chapter 3

16 1 1
                                    

Nakasakay ako ng jeep at nasa tabi ako ng pasukan. Haa..ako lang ang pasehero dito kaya medyo di ako nahihiya. Kung may kahihiyan akong ginawa kami lang ni kuya driver ang nakakaalam. Biglang huminto ang jeep at napahiga ako. Pag upo ko ng maayos nag taka ang lalaki na papasok pa lang sa loob ng jeep. What the fuck!! Nakakahiya. Umupo siya sa tabi ko. Ay..takte naman.

Umandar na ang jeep at hindi ako makaupo ng maayos dahil nahihiya ako sa lalaking to. Pero tiningnan ko i.d niya.

Oh..grade 11- ict E. ronan lavilla. I look at him. Nakatingin siya sa harap at parang napansin niya na nakatingin ako sakanya. Dahil bigla siya tumingin sakin at lumingon ako sa iba.

Malapit na ako sa babaan ko kaya hinanda ko na gamit ko. "para po" sabi ko at nastuck pa yung tali ng bag ko pero diko na tiningnan at hinila na lang, umalis na lang ako kaagad.

Nakauwi na ako at may sardinas sa lamesa syempre di na ako nag inarte..miss ko na yung burger sa spain. "lola, nakuwi na po ako" sabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko nilapag ko muna ang bag ko at tumingin ako sa cabinet ko para kumuha ng damit. Tumingin ako sa salamin after ko nakuha ang dadamitin ko. Wait lang..i.d ko!! Nawala i.d ko! Napakagat ako ng kuko ko. Saan ko naiwan?!! Naalala ko na stuck pala ako nung pagbaba ko ng jeep. Shit. Napigtas siya.. tanga tanga talaga sol!!! Pano ako papasok sa school neto... naiiyak na ako sa nangyayari sakin.

Calm down sol..calmate sol..mababalik din ang i.d...what if hindi na?! what if may nakakita na tao tapos ireport sa news na doon ako nag aaral!!

"sol, kain na" sabi ng lola ko

"opo, wait lang magbibihis lang ako" sabi ko at nagbihis na kaagad, kahit sa pagkain ko ay iniisip ko pa din ang id ko. Sa paghugas at sa pagtulog ko.

Ngayon papasok ako sa school ng walang id. Bago ako lumapit sa guard ay huminga muna ako ng malalim

"miss solynn?" narinig ko ang boses ng isang lalaki, lumingon ako at nakita ko yung lalaki na kasabay ko sa jeep. Ang tangkad niya para siyang basketball player. And now Hawak hawak ang id ko. My savior!

"naiwan niyo sa jee-" napatigil siya nung tumakbo ako papunta sa kanya at hinablot ang id.

"thank you so much kuyaaa!" sabi ko napapaluha na lang ako sa nangyayari.

"chill. Wag kang umiyak" sabi niya at kinuha niya panyo niya

"hindi ako naiiyak, this is tears of joy" sabi ko "kuya, what do you want coffee after class?" pag offer ko sa kanya pero nagrefuse siya, lah.

"hindi po ako mahilig sa pang mayaman na kape, okay na po ako sa nescafe or kopiko" sabi niya, right nakita niya apelyido ko. Alam niya na arizone ako.

"may sinabihan ka ba sa iba na arizone ako?" seryosong sabi ko

"wala." Sabi niya, okay...mukha naman hindi siya nagsasanungaling.

"anyways, sige kuya, magdadala na lang ako ng kape bukas" sabi ko at nagulat ako na may may new id lace ako..its color blue..pano niya nalaman fav color ko to...

"ay nilagyan ko na din ng bagong lace..baka kasi nasira yung lace mo" sabi niya at ngumiti..

"thank you.." sabi ko "saan ka pala nag aaral?" tanong ko kahit alam ko naman talaga

"nasa public school lang ako malapit lapit lang" sabi niya at tumango ako. "ronan lavilla" napatahimik kaming dalawa at nahiya agad siya, ohh...

"nice to meet you, ronan" sabi ko at nakipag kamayan sakanya.

Habang nag uusap kami ni ronan ay dumating na ang malanding couple...yes, no other than Adrian and Ashley..nakatingin si Adrian samin habang si Ashley very clingy kay adrian naka kapit pa sa braso..

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon