Chapter 8

936 14 0
                                    

ELENA CEINE.

"Kyaah! Ate Lezi!" tili ni Lira nang makita ang nakatatandang kapatid.

Mabilis na sinalubong ng niya ng yakap ang ate niya. Natatawang yumakap naman pabalik si Ate Lezi. Nang magtama ang mga mata namin ay parehong kaming nagpalitan ng ngiti.

Bitbit ko ang ginawang brownies ni Lira na nasa platito. Si mommy ay nasa kusina dahil kukuha raw siya ng tubig. Siya ang nagbalita sa amin ni Lira no'ng nasa kusina kami na dumating na pala sila ate. Kaya naman, agad kumaripas ng takbo itong si Lira dahil sobrang excited makita iyong ate niya.

"Hi po, Kuya Ruke," bati ko sa kinakasama ni Ate Lezi na kasalukuyang karga iyong anak nila na mahimbing ang tulog sa mga braso at balikat nito.

Pinilit ko ang sariling hindi mapabaling sa lalaking katabi nito na ramdam ko ang tingin sa akin.

"Hi rin, Ceine." Bumama ang mga mata ni Kuya Ruke sa bitbit ko. "Wow brownies, gawa mo ba 'yan?"

Umiling ako. "Hindi po, gawa ni Lira 'to."

"Talaga?" Nakangiting untag ni Ate Lezi. Binalingan niya ang kapatid at pinisil ang pisngi.

"Ang galing naman ng baby girl ko." Inilapag ko sa  glass table ang platito.

"Patikim nga ako." Umupo muna si Ate Lezi sa sofa bago kumuha ng brownies para tikman. Ganoon din ang ginawa ni Kuya Ruke.

Pinuri nila si Lira nang mapag-alamang masarap. Namula naman ang pisngi ng huli. Di kalaunan, dumating na rin si mommy bibit ang babasaging pitsel na may lamang tubig.

Napasunod ang tingin ko kay Leroigh nang mapansing dumiritso siya sa taas patungong kuwarto niya. Tila pinaparamdam sa amin kung gaano niya kaayaw ang presence namin ni Mommy.

Hinayaan na lang namin siya dahil hindi naman na bago sa amin ang gano'ng trato niya sa amin.

Nakipagkwentuhan lang si mommy kina ate at kuya tungkol sa panganganak ni ate; kung kamusta ang pagsasama nila, at kung anu-ano pa.

"Kayo po ba? Hindi niyo pa rin ba nakukuha ang loob ni Leroigh?" untag ni Ate Lezi nang siya naman ang nakahanap ng pagkakataong magtanong.

Nagkatinginan kami ni Mommy. Bumuntong-hininga si Ate Lezi, mukhang alam na yung sagot.

"Intindihin na lang po muna natin siya."

Iniba niya na lang iyong usapan. Hindi nagtagal ay nag-aya na si Ate Lezi kay Kuya Ruke na magpahinga.

Kinuha ni Ate ang baby nila na kasalukuyang tulog pa rin mula kay kuya. Inaalala siguro na baka nangangalay na si Kuya Ruke.

Si Mommy naman ay kinuha ang platito at pitsel sa mesa saka nagtungo sa kusina. Kinalabit ako ni Lira. Nilingon ko siya kaya napansin ko ang namumungay niyang mga mata.

Humikab siya.

"Ate, papahinga po muna ako. Napagod ako sa dami ng ginawa ko, eh. Gisingin mo na lang ako mamaya para sa dinner, ah?"

Maliit ko siyang nginitian at tinanguan. Naiwan ako sa living room.

Pinili kong mag scroll down sa social media ko para pampalipas ng oras. Tapos naman na ang mga gawain kaya wala na akong ibang aalalahanin.

Nakipagkamustahan na rin ako sa mga kakilala ko at sa iba na naging kaklase ko noong kulehiyo. Tapos na pala ako sa pag-aaral. Grumaduate ako sa kursong Culinary.

May naisip na akong negosyo na magagamit yung mga natutunan o napag-aralan ko pero hindi ko pa masimulan.

Hinihintay ko pa kasing umuwi ang kaibigan ko na nasa Tagaytay for vacation. Napag-usapan kasi namin na magiging magkasusyo kami kaya kailangan na dalawa kaming magpaplano.

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now