Chapter 3

1.9K 17 0
                                    

ELENA CEINE.

Matapos kumain ay nagmadali ako patungo sa kuwart ko para maiwasan ang kumag na 'yon.

Puno ng inis ang kalooban ko dahil sa ginawa niya. Pero nadismaya ako sa sarili dahil ramdam ko ang pagkabasa ng panty ko. Hindi ko man aminin ay nagustuhan 'yon ng katawan ko.

Sh*t! Parang gusto ko na lang kastiguhin ang sarili. Hindi ko dapat 'yon magustuhan kasi mali 'yon! Kinakapatid ko siya!

Napahilamos na lang ako ng mukha at napaupo sa sarili kong kama. Hindi ko alam kung kukunin ko pa ba ang loob no'n o iiwasan ko na lang.

Siguro mas better na iwasan ko na lang siya bago pa mas malala roon ang gawin niya sa akin, paniguradong magkakagulo.

Pero nagdadalawang isip ako. Siguro ginawa niya lang 'yon para mapaalis kami rito ni mommy. Siguro kapag nakuha ko ang loob niya ay hindi niya na ulit gagawin 'yon sa akin. Kasi nga tatanggapin niya na ako bilang ate niya.

Argh! Ano ba? Bakit ba ang hirap magdisisyon? Isumbong ko na lang kaya ang kumag na 'yon kay mom para umalis na lang kami rito?

Pero ayoko namang tanggalan ng kaligayahan ang sarili kong ina. Ayokong maghiwalay sila ni papa dahil lang sa anak nito at ayaw ko ring mag-alala siya sa akin. Hindi naman ako selfish.

Ang langitngit ng pinto ang pumutol sa malalim kong pag-iisip. Napaangat ako ng mukha dahil sa pagbukas ng pinto para lang makita ang lalaking gumugulo sa isip ko kanina pa.

Nakasandal ito sa hamba ng pintuan habang kumakain ng cupcake. Matiim siyang nakatitig sa akin.

"Ang sarap naman ng cupcake mo."

Lihim akong napalunok. Bakit parang iba ang naging dating no'n sa akin?

"A-Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" hindi ko napigilan ang pagkautal na batid kong napansin niya.

Baka mamaya mangahas na naman siyang manghawak! Nagawa niya nga 'yon kahit may ibang tao, eh! Dito pa kaya na dalawa lang kami!

He chuckled. "Relax, baby. Gusto ko lang ipaalam sayo na masarap ang cupcake mo."

Namilog ang mga mata ko sa itinawag niya sa akin.

"B-Baby?! Ate mo ako!"

Muli siyang natawa dahil sa naging reaksyon ko. Naglakad siya palapit sa akin na lihim ko na namang ikinalunok.

Ano ba 'to! Ako naman iyong mas matanda pero ako iyong mas naiintimidate sa batang 'to.

Yumuko siya upang pantayin ang mga mukha namin. Tumawa siya ng sarkastiko.

"Hindi kita kapatid. Si Ate Lezi lang iyong ate ko," mariin at malamig niyang sabi na naging dahilan para kumirot ang dibdib ko.

Ang sakit lang isipin na hindi niya ako magawang tanggapin. I see him as my little brother pero hindi niya ako makita bilang ate niya.

Nakalulungkot.

"Ang ganda mo pala sa malapitan, no?"

Pinagmamasdan niya ako na tila menememorya niya ang imahe ko.
Napansin ko ang pagbaba ng mga mata niya sa labi ko.

"Leroigh..." Para akong kinapusan ng hininga. Ang lapit ba naman kasi ng mukha niya at kakaiba pa ang uri ng tingin niya sa akin.

Umangat ang kamay niya para alisin ang buhok kong nakatabon sa leeg ko. "Dang, baby! You have a sexy neck!"

Umuklo siya saka ako sininghot sa parte kong iyon. Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Ano ba, Leroigh! Nahihibang ka na ba? Sa ayaw mo o hindi, ate mo pa rin ako. Pwede bang respetuhin mo na lang ako?!"

Sumama ang tingin niya sa akin. "Respeto? Kayo ng ina mo ang walang respeto! Nakikisampid kayo sa pamilya namin! Kaya wala kang karapatan humingi ng respeto sa akin!" galaiti niya.

