ELENA CEINE.
Bumalik ako sa kwarto matapos ang pag-uusap namin ni ate. Naabutan kong tulog pa rin si Leroigh sa kama ko. Patagilid ang pagkakahiga niya. Lumapit ako sa kinagagawian niya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil namalayan ko na lang ang sarili na humiga sa kama. Tumabi ako sa kinakapatid. Paharap sa kaniya ang pagkakapuwesto ko. Kapareho sa kaniya na sideways din.
Pinagkasya ko ang sariling pagmasdan ang natutulog niyang anyo. Kahit sa pagtulog niya, hindi talaga makakaila na may taglay siyang itsura na nakahuhumaling.
Mula sa kaniyang kilay na makakapal, pilik-mata niyang maalon, matangos na ilong, hulmang bow-shaped na labi, at tila dulo ng triyangulo na prominenteng panga.
Parang isang kasalanan ang pagmasdan siya nang matagal at kailangang pagbayaran ng malaki. He looks so devilishly beautiful and extremely expensive. His face screams further perfection.
Hindi ko na napigilan iangat ang hintuturo ko't ipaglandas iyon sa matangos niyang ilong. 'Di ko naiwasang mapangiti nang bahagyang kumunot ng kaunti ang noo niya. Para siyang batang suplado sa kabila ng maamong mukha.
He is really handsome. Parang ang sarap niyang angkinin, itago, at ipagdamot sa iba.
Nawala ang ngiti ko nang matanto ang naisip at naging kilos. Mabilis kong nilayo ang kamay sa mukha niya bago ko pa maisip na haplosin ang kaniyang pisngi. Kinutusan ko ang sarili.
"Ano ka ba naman, Elena! Kinakapatid mo ang lalaking 'yan! Hindi kayo puwede! Ano bang iniisip mo?!" kastigo ko sarili sa utak ko.
Umiling-umiling ako at tumihaya ng higa. May munting kurot akong naramdaman. Napatulala na lamang ako sa kisame. Sunod-sunod na naglaro ang mga katunangan sa aking isipan.
Anong nangyayari sa akin? Bakit ganoon ko na lang siya kung puriin at tingnan? Bakit ganito ang reaksyon ng puso ko sa isipang hindi kami maaari? Bakit sa dinami-rami ng lalaki, bakit ang stepbrother ko pa?
Bigla akong nanghina at napahawak sa dibdib ko na dumoble ang kabog. Tila tinakasan ako ng lakas sa natanto. Gustuhin ko mang ikaila na hindi ito totoo, hindi ko naman pwedeng linlangin ang sarili.
May paraan pa ba para pigilan 'tong nararamdaman ko para sa stepbrother ko?
"Elena..." Napabaling ako kay Leroigh nang marinig ko ang mahina niyang usal sa aking pangalan, "I'm sorry," dagdag niya habang pikit pa rin ang mata. Kumirot ang dibdib ko at mapait na napangiti.
"Hanggang sa panaginip mo lang ba kayang sabihin 'yan?" hindi ko mapigilang ibulalas sa malungkot na paraan. Parang sinasakal nang matindi ang puso ko.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hindi niya talaga kami matanggap ni mommy kahit na anong gawin namin.
Pinaniniwalaan niyang si mommy ang dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang niya. Base na rin sa sinabi ni ate na pinagdudahan ni Leroigh ang kaniyang ama na nambabae. Iniisip niya na kabit si mom ni papa kaya nilayasan sila ng kaniyang ina.
Sa amin niya sinisisi ang pagkasira ng pamilya niya sapagkat wala siyang kaalam-alam na ang mama niya ang mismong sumira no'n.
Hindi niya alam na ang kaniyang ina ang mismong nagloko. Hindi niya alam na ang kaniyang mama na mismo ang kusang umalis.
Tanging alam lang niya ay kami ang rason ng kamiserablehan niya kaya ginagawa niya ang lahat mapaalis lang kami rito. Obsessed siya sa ideyang mabubuo muli ang pamilya niya. Para lang mabuo silang muli, kailangan niya kaming sirain.
Masakit lang isipin na kailangan kong pagdusahan ang lahat ng galit niya sa amin. Hindi ko alam kung kailan pa ba matatapos 'to. Hirap na hirap na ako sa situwasyong ito.
