chapter 28

7 1 0
                                    

Week later, nagpaalam na ako sa lola ko na mag oovernight ako kila pen so wala ng pasikot sikot pinayagan Niya ako.

Swifitieloverprettymwah123: pasundo.
Zhapyngrande_: address ng bahay?

Sinabi ko ang address at maya Maya dumating na din yung kotse nandoon si pen.

"Uyy" sabi ko at ngumiti "la,aalis na ako!" Sabi ko at tumingin ang lola ko sa Pag alis ko. At nakita Niya si pen.

"Oh, sige ingat kayo" sabi ng lola at umalis na kami ni pen.

"Grabe akala ko di ka papayagan" sabi ni pen at siniko ako.

Maya maya dumating na kami sa bahay nila at medyo malaki din bahay nila lahat aircon.

Malaki din sala nila, San na kaya yung tatlo...

Umakyat na kami at pumunta sa kwarto Niya at ayun silang tatlo kumakain at nanonood sa Netflix.

"Hi, sol!!" Sabi ni dane nakahiga pa.

"Maglalaro tayo mamaya ah" sabi ni pen at sinarado ang pinto, ayun wala kaming ginawa kundi manood.

After hours... madaling araw na at nagdala ng skin care si Dane.

"Hoy! 200 pesos Isa ah!" Sabi ni dane at pinaglalagay na namin sa mukha namin. Ganyan lang si dane pero biro Niya lang yan na kalahating sinusumpa na kami.

After kami maglagay sa mukha namin nagpatugtog naman kami ng mga kanta. Like Taylor Swift, ariana grande, laufey, Lana Del Rey

"Truth or Dare ah!" Sabi ni pen at ginamit namin is a plastic bottle na may laman na tubig.

Ayun pinaikot ang bote, at nagstop Kay Kobe

"Truth or dare??" Sabi ko

"Truth!" Sabi ni Kobe

"Ako na magtatanong!" Sabi ni dane "Crush mo ba yung kapatid ni Cedrick?"

"Hm? May kapatid Yun?" Tanong ko

"Oo, Te..si veronica daw" sabi ni dane "grade 10 palang"

Hindi ako makapaniwala na may kapatid pala yun.

"Hoy ano na te! Sagutin mo!" Sabi ni dane, mukhang iniisip pa ni Kobe ang sasagutin Niya at ngumiti siya.

"Sige na nga! Oo" sabi niya.

Ano next pinaikot na naman ang bote at tumama naman Kay zhapyn

"Truth or dare!!" Sabi namin apat.

"Tamad ako ngayon kaya truth." Sabi ni pen.

"Sino pipiliin mo sa mga bebe mo?" Tanong ko, binigyan naman ako ni pen na nandidiring tingin

"Wala, wala" sabi Niya

"Hoy! Anong wala pumili ka!!" Sabi ko at nababanas na agad ako.

"Pumili ka na!!" Sabi ko at buti tinulungan ako nila Kobe na sumagot tong si pen

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon