Elena.
"Mamaaaa!" impit na tili ng batang babae ang bumungad sa akin nang dumating ako.
Alas singko na ng hapon ngayon. Sobrang damang-dama ko ang labis na kapaguran sa buong katawan ko dahil puno ng customers sa Café namin ngayong araw. Isang matamis na ngiti ang iginawad ko kay Leigh.
Pagod man, ayokong ipakita iyon sa kaniya. Lumuhod ako. Magaan na hinigkan ko siya sa noo at binigyan nang mahigpit na yakap.
"Nasaan si Elliot?" tukoy ko sa kambal niya.
Nang pakawalan ko siya ay tinuro niya ang maliit na hintuturo sa isang direksiyon. Sinundan ko iyon ng tingin. Doon ko napansin ang tatlong taong batang lalaking anak na nakahiga sa sofa. May nagkakalat na laruan sa babang bahagi nito.
Pihadong nakatulugan nito ang paglalaro. Nilapitan ko iyon para isa-isang pulutin saka sinalansan pabalik sa lagayan na box.
"Nandito ka na pala." Lumabas si Keira sa pinto ng isang kwarto na malapit sa hagdan patungo sa pangalawang palapag. Pajama at puting malaking shirt ang suot nito. Ang buhok na maitim ay magulo mula sa pagkakatali.
She's Keira Umishka Montenegro. Kasama namin ito sa lodging house na pag-aari nila Cassandra rito sa probinsiya. Pareho kaming rumerenta rito.
Ayaw nga akong pagbayarin ni Cassandra ng rent dahil hindi naman na raw ako iba sa kanila. Tumanggi naman ako. I insist na magbigay pa rin ng payment dahil may prinsipyo pa rin naman ako kahit paano.
Malaking tulong na ang naibigay nila sa akin noon pa man, ayaw kong samantalahin ang kabaitan nila Tita. Isa pa, isa itong private property na negosyo nila, nakahihiya naman kung libre pa ang pagtira namin dito ng mga anak ko.
Iyong plano namin ni Cassandra na Cafe, naipundar namin kahit paano. Sa tulong niyon ay may napagkukunan ako para sa mga pangangailangn namin. Kilala sa buong baryo ang ElCassa Cafe.
Tuwing alas kwatro ng umaga kami nagbubukas at alas otso naman nagsasara. 'Yong mga anak ko, naiiwan kay Keira dahil work from home naman siya. Bawal pa kasi maiwan 'yong isang taong gulang na baby niya.
"Nasaan si Cassandra?" tanong ko sa babae.
"Nasa kwarto niya. Kanina pa nga hindi lumalabas. Ewan ko kung anong problema't nagkukulong siya sa kwarto. Hindi pa nga 'ata kumain iyon bukod sa cheesecake na binigay mo kaninang umaga."
I sighed. "Pihadong nagtalo na naman sila ni Tita. Ganiyan 'yan kapag masama ang loob. Hayaan mo, dadalhan ko na lang siya ng pagkain. May niluto na ba?"
"May natira pang ulam doon sa refrigerator na order ko kanina."aniya. Umupo siya sa isang stool. Doon ko napansin na may bitbit pala siyang laptop. Nilapag niya iyon sa counter table at binuksan.
Naramdaman kong may humila sa dulo ng damit ko. Nang ibaba ko ang tingin kay Leigh, itinaas niya ang dalawang kamay niya para magpabuhat. Yumuko naman ako at binuhat siya.
"Sleepy na..." she muttered.
Sumubsob ang maliit niyang mukha sa leeg ko. Inugoy-ugoy ko siya hanggang sa tuluyan siyang makatulog. Malamang kanina pa ang batang 'to laro nang laro kaya bagsak agad.
"Kumain na ba 'yong mga bata?" tanong ko kay Umishka na ngayon ay abala na sa harap ng kaniyang laptop. Tumutunog ang mabilis na bawat tipa niya sa keyboard.
Tumango siya. "Yup, napakain ko na 'yang mga anak mo ng cereals. 'Yong isang box pala na cupcakes na naroon sa fridge, inubos nila."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?
Order 'yon ng customer ko! Bukas na 'yong pagpadeliver ko no'n."Ngumiwi siya saka napakamot sa ulo nang mapansin ang taranta ko. "Pasensya na, naubos na kasi nila bago ko pa man mapigilan. Bili ka na lang kaya ng cupcake sa iba? Tapos ilagay mo na lang sa box niyo para 'di halatang hindi iyon sa ElCassa."