"Oh, 'nak? Naparito ka? May kailangan ka?" tanong ni Mommy Hanna nang pumasok ako sa kwarto kung saan siya nagpipinta.
Ginala ko ang paningin sa mga paintings niya. Maliban sa mga nakasabit sa pader, mayroon ding nakasandig sa baba. Iba-ibang klaseng mga landscapes ang mga iyon. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa nakikitang finished masterpieces niya.
Puro sunsets, oceans, flowers, and human faces ang displays na makikita sa paligid dahil iyon ang mga nakahiligan niyang ipinta. Iyon ang isa sa skills ni mom na hindi ko namana. Ang pagiging mahilig lang kasi sa kusina ni daddy ang namana ko.
"Wala naman po, naistorbo ba kita?" untag ko. Ngumiti siya at umiling.
Umupo ako sa may tabi niya. Sinipat ko ang canvas na pinagkaaabalahan niya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil dalawang babae ang subject niyon.
Half faces iyon namin ni mommy. Ang nasa right side ay mukha ni mom, habang ang nasa left side naman ay mukha ko. Parang larawan naming dalawa iyon na pinunit into lengthwise at pinagdikit lang para magmukhang isang tao.
Ang title niyon ay 'My Other Half.'
Pansin kong may signature na iyon ni mom sa gilid pero hindi pa tapos ang pagkukulay niya. Ang parte ko pa lamang ang natapos niya kung nasaan ang pirma. Ang mukhang bahagi niya naman, hindi niya pa nasisimulang kulayan.
"Ang ganda!" namamangha kong usal kahit hindi pa iyon tapos.
"Syempre naman, magaling kaya ang mommy mo. Isa pa'y pareho tayong maganda, kaya maganda talaga ang kalalabasan ng painting."
Pabiro akong umirap sa kawalan. "Nagbubuhat ka na naman ng bangko, 'my."
Nangingiting pinahid niya ang paintbrush sa acrylic paint bago ini-stroke sa canvas. "Hindi iyon pagbubuhat ng bangko, 'nak. Nagsasabi lang ako ng katotohanan."
"Aysus 'my. Sinabi mo pa," sabi ko dahilan para matawa siya.
Hindi ko napagilang pagmasdan ang umabot sa matang ngiti ni mommy. Parang hinaplos ang puso ko sa nakikitang tuwa niya. Iyon ang ngiting pinakapaborito ko sa lahat. Ang gaan kasi sa damdaming pagmasdan iyon. Totoo pa lang walang makapapantay kapag genuine na ngiti ng sarili mong ina ang nakikita mo.
"Mom, masaya ka na po ba kay Papa Levi?" tanong ko. Pansin kong natigilan siya bago ako binalingan.
"Oo naman, 'nak. Bakit mo natanong? H-Hindi ka ba masayang nandito tayo?"
"Hindi po sa ganoon, 'my," bawi ko sa kung anong maaari niyang isipin. "Gusto ko lang po malaman kung masaya ka. Kasi gusto kong malaman mo rin na masaya ako para sa 'yo. Syempre ayaw ko naman po sabihin na masaya ako para sa 'yo tapos binibigyan ka pala ng hard time ni papa."
Her smile became wider. "Oh, my sweet daughter," nata-touched na bulalas niya.
Tinabi niya ang paintbrush at mahigpit na niyakap ako. Napasandal ang ulo ko sa dibdib niya.
"Sobrang saya na ni mommy, 'nak. Malaki ang pasasalamat ko dahil nakilala ko siya. Kontento na ako sa lahat ng mayroon ako ngayon. Syempre kasi bukod sa nariyan ka sa tabi ko na pinakaimportante sa akin sa lahat. Nariyan ang pamilya ni Levi na bumuo sa akin ulit. Wala na akong mahihiling pa."
Mabuti naman kung ganoon, mom. Handa akong balewalain ang nararamdaman ko para lang sa kaligayahan mo. Hangga't masaya ka, masaya na rin ako.
"I love you, 'my," malambing kong ani. Inangat ko ang mukha para tingnan siya. Pinalibot ko ang mga braso sa bewang niya.
"I love you too, anak ko."
Napapikit ako nang lumapat ang labi niya sa aking noo. I let out a contented sigh at maliit na napangiti.
©heartlessri
![](https://img.wattpad.com/cover/370172930-288-k98338.jpg)