chapter 26

7 1 0
                                    

After ng laban, pinahintay pa ako ni adrian, dahil ihahatid Niya ako.

After nila magtraining sabay na kami umalis.

Sumakay na ako sa kotse niya. And there is random na nakalagay sa likod ng kotse Niya, at nung sumakay siya tinanong ko na

"Ano Yun?" Sabi ko at tinuro ko, pinaandar Niya na ang kotse at tumingin sa tinuro ko.

"Hm? Gitara." Sabi Niya at nagdrive siya. Bat may gitara siya?

Pag dating namin sa bahay, bumaba na ako sa sasakyan at bumaba din siya.

"Sol, wait!" Sabi niya at huminto ako sa paglalakad at binuksan niya yung pinto ng backseat at kinuha ang gitara.

"This is for you.." sabi Niya at binigay Niya sakin, tinanggap ko naman, yayakapin ko Sana siya. "Wait meron pa." Sabi Niya at kinuha Niya sa passenger seat dun sa cabin. Lah puta meron pala dun.

And I saw a camera, as in a camera! Omg!!

Binaba ko muna ang gitara at tumakbo sakanya at niyakap ko siya.

"Thank you so much!!" Sabi ko

"Kakagulat ka..." Sabi ni Adrian at binitawan ko siya.

"Sorry" sabi ko at tumawa. Binigay Niya sakin ang camera.

"Tara try natin!" Sabi ko at inalis ko sa lalagyanan, hinawakan ni Adrian lahat ng mga basura na inaalis ko sa camera.

Binuksan ko yung camera at malinaw ang camera! Love it!

Trinay ko Ivideo at tinutok ko kay adrian

"Adrian, say hi" sabi ko at tumingin siya sa camera at ngumiti.

"Hi~" sabi niya at lumapit siya "patingin nga, baka panget ako dyan"

Inistop ko at tiningnan namin.

"Maganda to sa pagddocumentary" sabi Niya "dapat videohan mo yung Pag gigitara mo"

Hmm..may point para makita ko din kung nag improve diba.

"Okay! Thanks sa camera and guitar!" Sabi ko at ngumiti sakanya, "anyways, pasok na ako" sabi ko at kinuha ko na ang gitara

"Sige, bye" sabi Niya

"Bye, ingat" sabi ko sakanya at sumakay na siya sa kotse niya.

Okay! After weeks became months laban na nila Adrian, wala naman kasing ginagawa sa school ngayon, I feel malapit na mag bakasyon...

Mga hapon marami ng pumupunta na public students sa school namin, naghintay ako sa labas dahil sabi nga ni ronan na pupunta sa siya dito. So nandoon ako sa labas naghihintay sa kanya.

Naka 30 mins ako hintay sakanya buti dumating na siya, lumapit ako sakanya.

"Uyy! Long time no see!" Sabi ko at ngumiti siya

"Syempre di ka na sumasakay ng jeep" sabi Niya

"Kaya nga eh, may hatid sundo na kasi ako~" Pag papainggit ko.

"Sino? Yung adrian ba?" Ang sabi niya

"Oo" sabi ko at ngumiti, pagtingin ko siya naman nawalan ng ngiti samin.

"Hm? Bakit?" Sabi ko, tumingin siya sakin at ngumiti ulit siya. Masayahin talaga ito.

So sabay na kami pumunta sa field.

"Ay Ronan, di pala tayo magkatabi nasa VIP kasi ako eh" sabi ko. At tumango na lang siya

"Sige, mamaya na lang?" Sabi Niya at tumango ako, umalis na siya. Pumunta na ako dun sa isang daanan para makapunta sa harap. Nandoon na din si pen. Wala masyadong katao tao sa harap kaya mabilis lang ako makapunta Kay pen. Tumingin siya sakin.

"Te, hinahanap ka ni adrian. Nagkita na ba kayo?" Tanong ni pen, hm? Hindi nga man lang nagpakita sakin ngayon.

"Hindi eh" sabi ko at magsstart na ang laro pinakilala na ang mga grupo, and there nung sumunod na sila nasa harapan si adrian since siya yung captain. Suot Niya pa rin ang gawa ko sakanya. Putik ang pogi!!

Narinig ko yung mga babae nagsitilian nung nakita nila si adrian. Putang ina sarap mamakyu..

"Yay...nagseselos.." sabi ni pen at tumingin ako sakanya

"Anong nagseselos?" Sabi ko "nakaka ingay yang mga taong yan dito" naiinis Kong sabi.

"Talaga ba?! Tanga hindi mo ako maloloko" Sabi niya, di ko na lang siya pinansin.

Maya Maya nagstart na yung game. Well I don't know about baseball. So nakikinood lang ako hehe.

And I can see ang gagaling nila kahit di ko maintindihan ang laro. At nakita ko na matataas ang points nila. May streak nakasulat dun. Ano kaya ibig sabihin?

And nung sumunod na si adrian naging OA na mga taong to. Sinisigaw nila yung pangalan ni adrian. Amputa papansin masyado eh.

I roll my eyes. "GO! ADRIAN!!" sigaw ko at napatingin sakin si Adrian. YES!

Nung hahampasin na ni adrian, ayun na hampas Niya at tumakbo siya. Hanggang makabalik sa base. TANG INA!!

Napatalon ako at niyakap si pen, at meron pa  palang isa. Ay oa hehe. Magpahinga muna sila saglit at lumapit sakin si adrian.

Uyy..shet wala na namumula na ako.

"Ang galing ba?" Sabi niya at inalis ang cap niya at tumango na lang ako.

"Mainit ba? Namumula ka eh" sabi niya, puta napansin Niya pa.

"H-huh? Hindi ah!" Sabi ko at umupo muna, ngumiti siya at pinakita sakin yung bracelet na ginawa ko.

Sabay start na naman ulet. Hays..wala man lang goodbye kiss..char!

Si adrian na ang magbabato ng bola ngayon. Pinanood ko lang at di talaga nila kaya si adrian dahil naka ilang streak sila at papalit ng tao. Hanggang sa dulo sila adrian yung nanalo. Tumalon ako at sumigaw sigaw. Tumakbo papalapit sakin si adrian and I opened my arms and hugged him. Sobrang higpit ng yakap. I look at him..shit muntik na talaga kami mag kiss pero hinila ako ni pen

"Te, Tama na ang oa!" Sabi ni pen at bumitaw ako

"Ay..." Sabi ko na nahihiya "congrats!" Sabi ko at ngumiti.

"Thank you." Sabi Niya at bumalik sa mga teammates niya. Ayun they got trophy at may next pa silang laban at ibang school naman.

Later after ng laro nakita ko nalalapit si Adrian sakin pero naunahan siya ni ronan

"Tara na!" Sabi Niya sakin, PUTANG INA DI KO ALAM KANINO AKO SASAMA!!

"oum.."

"Please. Minsan lang naman tayo nagsasama eh" sabi ni ronan, well totoo naman sinasabi ni ronan.

"Ok, saan ba tayo?" Tanong ko at ngumiti.

"Hmm..sa restaurant yung malapit lang dito" sabi Niya at tumango ako

"Basta libre mo ah!" Sabi ko at tumango na din siya ayun Pag alis Niya sa harapan ko wala na si Adrian dun. Lah. San yun nagpunta?

Later pumunta na kami at libre Niya nga kumain at daldalan lang ginawa namin.

"Nagulat nga ako nung bigla kayong nag yakap ni Adrian..." Sabi niya "kayo na ba?"

Nagulat ako sa tanong niya. "Gago, hindi...I don't know pero parang gusto Niya ako" sabi ko

May tahimik ng saglit, nag tanong ulit "gusto mo siya?"

"Halata na ba talaga ako?!" Sabi ko and he was surprised sa tanong ko and he looked away

"Hindi...di ko alam na gusto mo siya eh" sabi ni ronan "kailan pa?"

Nag isip ako kung kailan ko siya nagustuhan. "Hmm...I don't know...I just realized it lang" sabi ko at kumain ulit, anyways after that. Umuwi na kami ng sabay sumakay na ako ng jeep. Since, wala na ata dun si adrian at baka nag celebrate sila ng teammates niya.

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon