Chapter 22 🔞

2K 12 0
                                    

Ilang sandali muna bago ko nahanap ang sariling boses. "Hindi!"

Nanlalamig ang sikmura ko sa isipang nais niya ang kaibigan ko. Ayokong tanggapin ang ideyang iyon. Ano mang oras ay parang gusto nang kumawala ng luha ko ngunit ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para pigilan iyon. Hindi niya puwedeng makita at malaman ang totoong nararamdaman ko.

"Hindi ka puwede sa kaibigan ko!" Marahas ko siyang tinulak. "Hindi kayo puwede, naiintindihan mo? Hindi kita gusto para sa kaniya! Alam ko ang likaw ng bituka mo! Pinoprotektahan ko lang siya mula sa 'yo! Maging babaero ka na kung gusto mo, pero huwag mong idamay ang kaibigan ko rito!"

Pinilig niya ang ulo at tinitigan ako na parang librong binabasa niya. Naningkit pa ang mga mata niya sa akin. "Are you jealous, Elena?" muli niyang tanong.

Hindi ako kumibo at umiwas ng tingin. Ang hirap naman kasing sagutin ang tanong na iyon. Kung tutuusin, madali lang magkaila pero hindi ko magawa. Mariin na kinagat ko ang labi. Walang patid sa pagririgudon ang puso ko sa halo-halong emosyon. Inihakbang ko ang paa para sana umalis pero hindi niya ako pinayagan.

Mabilis siyang lumapit at kinabig ako para isandal sa pader. Halos malagutan ako ng hininga nang umuklo siya para pagpantayin ang mga mukha namin. Ikinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya. Para bang hindi siya papayag na makawala ako hangga't hindi ko sinasagot ang tanong niya.

"Just tell me you're jealous, Elena. I promise I will not bother your friend." mahina niyang sabi habang malamlam ang matang tinitigan ako. Para siyang nakikiusap. Pinangatugan na lang ako ng mga tuhod. Isang kalabit ay tila papanawan na ako ng lakas.

Kinagat ko ang ibabang labi at napababa ng tingin dahil hindi ko kayang tapatan ang asul niyang mata. Nang wala siyang nakuhang sagot sa akin ay mabilis niyang iniarko ang leeg at sinunggaban ang aking labi. Namilog ang aking mata sa kaniyang ginawa.

Napahawak ako sa dulo ng damit niya nang inanggulo niya ang kaniyang mukha para mas mahalikan ako. Kung hindi lang ako nakasandal sa pader; malamang natumba na ako sa labis na panghihina.

"Leroigh–" pigil ko sana pero naging daan lang niya ang pagbuka ng bibig ko para malusot ang dila. Napahalinghing ako nang gumalugad ang dila niya sa loob. Hinuli niya ang aking dila at mariing kinagat na para bang parusa ko iyon dahil hindi ko sinagot ng tanong niya.

"Please..." anas niya sa gitna ng paghalik sa akin. "Tell me you're jealous, baby," pilit niya pa. Mariin niyang hinawakan ang bewang ko at dinikit ako sa katawan niya.

Tila may kung anong mga bolatehang eliktrisidad ang pumuno sa bawat himaymay ng katawan ko. Pinaghalong kiliti at init ang epekto no'n sa akin. Dala ng labis na kaba ay dinala ko ang palad sa dibdib niya para itulak siya ulit. Ngunit pumalya lamang ako dahil para siyang nakakandadong pinto na hindi matibag sa pwesto.

"Mali 'to!" usal ko nang maghiwalay ang labi namin para sa paghahabol niya ng hininga. Nadismaya ako dahil hindi niya pinakinggan ang pagtutol ko, bagkus ay hinuli niyang muli ang aking labi. Uhaw na uhaw niya akong hinalikan na parang walang kakuntentuhan.

Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. Mabilis kong pinaikot ang mga braso sa leeg niya sa takot na mahulog. Inilingkis niya ang mga binti ko sa bewang niya at hinawakan niya ang pisngi ng pwetan ko para sa suporta. Nanatili siyang nakahalik sa akin at walang pakialam kung hindi man ako tumutugon. Humakbang siya palabas ng banyo at dinala ako sa guest room na katabi lang ng nasabing palikuran.

Parang babasaging bagay niya akong inalapag sa kama. "Mali 'to, Leroigh! Shit! Baka hinahanap na ako ni Cassandra!"

Nang pumasok sa isip ko ang kaibigan ay sinubukan kong bumaba sa kama. Tumili ako nang mabilis niya akong hinatak at pinahiga. Kinubabawan niya ako.

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now