Sumimangot ako sa sinuhestiyon niya. "Ano? Mang-aangkin ako ng product na hindi ko naman pag-aari? 'Wag na lang. Isa pa, walang kapareho ng taste 'yong mga gawa kong cupcakes. Suki ko 'yong anak ni Mayora na siyang um-order sa akin. Baka hindi na siya bumalik sa amin kung sakaling gawin ko
'yang suggestion mo.""Paano ngayon niyan? Bukas na 'yong pagdeliver mo niyon, hindi ba? Huwag mo sabihing gagawin mo na lang ngayong gabi 'yong mga cupcakes?"
Bumuga ako ng hininga. "Wala akong choice. Pagpupuyatan ko na lang iyon. Ayokong biguin si Hacinth. Birthday ng kapatid niya bukas."
"Gusto mo bang tulungan kita?"
Umiling ako agad. "Huwag na. Ayokong abalahin pa kita. Mas isipin mo na lang 'yong trabaho mo riyan."
Iniwan ko na siya para dalhin ang buhat na anak sa kwarto. Inihiga ko si Leigh sa kama. Binuksan ko ang electric fan saka itinutok ko sa bata ang buga ng hangin.
Kumuha ako ng wet wipes at saka inabala itong punasan sa mga paa. Matapos ay kumuha rin ako ng bagong damit nito para bihisan ito. Bumalik ako sa living area pagkatapos upang buhatin ang natutulog na bata sa sofa.
Dinala ko si Elliot sa kwarto nila. Ipinagtabi ko ang magkambal sa higaan. Katulad ng paglilinis at pagbibihis ko kay Leigh, ginawa ko rin iyon kay Elliot. Hinalikan ko sila sa kanilang mga noo nang matapos ko silang kumutan.
Naabutan kong lumabas si Cassy sa kwarto niya nang lumabas ako. Namuo ang pag-aalala sa akin nang mapansin kong namamaga ang mga mata niya. "Cassandra, anong problema?"
Umiwas siya ng tingin at napansin kong naiiyak na naman siya. Nang maglakad siya ay sumunod ako sa kaniya. Nagtungo siya sa fridge para kumuha ng soju. Binuksan niya iyon gamit ang opener saka tinungga. Napasulyap sa kaniya si Umishka. Umupo siya sa stool at problemadong bumuga ng hangin.
"Cassandra?" tawag ko sa pansin niya.
"Hiwalay na kami ni Nero," ang boses niya ay namamalat nang sabihin niya iyon.
Nangunot ang noo ko. Three years ago, plano na nilang magpakasal ng boyfriend niya. Nagtaka nga ako kung bakit hindi natuloy iyon. Tapos ngayon mababalitaan ko na lang na wala na sila?
"Bakit?" naibulalas ko.
"I-I'm pregnant. Hindi siya ang ama ng batang dinadala ko." Para akong pinasabugan ng bomba sa mukha dahil sa nalaman. Mabilis kong inagaw sa kaniya ang soju na hawak niya.
"Huwag kang mag-inum, Cassy. Makakasama sa bata." Akmang kukunin niya muli ang bote nang mabilis kong inilayo iyon. Mariin ko siyang tiningnan. Bumuga siya ng hininga. Dinala niya ang mga palad sa mukha at humagulhol.
"H-Hiwalay na kami ni Nero..." garalgal niya. "Ang dami naming plano pero nauwi lang sa wala. Galit na galit siya sa akin. Tinapon niya pa 'yong engagement ring. Hindi niya raw ako patatawarin. Hindi ko naman siya niloko, eh.
Hindi ko alam na kambal niya pala 'yon."Suminghot siya at mas lalong napahaguhol. "Hindi niya naman kasi sinabi na may kapatid siya. Nagkamali lang ako. Isang beses lang naman 'yon. Bakit ang dali sa kaniyang bitiwan ang lahat? Bakit parang basura lang 'yong mga pinagsamahan namin? Minahal niya ba talaga ako?"
Napahagod na lang ako sa likod niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya wala akong ibang ginawa kundi hayaan siyang umiyak nang umiyak. Kumuha ako ng pagkain saka inilapag iyon sa harap niya.
Maya-maya ay humupa na rin ang pag-iyak niya pero naroon pa rin ang paminsang singhot niya."Kain ka muna, Cassandra. Hindi ka rin dapat magpagutom. Isipin mo muna ang batang dinadala mo." Tumango siya at pinunasan ang natuyong luha. Malungkot ko siyang pinagmasdan nang makita na wala siyang gana.
"Alam kong hindi madali sa 'yo ang lahat, Cassandra. Pero tulad ng sinabi mo noon, nandito lang din ako para sa 'yo." Humikbi siya pagkasubo niya ng pagkain.
Ang kamay na hawak ang kutsara ay bahagyang nangatal. Nang ilapag niya iyon pabalik sa plato, niyakap niya ako na agad kong ginantihan. Sumama sa amin si Keira mula sa yakapan para makidamay din.