Chapter 13

775 10 0
                                    

ELENA CEINE.

Maraming tanong na pumasok sa utak ko habang pumipili ng susuotin. Ni wala nga akong mapusuan na suotin dahil sa kawalang gana. Hindi ko magawang kumilos.

Hindi ba puwedeng maging buo na lang kami?  Kailangan ko ba munang masaktan? Kailangan ko ba munang maghirap para lang sa kaligayahan ni mommy?

Paano kung sa bandang huli ay humantong pa rin ang lahat sa wala? Tama pa bang ipaglaban ang lahat ng 'to? Tama pa bang umasa na matanggap kami ni Leroigh? Pero paano kung hindi talaga? Paano kung mas manaig pa rin ang tigas ng puso niya?

Worth it pa bang manatili rito kung alam mong sa simula  pa lang, wala ng patutunguhan?

Hay ang hirap.

Problema na nga sa akin si Leroigh, mukhang poproblemahin ko pa si Lira. Kung hindi dahil sa kumag na iyon ay hindi naman magiging ganoon ang pakikitungo sa akin ni Lira.

Pero ganiyan talaga. Mahirap talagang ipagsiksikan ang sarili sa pamilyang hindi ka belong. Ang kailangan ko na lang muna sigurong gawin ngayon ay tiisin ang lahat. Kahit hindi na para sa akin, kahit para kay mommy na lang.

"Where's Elena?"

Pababa ako nang hagdan nang marinig ko ang malamig na boses na iyon. Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ko. Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking?

"Bakit?" malamig kong tanong.

Umangat agad ang mga mata niya sa akin. Pailalim ko naman siyang binigyan ng tingin. Nakita kong lihim siyang ngumisi. Agad tumalim ang tinging iginawad ko sa kaniya.

Humagod pa mula sa dibdib ko pababa ang asul na mga mata niya. Bigla akong nailang dahil parang iniinsulto niya ako sa paraan ng tingin niya. Parang namalik-mata lang tuloy ako sa nakita kong kislap na paghangang dumaan sa mga mata niya. Guni-guni ko lang siguro kasi sa nakikita ko ngayon ay parang nilalait niya ako.

"Anong klaseng damit 'yan?"

Sinipat ko ang suot ko. Pulang daster iyon. Bigay sa akin ni daddy noon. Medyo maliit na ito sa akin ngayon. Sobrang fit na dahil malaman na ako ngayon kumpara noong teenage days ko.

Kung tutuusin ay sakto lang 'to kay Lira, pero ayoko namang ipamigay dahil galing kay dad 'to at sobrang precious sa akin. Isa pa, nasusuot ko pa naman at nasa bahay lang ako kaya wala naman sigurong problema.

"Daster, hindi ba obvious?" ayoko sana maging sarkastiko pero ngayong nasa harap ko siya hindi ko mapigilang hindi siya kausapin ng matino.

"Magpalit ka roon. Masyadong maliit sa 'yo," he said using his demanding tone.

"Ano bang pakialam mo?" inis kong sikmat dahil sa pagiging pakialamero niya.

"Tss. Kaya ka nababastos, eh." bulong niya pero narinig ko naman.  Mangha ko siyang tiningnan.

Parang sinasabi niya na kasalanan ko pa kung bakit ako nababastos. Kasi ganito ang suot ko. Aba! Hindi naman ata makatarungan 'yon! Parang ako pa ang dapat sisihin dahil nababastos ako?! Tama ba 'yon?

"Excuse me. Wala sa suot naming mga babae ang problema kung bakit kami nababastos. Nasa mga mata niyo 'yon. Dahil likas na sa inyo ang pagiging judgemental na porket nakikita niyong maiksi o maliit ang suot namin, nagpapabastos na agad kami. Kung hindi lang kayo nag-eexist kahit hubot hubad pa kaming naglalakad sa labas walang problema 'yon!"

Mangha niya akong tiningnan. May naglalarong ngisi sa kaniyang labi. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Bumulong ulit siya para ako lang ang makarinig. "Wala ring problema sa akin kahit hubot hubad kang maglakad, basta ako lang makakakita."

Ugh! Napakabastos talaga ng kumag na ito kahit kailan!

"Anak, Leroigh. Kumain na kayo." ngiting aya ni mommy sa amin. Napabaling kaming dalawa sa aking ina.

