Chapter 9

912 13 0
                                    

ELENA CEINE.

Lihim kong pinakalma ang sarili. Pilit kong pinahinahon ang aking paghinga kahit na tila nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba.

"Anong sinasabi mo? Lumayo ka nga." Mahina ko siyang tinulak.

Nang tagumpay akong makawala mula sa pagkakakulong sa mga braso niya ay nilagay ko sa sink ang ginamit kong baso. Hindi ko siya inabalang tinitingnan.

Mailap ang mga mata ko. Hindi kayang salubungin ang asul niyang mga mata na may kaakibat na kakaibang kislap.

Totoo naman kasing tinugon ko ang halik niya kagabi. Ayaw ko lang umamin.

"Nagmamaang-maangan ka pa? Sa tingin mo ba oobra sa akin 'yan? Hmn?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Lasing ka kagabi! Baka naman iba ang kahalikan mo, akala mo lang na ako," patuloy pa rin ako sa pagkaila. Alam ko namang hinuhuli niya lang ako, eh.

Wala naman siyang mapapala kapag malaman niyang tinugon ko ang halik niya.

Para saan pa, para ipahiya ako?

Sarkastiko siyang ngumisi. "Lasing man ako kagabi, nakakaalala pa rin ako kinabukasan, Elena."

"Ate mo 'ko, dapat Ate Elena ang tawag mo sa akin!"

Napairap siya sa pamumuna ko. "Did you like my kiss, Elena?"

Nahigit ko ang hininga.

"W-Wala! H-Hindi!"

Tinalikuran ko siya at nagmadali ako para makaiwas sa kaniya. Narinig ko pang napahalakhak siya sa pagkataranta ko.

"Oh, anyare sa 'yo, Ceine? Ba't parang namumutla ka?" tanong ni Ate Lezi nang makasalubong ko siya sa hagdan.

"Wala po ate. Ahm... Saan ka po p-pupunta?"

Naningkit ang mga mata niya sa akin. Tila binabasa ako pamamagitan noon. Pinaunlakan niya pa rin naman ang tanong ko kalaunan.

"Galing ako sa taas para puntahan si Leroigh. Wala siya roon sa kuwarto niya. Kakausapin ko lang sana. Nasa baba ba siya?"

Napalunok ako. Parang mas lalo akong kinabahan.

Baka mamaya sabihin ni Leroigh sa ate niya iyong tungkol sa ginawang halikan namin kagabi. Kasi nga 'di ba, ayaw ni Leroigh sa amin ni mommy. Baka iyon ang alas niya para mapaalis kaming mag-ina sa pamamahay na 'to.

"Ah... W-Wala po. Baka umalis."

Bumuntong-hininga si Ate Lezi. "Baka  maglalasing na naman ang batang 'yon. Simula noong malaman namin na may iba pala si mama, nagkaganoon na siya. Hindi na 'yan namin mapatino ni papa."

Hindi ako nakakibo. Siguro 'yon ang paraan ni Leroigh para ibuhos lahat ng frustration at sakit na nararamdaman niya dahil sa ginawa sa kanila ng mama nila. Ang maglasing.

Idagdag pa sa frustration niya na nakisampid kami ni mommy sa pamilya nila. Siguro umaasa pa rin siya na mabubuo sila ulit at no'ng pumasok kami ni mommy sa pamilya nila, nasira ang katiting na pag-asang 'yon kaya siya nagagalit sa amin.

Kaya niya planong sirain si Mommy at Papa Leviroi— para mabuo ulit ang pamilyang kinagisnan niya na minsan ng nasira.

"Can you do me a favor, Ceine?"

"Sure po, ano 'yon?"

"Pwede bang bantayan mo ang kapatid kong 'yon? Hindi na kasi ako gaanong nakapagfo-focus sa kaniya kasi may baby na akong  alalahanin."

"Hindi rin kami magtatagal dito ni Ruke kasi may shop pa kaming naiwan. Kung ano mang pakikitungo sa 'yo ni Leroigh, puwede bang tiisin mo lang muna?"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nagmamakaawa ang mga matang nakatingin sa akin.

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now