ELENA CEINE.
Bumuga ako ng hangin at nagpasyang patayin ang hose. Pumasok na rin ako. Naabutan ko si Lira na handa nang lumabas para pumunta sa school niya. Nagkatinginan kami. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Pansin ko ang pagka-ilang niya.
Ganoon pa rin kaya ang tingin niya sa akin?
Napailing na lang ako. Pinuntahan ko si mommy para tulungan siya sa mga gawaing bahay. Matapos niyon ay agad akong pumunta sa kuwarto para manatili lang muna sa loob.
Ewan ko ba, parang ayaw ko munang ipakita ang pagmumukha ko kay Leroigh. Feeling ko kasi napaka-insensitive ko noong tinanong ko siya sa bagay na iyon. Hindi ko maiwasang ma-guilty kasi parang pinamukha ko sa kaniya na wala ng pag-asa ang mga magulang niya.
Binigyan ko siya ng dahilan para mas lalong mamuhi sa akin– sa amin ni mommy. Dapat kasi hindi na lang ako nagsalita. Hinayaan ko na lang sana siya sa mga sinasabi niyang hindi magaganda. Kung susumahin ay mas may karapatan siyang magsalita ng ganoon dahil bukod sa parte kami sa pagkasira ng pamilya niya, isa lang kaming hamak na sampid.
Ang mas magandang gawin sa isang taong sarado ang isip, balewalain na lang ito. Ipasok sa tenga ang sinasabi at ipalabas sa kabila.
Pero nasa tama naman ako, hindi ba? Mali at sumusubra na si Leroigh noong pinamukha niyang umaasa lang kami ni mommy sa pera ng tatay niya. Walang ibang hangad ang ina ko kundi makasama ng masaya si papa. Ang ayos at ang bait ng mommy ko sa pakikitungo sa kaniya pero magsasalita lang siya ng ganoon.
Tama lang naman sigurong masaktan ko siya ng ganoon, 'di ba? May punto naman kasi ang sinabi ko't kailangan ding ipamukha ang katotohanang iyon sa kaniya.
"Stop it Elena, you can't change the fact that you're insensitive. Walang ring ibang hangad 'yong tao kundi mabuo ang pamilya niya pero winasak mo ang natitirang katiting na pag-asa niya. Sinaktan mo siya. Iyan ang itatak mo sa kukute mo, wala kang pinagkaiba sa kaniya na masama rin ang ugali," kastigo ng kabilang bahagi ng konsensya ko.
Bumuga ako ng hininga dahil sa lalim ng iniisip ko. Inabala ko na lamang ang sariling kausapin ang best friend kong si Cassandra sa phone. Pinagplanuhan namin na isang Café ang ipatatayo naming negosyo.
Ang sinabi niya ay may nahanap na siyang loteng magiging puwesto namin. Nabili niya raw sa isang kakilala ang lupa na malapit sa isang paaralan at sa isang prostihiyusong hospital.
Agad ko namang pinaburan ang plano dahil naisip kong marami ang magiging potential buyers namin doon. Mas maganda talaga sa negosyo 'yong iniisip natin 'yong mga target market natin, mas magfu-function ng mabuti ang business kapag alam nating marami ang population ng mga tao sa paligid.
Maaaring ang disadvantage ay marami kaming magiging competitors na iba't ibang businesses, pero ang mas pinaka-advantage naman ay sigurado na kaming maraming customers na maaaring makalap namin. Hindi na magiging problema sa amin kung mayroon bang bibili o wala.
Ilang oras pa kaming nag-usap ni Cassy hanggang sa nagpasya kaming magpaalam sa isa't isa. Naiiling at nakangiti kong binaba ang tawag sa phone dahil nagbiro pa ang bruha na isuko ko na raw ang bataan ko dahil lalagpas na ako sa kalendaryo. Ang babaeng iyon talaga. Kung anu-ano na lang pinagsasabi.
"Sinong kausap mo?"
Napaigtad ako nang bigla na lang may boses na nagsalita sa may gilid. Binalingan ko ang nagmamay-ari ng tinig na iyon na ngayon ay nakahulukipkip sa may pintuan at salubong ang kilay. Agad nawala ang ngiti ko sa labi.
"A-Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko, Leroigh?" tanong ko.
