lang, ah?"

Tumawa si mommy sa sinabi ni Lira. Kumuha siya ng isang piraso sa ginawa naming cupcakes saka tinikman.

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now