ELENA CEINE.
Isang matamis na halik muna ang binigay niya bago gumulong patabi sa akin mula sa ibabaw ko. Naging pagkakataon ko naman iyon para magmadaling umalis sa kama. Ngumiwi ako sa labis na sakit na nasa pagitan ng mga hita ko. Pilit ko na lamang iyon ininda. Pinulot ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig.
"Where do you think you're going, Elena?" tanong ni Leroigh. Nilingon ko siya habang mabilisang nagsusuot ng damit. Bumangon siya sa pagkakahiga at pinanood ang bawat kilos ko na puno ng pagmamadali.
"Lalabas ako. Ayokong makita tayo ng kung sino na magkasama sa kwartong ito. 'Yong nangyari sa atin ay sana'y manatili na lang dito."
Tumaas ang kilay niya. "Because?"
I sighed. "Leroigh, pinahahalagahan ko pa rin ang pamilyang ito sa kabila ng nangyari sa atin. Sana naman hindi mo na ituloy ang plano mong sirain ang relasyon nila mom at papa kapalit ng pagbibigay ko ng sarili ko sa 'yo."
Nagtagpo ang mga kilay niya, hindi nagustuhan ang sinabi ko. "So you're saying that you gave yourself to me in exchange for stopping my plan? You didn't give yourself to me willingly, huh?" siya sa matigas na boses.
Napalunok ako at hindi nakakibo. Hindi naman kasi ganoon ang aking pinupunto, e. I give myself to him because I want it and I love him. Ang akin lang ay ayokong maging selfish kay mommy. Kaligayahan pa rin ng aking ina ang uunahin ko bago ang lahat. Isang pagkakamali na hinayaan ko ang sariling gumawa ng padalos-dalos na desisyon.
Kahit alam kong huli na, gusto ko pa ring ituwid ang lahat. Mapipilit pa rin namang itama ito kung panatitilihin lang niyang lihim ang nangyari sa aming dalawa. Sa oras na ibulgar niya iyon, masisira kami.
Masisira ang reputation namin. Lahat ng taong kasapi namin ay maaaring madamay, at iyon ang ayaw kong mangyari. Hindi ko nais na maging tatak sa mga tao na marurumi kami. Natatakot ako na matingnan ng may pandidiri at panhuhusga sa mata ng mga tao. Matinding yurak iyon sa buong pagkatao ko. Hindi ko kayang dalhin ang kahihiyan.
Pagak na natawa si Leroigh. "Good news, itutuloy ko pa rin ang plano ko. Hindi kita pagbibigyan sa gusto mo. Sisiguraduhin kong masisira sila dahil iyon naman talaga ang plano. Hindi ba't nilinaw ko na 'yon sa 'yo?"
Napakuyom ako ng kamao. Pinigil ko ang sariling maiyak sa harap niya. Pinilit ko ang sariling magtapang-tapangan. "Hindi mo ba iniisip ang maaaring maramdaman ng ama mo sa oras na gawin mo 'yan? Hindi ba pwedeng isipin mo muna ang kaligayahan ng ng papa mo bago ang gusto mo? Sinakripisyo ko na ang sarili ko, kulang pa ba? Ano pa bang gusto mo para hayaan sila?"
Pumuno sa buong kwarto ang tawa niyang sarkastiko. "Bakit? Inisip ba niya ang nararamdaman ko no'ng pinagpalit niya si mama? Inisip ba nila ako para isipin ang kaligayahan nila? Bakit naman ako magiging selfless sa mga taong naging selfish sa akin? I will not go easy on them."
"Hindi ko sila hahayaan. Sumisira rin ako ng mga taong naninira. And let me rephrase it: you did not sacrifice yourself; you willingly gave yourself to me because you wanted me. You get it?"
Pinulot ko sa sahig ang panty ko na nakalimutan kong suotin at tinapon sa pagmumukha niya. "I hate you!" hiyaw ko. Nagmartsa ako patungo sa pinto at narinig ko siyang nagsalita.
"Thank you for this, baby!" Namula ang buong mukha ko nang maalala kong panty ko pala ang binato ko sa mukha niya. Hindi ko na iyon binalikan sa kahihiyan at isa pa ay naiiyak na rin ako.
Nang lumabas ako sa kwartong iyon ay hindi ko na maiwasang maiyak nang tuluyan. Mariin kong tinakpan ang bibig ko nang kumawala ang impit na hikbi sa aking bibig.