"Sinong kausap mo Elena?" tanong din niya pero sa galit na paraan.
Pinangunutan ko siya ng noo dahil hindi ko alam kung bakit ganiyan siya umakto. Nang hindi ko siya sinagot agad ay malalaki ang hakbang na lumapit siya at basta na lang hinablot sa kamay ko ang phone na hawak ko. Tiningnan niya iyon.
"Kaibigan ko ang kausap ko! Bakit ba bigla ka na lang nang-aagaw!"
Kinuha ko sa kamay niya ang phone ko na pahablot ko ring binawi. Tumigas ang mukha niya at mabagsik akong tiningnan.
"Sinong kaibigan? Babae o lalaki?"
"It's Cassandra. Babae ang kaibigan ko. Ano bang problema mo't basta ka na lang pumasok dito sa k'warto ko't nangingialam kung sino ang kausap ko?!"
Hindi siya sumagot. Ganoon pa rin ang tingin na binigay niya. Yumuko siya para magpantay ang mga mukha namin. Sobrang lapit no'n kaya wala sa sariling inilayo ko ang mukha ko.
Mariin niyang hinawakan ang aking panga habang mas lalong nagbabaga sa galit ang asul na mata. "Siguraduhin mo lang na hindi lalaki ang kausap mo dahil mayayari ang taong iyon sa akin. Hindi ka puwedeng ngumiti dahil lang sa isang lalaki," mariin niyang sinabi. "Ayoko ng may kahati sa babae ko. Walang dapat ibang lalaki sa buhay mo maliban sa akin. Ako lang dapat."
"A-Anong sinasabi mo?" Tinabig ko ang kamay niyang nasa panga ko. "Hindi mo ako babae. Baka nakalilimutan mong kinakapatid mo pa rin ako kahit hindi mo ako tanggap. Kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang kasapi sa pamilyang 'to, respetuhin mo naman ako bilang babae."
"Hindi maganda 'yong basta ka na lang pumapasok sa silid ko at nangingialam kung sino ang kausap ko. Hindi nga kita pinakialaman noong mahuli kitang may kalampungan kagabi."
"Si Vine 'yon."
"A-Ano?" Pinangunutan ko siya ng noo.
"Si Vine 'yong kagabi. Walang nangyari sa amin bukod sa halik na iyon. Nagseselos ka ba?"
Hindi ko na napigilan matawa ng hilaw. "Saan mo naman nakuha ang ideyang nagseselos ako? Wala naman akong pakialam kung sino pang babae ang dalhin mo rito para pawiin 'yang libog mo. Ang akin lang, wala ka dapat pakialam kahit pa lalaki ang kausap ko, kasi wala rin naman akong pakialam sa babae mo. Hindi ko ginulo ang personal space mo kasama ang malanding iyon, kaya dapat hindi ka rin nakikigulo rito."
Tumiim ang bagang niya na, hindi nagustuhan ang narinig mula sa akin. Lumabas ang pantay niyang mga ngipin dahil sa matinding pagtatagis noon.
"Hindi ba't gulo naman ang hanap niyo noong pumasok kayo sa buhay namin? Ang lakas ng loob mong sabihin na hindi dapat ako nakikigulo, e kayo naman ng ina mo ang panggulo rito."
Nanghihina akong bumuga ng hininga. "Kailan pa ba tayo matatapos sa usaping iyan? Kahit ano pang sabihin mo hindi kami aalis dito. Ayokong sirain ang kasiyahan ng sarili kong ina. Nakapapagod nang makipagtalo sa 'y0 Leroigh. Please, tama na..."
He scoffed. "Ayaw mong sirain ang kasiyahan ng sarili mong ina? Puwes ako, gusto kong sirain ang kasiyahan niyo. Hindi kita titigilan. Hangga't nandito ka aangkinin kita ng ilang beses. Hangga't hindi ka umaalis ay teritoryo kita, ako ang dapat nagmamay-ari sa 'yo. Karapatan kong guluhin ka sa ayaw o sa gusto mo."
Napaigtad ako nang biglang humawak ang mainit niyang palad sa binti ko. "Ihanda mo na lang ang sarili mo dahil sisiguraduhin kong mawawasak ka sa akin. Ginusto mong manatili rito, so be ready to face the consequence. My Ceine..."
©heartlessri