Tinulak niya ako dahilan para mapahiga ako sa kama. Mabilis siyang kumubabaw sa akin. Parehong nakaapak ang mga paa namin sa sahig, nakakulong sa mga binti niya ang magkadikit kong mga binti at sinadya niyang idikit ang namumukol niya sa akin. Nag-init ako sa ginawa niya.

Nanlamig ako nang ipahid niya ang icing ng cupcake sa leeg ko. Matapos ay dinalaan niya 'yon doon. Napapikit ako. Pakiramdam ko'y nanghina ako sa sensasyon.

"Leroigh..." imbis na pagtutol ang lumabas sa bibig ko ay naging ungol 'yon sa pandinig.

Tila sinaid niya lahat ng icing sa parte kong iyon. Pagkatapos ay pinasok niya ang natitira niyang cupcake sa bunganga ko saka ang labi ko naman ang pinagdiskitahan ng makasalanan niyang bibig.

Banayad niya akong hinalikan. Pumasok ang mainit niyang palad sa damit ko at nanatili doon sa puson ko para humimas. Mas lalo tuloy akong nag-init.

Pinasok niya ang dila niya para kunin ang katiting na cupcake roon. Nginuya at linunok niya muna iyon bago tumayo para umalis sa ibabaw ko.

"Mas masarap pala ang cupcake kapag galing sa bibig mo," nanunuya niyang sabi.

Bumangon ako paupo sa kama saka sinamaan siya ng tingin dahil sa kalapastanganan niya.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon!"

Tumaas ang kilay niya sa 'kin. "Why not?"

"Bakit mo ginawa 'yon!? Nanghimas at nanghawak ka kanina ng walang pahintulot ko tapos ngayon manghahalik ka? Paraan mo ba 'to para mapaalis ako rito? Alam ko namang ayaw mo sa akin, pero wala kang karapatan gawin 'yon!"

Ngumisi siya ng nakakakilabot. Mukha siyang anghel, iyong tipong anghel na pinatapon sa impyerno dahil sa kasamaan!

"Hindi lang 'yon ang gagawin ko sa 'yo kaya humanda ka. Gagawin din kitang isa sa mga babae ko bilang parusa sa panggugulo niyo sa pamilya namin ng magaling mong ina."

Bumakas ang lungkot sa mukha ko. Mukhang hindi ko makukuha ang loob niya. Mukhang hindi niya talaga kami matatanggap.

Kung pwede lang umalis dito para lang makalayo sa kaniya ay ginawa ko na. Pero iniisip ko si mom. Ayokong iwan siya rito. I don't want to make her up-set.

"Ayoko rin naman dito. Kung ako lang ang papipiliin ay mas pipiliin kong huwag makisampid sa pamilya niyo. Alam ko ang nararamdam mo. Nasasaktan ka dahil humanap ng iba iyong mga magulang mo. Pero nasasaktan din naman ako..."

"...Mahirap din 'to para sa akin. Pinalitan si daddy ni mommy. Pero hindi naman ako makasarili para pigilan ang aking ina sa kaligayahan niya. Hindi ko naman kasalanan na gusto niya lang maging masaya ulit. Lalong hindi ko kasalanan na nagmahalan ang sina mom at Papa Levi."

"So, sinasabi mo na tanggapin ko rin sila katulad ng matanggap mo?! l will never  accept them, Elena. Kahit pa maging kontrabida ako sa pagmamahalan nila para lang masira sila ay gagawin ko."

"Alam kong sa pamamagitan mo ay maghihiwalay din sila at kapag nangyari 'yon, gagawin ko ang lahat para magkabalikan ang Mama at Papa ko. Magpapakasal sila ulit at kakalimutan naming naging parte kayo ng mommy mo sa buhay namin!" Hindi ko na napagilan ang mapaluha.

Ang sakit niyang magsalita.

Nanginig ang labi ko. Hindi na ako nakakibo dahil wala na rin naman akong mahanap na salita.

Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya nang makita akong umiiyak. Napasabunot siya ng buhok at lumabas sa kwarto ko saka pabarag na sinara ang pinto.

©SOFTYRI

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now