Hinang-hina akong naglakad para magtungo sa kwarto ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakaakyat sa unang baitang ng hagdan ay napatigil ako nang may mahigpit na yumakap sa akin. Mas lalo akong naluha at wala sa sariling naisubsob ko ang mukha sa leeg ng kaibigan.
"Cassandra..."
"Nasaan ang kwarto mo? Pumunta muna tayo roon bago ka pa maabutan ni Tita Hanna na ganito."
Mabilis akong tumango at nang makarating kami sa loob ng silid ko ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak na parang bata. Pinanood lang ako ni Cassandra hanggang sa humupa ang atungal ko.
Kumuha ako ng tissue sa ibabaw ng mesa para singahan. Agad lumabas ang namuo kong sipon na galing sa pag-iyak ko nang suminga ako sa naturang tissue. Suminghot ako saka pinusan ang aking ilong, gayundin ang pisngi na basang-basa ng luha.
"Pasensya ka na," tumawa ako para pagaanin ang atmosphere. Pero kahit gusto kong palubagin ang lahat, ang bigat talaga sa dibdib. "Di ko na kasi kayang dibdibin ang lahat. Ang hina-hina ko kasi. Nakita mo pa tuloy akong ganoon."
"Elena, sa tingin ko may kailangan kang ikwento sa akin."
Her eyes narrowed on me. Hindi ko naman siya matingnan ng diretso dahil parang alam ko nang may alam na siya. Nang wala siyang natanggap na kibo sa akin ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Pinuntahan kita kanina sa banyo para sana tawagin ka kasi hindi ka pa bumabalik. Tapos..." narinig ko ang himig na pag-aalangan sa boses niya. Nagdadalawang-isip, "–narinig ko kayo ng stepbrother mo na may ginagawang kababalaghan sa isang kwarto." Doon na ako tuluyan napabaling sa kaniya. Inaasahan ko na iyon, pero hindi pa rin maiwasan ng dibdib ko na kabahan.
"Cass–"
"Huwag kang mag-alala, hindi kayo mabubuking. Safe ang sekreto niyo sa akin. Ang gusto ko lang malaman, kailan pa may nangyayari sa inyong bruha ka? Bakit wala kang naiku-kwento sa akin?" Pinandilatan niya ako ng mata. Kinagat ko ang ibabang labi at pinaglaruan ang daliri.
"N-Natatakot kasi akong baka mag-iba ang tingin mo sa akin. Pasensya kung naglilihim ako sa 'yo." Nagbaba ako ng tingin.
"Iniisip mo bang baka huhusgahan kita? Kaibigan ba talaga ang tingin mo sa akin, Elena? Bakit parang wala kang tiwala sa akin at sa bond ng friendship natin?" narinig ko ang hinanakit sa boses niya kaya hindi ko maiwasang mas lalong ma-guilty.
"Sorry na..." Lumabi ako sabay hawak sa braso niya.
Gumulong naman ang mata niya sa ere. "Tapos ngayon dadaanin mo ako sa pagpapacute mo na 'yan. Palibhasa alam mong hindi kita matitiis. Bruha ka talaga!" Natawa na lang ako at mas lalong nagpacute sa kaniya. Parang tuta ko siyang tiningnan.
"Kung 'yan ang paraan mo para makaiwas sa tanong ko, hindi mo ako malilinlang. Kukulitin kita nang kukulitin hanggang sa magkuwento ka sa akin."
Bumuga ako ng hininga bilang pagsuko. "Ngayon lang may nangyari sa amin. Ang totoo niyan ay aminado na akong ginagamit niya lang ako para sa plano niyang sirain ang relasyon ng mga magulang namin at mapaalis kami rito. Ang buong akala ko ay mababago ko pa ang isip niya, pero parang firm na talaga ang desisyon niya."
"Alam mo naman pa lang may planong hindi maganda 'yang hilaw na kapatid mo, bakit mo sinuko 'yong saliri mo?"
Umiwas ako ng tingin. Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko.
"Don't tell me, mahal mo na siya?" Ilang segundong katahimikan ang namayani sa amin. Hindi ako iyon kinaila, hindi ko rin kinompirma.
Humugot siya ng malalim na hininga. "Kahit hindi mo na sabihin, halata naman na. Ipapayo ko lang sa 'yo na sana mas pahalagahan mo ang sarili mo. Walang naidudulot na maganda kung puso ang mas pinapairal."