"No thanks," supladong saad ni Leroigh na ikinawala ng ngiti ni mommy.

Inis kong hinawakan si Leroigh sa palapulsuhan niya dahil sa hindi pa rin nagbabagong pakikitungo niya kay mommy.

"Kumain na tayo." sabay hila ko sa kaniya.

Nagpahila naman sa akin. Nang lingunin ko siya ay nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kaniya. Parang napapaso ko siyang binitiwan nang matanto ang ginawang paghawak.

Ngumuso siya ng mapansin ang ginawa kong pagbitiw. Hindi ko na siya nilingon pa dahil kumakabog ng malakas ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Para akong kinakabahan na ewan.

Ramdam ko ang titig ni Leroigh habang pareho kaming nasa hapag. Abala akong kumain, habang siya ay pinapanood lang ako na tila misteryosong palabas na nais niyang maintindihan.

Nang hindi ko na nakayanan ay nag-angat ako ng tingin. Tinatantsya ako ng asul niyang mga mata. Halatang binabasa niya ang kung ano mang nasa loob ng utak ko. Siguro iniisip niya kung bakit parang wala lang sa akin ngayon na nakaupo siya sa harap ko sa kabila galit ko.

Oo, galit ako sa kanya. Gusto ko siyang sampalin ng maraming beses hanggang sa mapagod at makuntento ako. Pero kailangan ko munang isantabi iyon para ituloy ang plano na kunin ang loob niya para kay mommy. Buo ang pasya ko na mas pipiliin ko ang kaligayahan ng sarili kong ina. Magtitiis ako, makita lang na masaya si mommy.

Hindi ko gustong masira ang relasyon nila Papa Levi. Ayokong magtagumpay si Leroigh na paghiwalayin sila. Natatakot akong makita ulit si mommy na ma-depressed. Natatakot ako na mawala ulit siya sa sarili katulad noon, simula noong namatay si Daddy. Parang nawala rin siya sa akin noong mga panahong iyon.

It was already a torture to me when my dad passed away. At mas dobleng toture pa sa akin no'n ang naging sitwasyon ni mommy. Sobrang sakit ang nangyari na hindi ko na gugustuhing maramdaman ulit iyon.

That kind of feeling na you don't know what to do anymore kasi pakiramdam mo iniwan ka na ng lahat. Iyong tipong ibinagsak sa'yo ang matinding suliranin na hindi mo malaman kung paano masusulusyunan kasi parang mag-isa ka na lang.

Mabuti na nga lang hindi ako sinukuan ng nag-iisang kaibigan ko na si Cassandra. Malaki ang naitulong ng pamilya nila sa amin ni mommy. Tumulong sila hanggang sa makapagtapos ako sa pag-aaral dahil wala na kaming ibang aasahan no'n.

Ang negosyo ni Dad ay tuluyan ding nawala dahil nabaun kami sa utang dahil sa pagkakasakit niya. Benenta rin namin ang mga properties niya at ang tanging bahay lang namin noon ang natira. Mabuti na rin na nakilala ni mom si Papa Levi dahil unti-unti siyang bumalik sa dati. Nagpasya siyang sumama kay papa nang ipakilala siya nito sa pamilya.

At kahit kaya ko na ang sarili ko, sumama pa rin ako sa kanya para bantayan ang kalagayan niya. Matindi ang concern ko sa kanya dahil siya na lang ang nag-iisang mayroon ako. Ayoko naman kasing basta-basta na lang na ipagkatiwala siya sa ibang tao na hindi namin kaano-ano. Guminhawa kahit paano ang loob ko noong tinanggap kami ng dalawang anak ni papa.

Pero sa buhay, hindi talaga maiiwasan ang kontrabida. Matindi ang galit sa amin ni Leroigh dahil sa pagsampid namin. Kaya heto, ginagawa niya ang lahat para mapaalis kami. Alam kong walang katapusan ang magiging pagtaboy niya sa amin. Hindi niya kami tanggap.

Pero hindi ako susuko, kahit katiting lang na pursyento, aasa akong matitibag ko ang pader na ginawa niya sa amin. Naniniwala ako na hindi lahat ng masama, masama na talaga. Alam kong may kabutihan pa rin siya sa kabila ng mga kasamaang ipinapakita niya.

©heartlessri

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now