LEE's POV
"Bilisan mo maglakad, ikaw na lang ang hindi pa napa-final uwing-uwi na ako" sabi ng isang hindi ko kilalang boses habang ako ay nakapiring at kakapa kapa sa aking dinaraanan
"GM andito na itong huling bata, lalaki"
"Hubaran niyo na at ng masimulan na" rinig kong sabi ng isang lalaking may nakakakilabot na tinig, hindi ko pa man siya nakikita ay ramdam ko na batas ang katumbas ng salita niya sa grupo.
Agad namang sumunod sa kanya ang ibang miyembro ng fraternity. Naramdaman ko ang dalawang pares ng kamay sa aking katawan habang kanilang tinatanggal ang suot kong damit, tanging underwear ko lang ang tinira nila.
"Shet boss ayos to oh, lalaki pero ang lambot, ang kinis" sabi ng isang boses na medyo nagdulot ng pagka uncomfortable sa akin.
"type mo?" isa pang bagong tinig ang narinig kong sumali sa usapan
"Ayaw niyo? sosolohin ko na to? sayang naman mukha pa naman masarap"
"Huwag kang ganid brad, share your blessings" isa na namang panibagong tinig. Napapaisip na lang ako ilan ba ang officers ng fraternity na ito, ang sabi sa akin nung ni-recruit ako mga high ranking members lang ang present sa mga ganitong event. Alam ko naman na hahatawin ako ng pamalo at naka depende daw yun sa GM kung ilan ang ipapataw sa akin kaya handa na rin ako. Siguro napapaisip kayo kung bakit ako andito ngayon sa sitwasyon na ito. Sawang-sawa na kasi ako sa pag trato sa akin ng ilang mga estudyante dito sa aming university. Idagdag mo pa na pamula yata elementary ako nabubully na ako. Malambot, malamya, bakla, sabik sa lalaki, lahat na yata ng klaseng panunuya narinig ko na pero buti lang ba sana kung hanggang doon lang, kaso mo hindi, minsan sinasaktan pa ako, binabastos at pinandidirihan. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses na akong humingi ng tulong sa mga teachers pati na din sa principal, pero dahil mayayaman daw yung mga nang aabuso sa akin, hinahayaan na lamang nila. Minsan talaga maiisip ko na lang na ang batas ay para lang sa mayaman, at ang isang kagaya ko na mahirap eh gawin na lamang ang lahat para maka iwas sa gulo dahil wala kang maaasahang tulong.
Ngayong andito na ako sa kolehiyo, gusto ko naman magbago ang takbo ng buhay ko. Gusto ko lang naman ng mga kaibigan, ng respeto. Gusto ko lang naman makapagtapos at magkaroon ng magagandang ala-ala, pero bakit ba may mga tao na tila ba nakakahanap ng libangan sa pananakit ng ibang tao. Minsan naiisip ko, ano kaya ang tumatakbo sa mga isipan nila sa bawat suntok at sipa na binibigay nila sa akin. Napapasaya ba sila talaga nun?
Kaya nung makita ko na nagre-recruit ang ALPHA PHI EPSILON, nag fill out ako ng form para makasali. Nakita ko kasi kung paano ang samahan nila. Narinig ko rin sa usapan ng mga kaklase ko na kapag may isang member sila na nadedehado eh bumaback up daw ang mga brad. So para sa akin, eto na siguro yung sagot sa matagal ko ng problema, isang saglitang bugbugan na lang pero pagkatapos nun, may mga kapatid na ako na magiging handa na saklolohan ako pag may nang abuso ulit sa akin.
"Tanungin niyo muna kung ano ang gusto, hindi naman pwedeng basta niyo na gawin kung ayaw niya" narinig kong sabi ng GM
"Ma swerte ka type ka namin, usually sa mga chikababes lang namin to inooffer" sabi ng lalaking naghatid sa akin papasok sa kwartong ito, hindi mahirap marecognize ang boses niya kasi napaka distinct, alam niyo yung parang boses ni Seungkwan ng seventeen, medyo husky
"Ano po ibig niyong sabihin? naguguluhan po ako." sagot ko naman sa kaniya
"Anong gusto mo, hirap o sarap?" tanong niya sa akin na lalong nagpagulo sa utak ko, akala ko ba hampasan lang ito tapos finish na
"Kapag hirap ang pinili mo hahampasin ka namin nito" sabi niya sa akin sabay ipinahawak ang isang malapad at matigas na kahoy. Medyo nanlambot ako sa nahawakan ko na yun, mukhang malulumpo ako kinabukasan.
![](https://img.wattpad.com/cover/371232497-288-k661992.jpg)
BINABASA MO ANG
✔️Who is the Daddy?(MPREG)(Taglish)
RomanceBullied all his life because of his feminine characteristics, Lee made the rash decision of joining a fraternity in hopes of acquiring brothers and friends that can protect him against his perpetrators. Pero gumuho ang kanyang mundo ng kanyang malam...