Chapter 30

1.1K 17 9
                                    

LEROIGH.

"Alam kong ikaw ang talagang may pakana no'n. Bakit mo 'yon ginawa?" namumula at puno ng galit sa matang untag ko. Halos punuin na ng luha ko ang aking magkabilang-pisngi pero wala na akong pakialam doon.

Ngumiwi ang babae dahil sa rahas ng pagkakahawak ko sa braso niya.  "Nawala siya sa akin! Alam mong sobrang mahal ko siya, Vine! Bakit mo siya sinira? Bakit mo sinira ang babaeng pinahahalagahan ko?"

Sandaling bumadha ang gulat sa mukha niya, pero napalitan din ng pait ang itsura niya. Marahas niyang binawi ang braso mula sa hawak ko. "Iyon na nga! Sinira ko siya kasi mahal mo siya!" Ang mata niya ay bahagyang namula.

"Ako dapat 'yon, Leroigh! Mula bata pa tayo, ikaw na 'tong putangínang tinitibok ng puso ko pero hindi mo man lang iyon makita! Hindi mo makita na sobrang mahal kita! Ako itong tinitiis lahat kapag nakikita kitang iba't ibang babae ang kasama! Ako itong nanatili sa tabi mo noong panahong iniwan kayo ng mama mo para damayan ka! Ako itong matagal ka nang mahal pero..."

Gumaralgal siya at napahikbi, "pero mas minahal mo 'yong taong dahilan din ng pagkasira ng pamilya mo! Plano mo naman talaga silang sirain 'di ba? Alam kong pinangungunahan ka lang ng konsensya mo kaya hindi mo iyon magawa. You should be thankful that I did it in your behalf. Wala nang panggulo sa buhay niyo!"

Sandaling umawang ang labi ko. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Mas lalo lang tumindi ang galit ko sa huli niyang sinabi. Ngunit mas nangibabaw sa akin ang sobrang tinding sakit at bigat sa kalooban ko.

Simula bata pa lang kami ay pinahahalagahan ko na siya bilang kaibigan ko. Tiningnan at tinuring ko siya bilang kapatid. I can't believe that she can betray me like this.

"Sino ka para pangunahan ako, Vine?Wala kang karapatan magdisisyon sa kung anong dapat kong gawin! Hindi mo hawak ang puso ko para pumili sa kung sino ang dapat kong mahalin! Kahit pa magkaibigan tayo, hindi ibig sabihin no'n na may karapatan ka na! Gusto mo bang isa-isahin ko kung bakit ko mahal ang babaeng sinira mo, ha?"

Walang amor ang mga matang tiningnan ko siya. Umiling siya at mas lalong namalisbis ang luha. Kumuyom ang kamao ko. Ang labi ko ay bahagyang nangatal.

"She is the only source of my happiness, Vine," diin ko. "Siya ang rason kung bakit gusto kong buohin ulit ang nasira kong sarili. Sa kaniya ko lang naramdaman na buo ako. Pero sobrang tindi mo! Sinira mo 'yong taong bumuo sa akin! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na makita siyang mawala sa sarili noong mawala 'yong mommy niya? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na makita 'yong galit sa mga mata niya?Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin makita siyang iwanan ako?"

"Alam mo ba, ha?" garalgal ko. Galit kong tinapat ang hintuturo kung saang banda ang puso ko. "Ang sakit-sakit dito, Vine. Sobrang sakit!"

Lumunok ako para tanggalin ang bara sa lalamunan ko. Tinalikuran ko siya dahil hindi ko na kaya pang ipakita ang kahinaan ko. Muntik pa akong mabuwal sa kinatatayuan dahil sa labis na panghihina.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. "N-Nandito pa naman ako, Leroigh. You can have me all you want. I will never hurt you. Hindi ka niya mahal kasi iniwan ka niya. Ako lang ang totoong nagmamahal sa 'yo. Hindi ako aalis sa tabi mo katulad ng ginawa niya. Please, ako na lang ang mahalin mo," she said it with so much desperation in her voice. Tinanggal ko ang braso niyang nakapalibot sa akin.

"Umalis ka na, Lavine," mariin kong usal sa basag na boses. "I am now breaking our friendship. Simula ngayon, kalilimutan ko nang naging parte ka ng buhay ko."

"Anong sinasabi mo, Leroigh?!" she yelled.

Hinawakan niya ang braso ko at pinaharap ako sa kaniya. Hinampas niya ako at hinayaan ko lang siya. Iniwas ko ang tingin. Masakit sa sulok ng bahagi ko na putulin ang mahaba naming pinagsamahan. Marami na ang napagdaanan ng pagkakaibigan namin.

Kahit naman paano, naging kaagapay ko siya sa lahat ng bagay simula pagkabata. She's the first person that I could run to and lean on. She was there with me at my lowest point. She was one of the most important people in my life. Pero ngayon, hindi na.

Nawala na ang halaga niya sa akin sa kaalamang siya ang nasa likod ng pagkasira ni Elena noong kaarawan ng kapatid ko. Nito ko lang nalaman na may nilagay siyang mga hidden cameras sa bawat kwarto ng mansion namin.

Matagal niya na pa lang pinanonood ang bawat kilos ko dahil sa obsesiyon niya sa akin. Sa kamalas-malasan pa, nakuhanan pala ng hidden camera ang unang nangyari sa amin ni Elena. Pinalabas niya iyon matapos ang video birthday greetings na pinalabas para kay Lira.

Nang dahil sa kaniya, nawala sa akin ang babaeng pinaka-importante sa akin sa lahat. Mabuti pang mawala na lang din siya. Hindi ko na masikmura pang panatilihin siyang parte ng buhay ko buhat ng ginawa niya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sisirain mo nang ganoon na lang 'yong pinagsamahan natin?" hindi makapaniwalang tanong niya habang patuloy pa rin na umaagos ang luha sa pisngi. Niyugyog niya ako, tila nais akong matauhan. "Sobrang tagal na ng pagsasama natin tapos puputulin mo nang ganoon na lang? Hindi pa ba sapat na sinabi kong mahal kita para manatili ka? Handa ko naman ibigay sa 'yo lahat!"

"Ganiyan ba ang pagmamahal mo? Pagmamahal ba ang tawag mo sa pagsira ng kasiyahan ko?" mas galit kong tanong na ikinaatras niya. "You just ruined my girl for your interest, Lavine. Hindi mo ako mahal! You are just obsessed with me! Sa tingin mo ba matatanggap pa kita sa kabila ng ginawa mo?"

Sumasakit ang ulo ko. Naglalabasan ang mga litid sa gilid ng aking leeg sa tindi ng frustrasiyon. Dumadaloy ang poot sa bawat ugat ng sistema ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit sobrang miserable ko ngayon, Vine. Iniwan niya ako dahil sa ginawa mo! Nilayo niya sa akin 'yong anak ko! Sa tingin mo ba mapapatawad kita?"

Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakapagsalita at mas lalo na lang na napahagulhol. Hinaklit ko ang braso niya at ako na mismo ang nagpalabas sa kaniya sa Pad ko. Dinampot ko ang mga gamit na mahahawakan ko at galit na pinagbabasag iyon. Maski ang walang kamuwang-muwang na salamin ay basta ko na lang sinuntok.

Naramdaman ko ang pamamanhid at hapdi sa kamao ko. Tumulo ang dúgo sa sahig at walang buhay kong pinagmasdan iyon. Muling nangilid ang panibagong luha sa pisngi ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napasandal sa pader. Tumunog ang cellphone ko. Hinayaan ko lang iyon na ring nang ring. Nang marindi ako sa ingay ay labag sa loob kong sinagot iyon.

"L-Leroigh, wala na si Papa." garalgal na ate sa kabilang linya. "Patay na si Papa. Nagpakamatay siya," hagulhol niya. Nabitiwan ko ang hawak na phone. Natulala ako at parang sirang plakang umulit iyon sa isipan ko.

"Gusto mo pa bang dagdagan kita ng suntok para matauhan ka?" nagbalik ako sa reyalidad sa boses ni Steve.

Doon ko lang naramdaman ang nanunuot na hapdi sa bawat parte ng katawan ko dahil sa bugbog na natamo ko mula sa lalaki kanina.

Leroigh's Obsession Where stories live. Discover now