Chapter 29

886 16 0
                                    

Leroigh.

"Elena, bumalik ka na, please..." lasing kong sabi. Umiiyak ako sa balikat ng babaeng nakatalikod sa akin na tila natuod sa kinatatayuan dahil sa ginawang pagyakap ko.

Namalayan ko na lang biglang may tumamang kamao sa mukha ko. Nabitiwan ko 'yong babae at napahawak sa pisngi.

"Putangína mong tarantadó ka! Girlfriend ko 'yan!" singhal ng lalaki.

Sa suntok niya ay nahimasmasan ako sa kalasingan. Natanto kong ibang tao na naman pala ang napagkamalan kong si Elena. Nadurog ang puso ko nang muli kong maalala ang umiiyak niyang mukha.

"Tama na 'yan, Adulfoh! Lasing 'yan. Napagkamalan niya lang akong ibang tao! Huwag ka nang gumawa ng eskandalo!" awat ng babae sa lalaking nanuntok sa akin.

"Hindi! Kailangan ng bugbóg ng hayúp na 'to para magtanda!"

Muling nagpakawala ang lalaki ng suntok. Hindi ako kumilos. Hinayaan ko lang ang masakit at malakas na tama sa mukha ko. Kung tutuusin, kulang pa 'to sa ginawang pananakit ko sa damdamin ni Elena.

Baka umiiyak na naman 'yon ngayon. Baka namimiss niya na naman 'yong mommy niya. Ako kaya, naiisip niya rin ba ako? Miss niya na rin kaya ako katulad ng pangungulila ko sa kaniya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kumakain kaya siya ng maayos? Inaalagaan niya kaya 'yong baby namin?

Elena, tatlong taon na, pero ang sakit pa rin. Bakit ka naman kasi nagtago? Hindi ko tuloy kayo masubaybayan ng anak ko. Mas lalo lang tumitindi 'yong pangungulila ko sa 'yo. Mas lalo lamang akong nalunod sa lungkot sa pag-alis mo.

Do I really deserve this, Elena? Am I really a monster to you? Bakit mo naman pinagkait sa akin na makita kayo ng anak natin? Hindi mo ba talaga ako mahal?

P'wede bang bumalik ka sa akin kahit hindi mo 'ko mahal? P'wede bang magpakita ka sa akin, baby?

Tuluyan akong natumba nang hindi ako tinigilan ng lalaki. Ilang tama ng suntok ang pinakawalan niya bago ako bumigay. Sumalampak ako sa bakanteng lamesa na bumigay din dahil hindi kinaya ang bigat ko.

Tumigil ang musikang kanina lang ay nagbibigay kasiyahan sa mga taong nasa loob ng bar. Nagkumpulan ang mga tao para tingnan ang kaganapan. May lumapit na bouncer at inawat ang lalaking ngayon ay galit na galit sa akin.

Napatulala ako nang makita ko sa kumpulan ng mga tao ang babaeng kanina lang ay nasa isipan ko. Pero sa isang kisap mata, nawala siya na tila bula na para bang parte lang siya ng halusinasyon ko. Muling pinilipit ang puso ko sa sobrang sakit.

May kamay na humawak sa akin para hilain ako patayo. Wala sa sariling nagpakaladkad ako sa marahas na hila ng kaibigan kong si Stevenage. Napahilamos ako ng mukha nang makaupo ako isang itim na sofa. Hindi ko na ininda pa ang mga sugat na natamo ko. Unti-unting namasa ang mga palad ko dahil sa sariwang likido na lumabas sa mga mata ko.

"Kakain ka na, baby. Hmn?" kausap ko sa walang buhay niyang mukha.

Naging ganito na siya simula no'ng mawala 'yong ina niya. Tulala at wala sa sarili. Parang may tumatarak sa loob ko habang pilit kong iniuumang sa bibig niya ang kutsarang may lamang pagkain.

"Please, baby. Kahit kaunti lang."

Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang hinimas. Nang umawang ang labi niya ay mabilis kong sinubo sa kaniya ang nahipan ko nang sopas. Hinalikan ko ang noo niya.

"Good girl, baby." I stared at her lovingly. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumabing sa mukha niya. Sagabal lamang iyon sa ganda niya. Muli kong nilagyan ang kutsara ng sopas. Nang muli siyang sumubo ay dinampian ko siya ng halik sa labi.

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now