Pen's pov
Busit ngayon pa nag announced na walang pasok. Wala akong dalang payong.
Tumayo ako na upuan ko dahil pwede naman sumabay na lang ako Kay solynn diba? Kinuha ko na bag ko at bigla ko pala naalala...kasama Niya na naman si Adrian.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at nilapag ko bag ko.
"Belmont, may naghahanap sayo." Sabi ng kaklase ko at tumingin ako sa pinto. At eto na naman siya. Ian.
Pumasok siya sa loob, dahil wala naman teacher at lumapit sakin. Ano ba gusto Niya?! Tumayo ako at kunware aalis na
"Hey..?" Sabi Niya sakin at pinigilan ako.
"Ano ba gusto mo?" Sabi ko sakanya
"I just wanna asked you kung may dala ka bang payong? Since...nakakalimutan mo magdala." Sabi Niya. I was surprised na memorize ako nito. Zhapyn kalma...
"M-may dala akong payong!" Confident Kong sabi kahit wala naman talaga. Baka kasi lumayo na to diba. Pero lumapit siya like as in our face was so closed. And suddenly he smiled.
"Nasaan?~" sab niya, bwesit to ah.
"N-nasa...locker!!" Sabi ko at huminga pa siya ng malalim..aalis na ba siya?
"Pwede ko ba makita?" Tanong Niya sakin, Takte naman to.
"Sige!" Sabi ko at ayun sinundan Niya pa ako papunta sa locker ko. At huminga ako ng malalim. Sana magic locker to!! Sana may payong!!!
Pumikit na lang ako at binuksan ang locker.
"Okay." Sabi Niya. Ha? Anong okay?? Binuksan ko mata ko at may payong nga! Ang galing! Lumingon ako para tumingin sakanya and ngumiti.
"See! May dala nga akong payong!" Sabi ko.
"So, sabay na lang tayo!" Sabi Niya, aba- di talaga ako titigilan nito oh.
"May problema ba?" Sabi ng lalaki at nung tumingin ako. Si Jeremiah pala.
"Hm? Wala...bat ka nandito?" Tanong ni ian Kay jeremiah at ngumisi.
"Susunduin ko si pen, since wala siyang payong." Sabi naman ni jeremiah
"May payong na ako!" Sabi ko at kinuha ko yung payong. At may katahimikan na naman.
"Sabay na tayo." Sabi ni jeremiah at lalapit Sana sakin pero humarang naman si Ian.
"Ako ang nauna. Umuwi ka na dun." Sabi ni Ian.
"Fine" sabi ni jeremiah, himala di na Niya pinatulan. At lumayo siya ng unti "ingat ka sa Pag uwi pen!" Sabi Niya at ngumiti pa siya at kumaway. Nakakaguilty naman.
"Jeremiah!" Sigaw ko kahit nahihiya ako. At napatigil si Jeremiah sa paglalakad at lumingon siya para tingnan ako pati si Ian napatingin sakin "s-sasabay ako!" Sabi ko at tumakbo papunta sakanya. Mukhang nagulat siya dahil di naman kami ganito ka close sa personal. "Next time na lang Ian! Bye! Ingat ka!!" Sabi ko, hindi ako tumingin Kay ian at sumabay na lang ako Kay Jeremiah. Dala dala ko pa rin yung payong na nakuha ko sa locker. Kanino kaya to?
Paglabas namin sa building nakita ko si johan na hindi makauwi dahil wala siyang Dalang payong. May payong naman na dala si Jeremiah so...bigay ko na lang yung payong ko sakanya.
"Johan!" Tawag ko sakanya at tumingin siya sakin, lumapit ako sakanya.
"May dala ka bang payong?" Tanong ko at second time. Ngumiti siya. Anyare sa taong to?
"Okay lang ak-" napatigil siya nung binigay ko sakanya ang payong ko.
"Hiramin mo muna!" Sabi ko at ngumiti sakanya, napatahimik siya ng saglit. Ha? Nakatingin lang siya sakin at wala talagang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Catch Me, Dear!
RomanceI was walking sa field mag isa. dala dala yung piece of cake na nabili ko sa café ang ganda pa ng design color pink siya at white cream at strawberry on top. My favorite! Suddenly biglang tumama sa ulo ko yung maliit na bola. Bwesit! Napahawak ako s...