Chapter 5

10 2 3
                                    

"okay" sabi niya at mukha siyang walang pakealam. "bibilhan na lang kita ng bago, mas maganda pa dun"

Tiningnan ko siya ng masama, "hindi ko kailangan yan" sabi ko "buti di ka nauubusan ng allowance noh?"

He chuckled and play my hair, "6k allowance? So cheap, hindi yun totoo every week pinapadalhan ako ng papa ko 10k sa credit card" sabi niya. So nagsisinungaling lang siya kay Ashley? Anyways, itigil ko na ang kabalewan niya.

"so? Kaya ko naman bumili ng sarili kong clip" malditang sabi ko. "atsaka hindi nga tayo magkakilala eh"

Kilala ko siya pero syempre need mag act fool.baka mag mukha akong stalker sa facebook. Huminga siya ng malalim.

"I'm adrian james smith" pagpapakilala niya saakin at ngumiti siya "grade 11- STEM section A." oh, so kaklase siya ni amy.

"baseball captain, the son of a teacher galing sa famous and rich school kaya mataas sahod niya" sabi niya "and you?"
Hindi ko alam kung magpapakilala pa ba ako sakanya. Pero para formal diba like dapat rich ang manners.

"solynn." Sabi ko at ngumiti ako

"miss solynn..." naghihintay pa siya na ng sasabihin ko. Pag sinabi ko ba apelyido ko, magugulat ba siya or ako ang pagtritripan niya next? Kung ako man, gabayan niyo po ako at wag niyo ako dalhin sa ibang landas. Pwede ko pa siyang gastusan if gusto niya. Pero wag lang po niya hingiin ang katawan ko and the most important sakin, my first kiss...I'll rather kiss a frog than him. Ayoko mapunta sa pagdudusa ang lahat ng mangyayari sakin..

"wala ka bang apelyido?" tanong niya at nakatingin lang sakin, putek wait lang magdadasal muna ako. Lapitan sana ako ng mga anghel..pano nga ba...kung may kasama akong demonyo. Whatever na lang.

"solynn rhain arizone" maikling sabi ko, tumawa siya

"arizone?" tinakpan niya bibig niya. Nakakaoffend ah. "nasa spain ang mga arizone, at pano ka nakakapagtagalog?"

Anyways I know kayo din nacoconfuse kung bakit ako nagtatagalog, of course Spanish and tagalog wala naman masyadong pinagkaiba at natuto ako sa mama ko dahil diba nga minsan nandoon ako sakanya.

Nakakaasar siya ah, "nakita mo na ba ig ko?" sabi ko at kinuha ko pa cellphone niya binuksan ko at nakita ko ang wallpaper niya, buwan pala ah. Pag nasapak kaya kita baka Makita mo ng buo ang buwan as in in real life.

"buksan mo." Sabi at binuksan niya naman, pumunta ako sa ig niya at sinearch ko ang name ko dun. At pinakita sakanya

Tiningnan niya ang mga post ko. "ano naman kung arizone ka?" sabi niya. At binatuhan ako ng papel. Putang ina ang bastos ah. "anyways. Solynn ,right?"

"yeah" sabi ko

"can I call you sol?" he asked

I was surprised. I like it when he call me sol. I don't know this feeling. Parang gusto ko kiligin. Ehem.. may girlfriend ang tao, gurl.

"sure, everybody calls me that." Sabi ko and acting like seryoso. He slowly nodded and he was looking at his phone.

"sol means sun, right?" tanong niya. Malamang sikat nga yung sol at luna sa ig at fb.

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon